Love Spells (One Shot!)

103 2 0
                                    

Kagaya nga ng ibang babae na ka-edad ko, nahulog ako sa isang tao na hindi ko inaasahan. Sa maling tao at sa maling oras, at sa maling sitwasyon.

Minsan, ang puso ng isang babae hindi ka agad naiintindihan, kung matuturuan ko lang ang puso ko kung sino ang mamahalin ko, kung meron lang akong magic powers para mahulog sya sa akin.

Kasi ngayon,di ko alam ang gagawin ko.

"Hanah!"

Huh?

Sinong tumatawag sa akin?

"Hanah!"

Teka! Pamilyar sa akin yung boses ah.

"Hanah! Gumising ka!"

Eh?!

Binuksan ko yung mga mata ko, at pagtingin ko sa paligid ko, nasa school pa pala ako. Nakatulog na naman ako -_-

"Hanaaaah!"

Bati sa akin ni Josh. Ang bestfriend ko.

"Hoy gumising ka na!"

Sabi nya ulit sa akin.

"Ay! Nandito ka pala."

Sagot ko.

"Hindi wala. Picture lang 'to"

Namilosopo pa 'to.

"Nagmamadali na tayo sa ipapasa nating research paper tapos ikaw patulog-tulog nalang dyan! Magfocus ka nga.."

Sabi nya sa akin.

"Pasensya na."

Inabot sa akin ni Josh yung research paper.

"Kailangan natin yan ipasa bago mag 1pm."

Sabi nya.

Tumingin ako sa orasan, 10am pa lang. Maaga pa! Ilang oras pa oh. Makakatulog pa ako! S

"Nakikinig ka ba,hanah?"

Tanong nya.

"Ah.. oo.. Oo naman!" Sagot ko.

"May problema ba?"

"Wala, wala naman. Okay lang ako.

"Siguro inlove ka!"

Nakatulala lang, inlove na agad?

"Oy! Di sumasagot! Inlove ang bestfriend ko! Inlove ang bestfriend ko!"

"Oy! Manahimik ka nga dyan! Di naman e!"

"Obvious naman eh hahaha. Nagba-blush ka pa! Sabihin mo nga sa akin kung sino yang malas na lalaking yan?" Sabi nya.

"Maka-malas naman! At bakit mo kailangan malaman?"

"Kasi magbestfriend tayo!" Sagot nya.

So, anong connect? Hahaha.

"At baka, matulungan pa kita." Sabi nya.

"Sige, dahil ikaw lang ang nag-iisang kaibigan ko! Sige! Sasabihin ko na sayo,wala na akong choice e!

"Pero, ipangako mo na di mo sasabihin kahit kanino!"

"Cross my heart."

"Kilala mo si Kier?"

"Si Kier Sanchez ng Class 4-a?"

"Kier? Class 4-a?"

"Si Kier yung crush mo?"

"Ssssshhh. Hinaan mo lang boses mo, baka may makarinig."

"Ah, okay."

"Eh, di ka naman kilala ni Kier,diba? Ni hindi nya alam na nag-exist ka sa mundo na 'to.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Spells (One Shot!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon