Hanggang Kailan? [One Shot]

11.7K 403 64
                                    

Okay so this is the obligatory author's note. HAHAHA!

Hi Monggi! Para sa iyo ito. Sabi ko pa naman sa on-going series ko na prologue kita bigyan ng dedication pero ewan ko, mas okay ito sa iyo. Gusto kong maka-relate ka! Hahaha! Kain bubog tayong dalawa. I love you monggi! :) Thank you for being a very cool friend. Push na natin love life natin. IT'S TIME! :)))))))

Hi MissShine bright like a diamond. Ito na yung love story mo pero ewan ko. Sana masayahan ka. Love you! :****

***

Sometimes you will never know the true value of a moment until it becomes a memory.

Paano ba magmahal?

Ano ba ang tunay na pagmamahal?

Sinabi mo na kayang pawiin ng pagmamahal ang sakit kahit gaano ito kasakit.pero nasaan ka ngayon?

Iniwan mo ako.

Hanggang alaala ka na lang ba?

***

Nagkaroon ako ng boyfriend for one year at kahit hindi kami ganun nagtagal, nasaktan ako ng makipahiwalay siya. Siya ang first love ko. Siya ang first boyfriend ko.

Hindi ko alam ang gagawin. Baguhan ako sa larangan na ito. Move on? Let go? Adjust? Iyan pala ang mga salitang kailangan ko matutunan kapag dumadaan sa break-up. Pero hindi ko kaya. Hindi ko ata kakayanin. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.

Tuwing pupunta ako sa mga party siya ang naaalala ko. Kahit saan ako tumingin siya ang nakikita ko. Para na akong baliw pero hindi ko talaga matanggap ang pagkawala niya.

"Shine, sumama ka na sa party! Sige na please?" Pinipilit ako ng close friend ko na si Mae. 

"Ayoko Mae, pagod ako."

"Pagod? Saan ka napagod? Sa kakamukmok dyan?"

"Hayaan mo na lang ako Mae."

"Shine ano ba?! Nagsisimula na akong mainis sa'yo. Five months na kayong hiwalay. Magmove on ka na for goodness' sake!"

"Hindi ko kaya..."

"Kaya mo pero pinipigilan mo lang ang sarili mo. Okay? Ang OA mo! Sa twenty-two years na nabubuhay ka sa mundo, isang taon lang pinagsamahan niyo. Nabuhay ka ng twenty-one years na wala siya. Move on. Let go."

Natamaan ako sa sinabi ni Mae. Totoo yun, siguro nga ako rin ang may kasalanan bakit hindi ako makamove on. Mind over matter dapat. Kakayanin ko. Sinisigurado kong kakayanin ko.

 ***

Pagkapasok na pagkapasok namin ni Mae sa bar parang gusto ko na umatras. Ang daming tao. Ayoko muna makisalamuha sa mga tao dahil gusto kong mapag-isa.

"Mae, uwi na ako."

"Bakit?"

"Ang daming tao eh."

"Saan ka nakakita ng party na walang tao? Yung lamay nga madami ring tao, party pa kaya? Don't be a party pooper, okay? I brought you here because I want you to have some fun. Malay mo makilala mo si Mr. Right dito."

"Okay fine di na po ako uuwi pero pwede naman siguro na umupo ako dun sa sulok no?"

"Sige papayag ako na umupo ka sa sulok basta walang uuwi hangga't di ko sinasabi. Promise?"

"Pinky promise."

Ganyan talaga si Mae, may pagka-dictator minsan pero thankful ako kasi siya yung nasa tabi ko sa mga oras na kailangan ko ng makakasama.

Hanggang Kailan? [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon