-BAD #42-
Kinuha ko ang gamit ko at nagdesisyong umuwi sa bahay ko. Hindi ko gusto na nandito ako sa mansion niya. Uuwi ako. Kailangan ko din ng pahinga. Mas mabuti siguro kung doon ako sa bahay ko. Ang dami daming emotions ang nararamdaman ko ngayon. Ang gulo gulo ng utak ko. Naglakad ako palabas ng subdivision at sakto naman pagkalabas ko ay may taxi na nakatigil sa tapat. Sumakay ako doon at sinabi ang address ko. Gusto kong umiyak. Ang bigat bigat ng dibdib ko.
"Dito na po kuya." Sabi ko sa taxi driver at binigay ang bayad ko. Binaba ko ang maleta ko at pumasok na sa gate. Ilang araw din akong wala sa bahay. Ayoko muna makita si Wade.
Pumasok ako sa bahay at inakyat sa kwarto ko ang bag ko. Kumuha ako ng damit pang bahay at nilapag iyon sa kama ko. Ililigo ko na lang nga to. Baka kailangan ko lang mapreskuhan. Naligo ako ng halos isang oras hanggang sa marelax ako. Hindi naman ako ganito ehh. Malakas ako, matatag sa buhay kaya wag dapat ako magpaapekto dahil lang sa isang lalaki. Tama! Nagbihis ako at pumunta sa kusina para maghanap ng makakain. Habang naghahanap ako ay biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Xyra sa screen at sinagot ko agad ang tawag.
"Hello? Xy, napatawag ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Nandito si Primrose sa mansion! Pumunta ka dito dali! Now na!" Excited na balita niya. Naririnig ko rin si Yckos at Prim na nagsasalita sa background. Nabuhayan ako. Namiss ko sila ni Xyra. Masyado kong binibigay kay Wade ang oras ko. Mali iyon.
"Sige papunta na ko jan." Kinulit pa ako ni Xyra na bilisan at umoo naman ako. Hindi naman malayo ang mansion nila dito. Mga ilang minuto lang.
-----
"Ema?! Ang iksi ng buhok mo!" Sigaw ni Primrose sa'kin pagkapasok ko ng kwarto. Nandoon silang dalawa ni Xyra at parehas na gulat na gulat sa itsura ko. Niyakap ko ng mahigpit si Prim. Pumayat siya. Namiss ko siya ang tagal niya din nawala.
Niyakap ko rin si Xyra. Kahit papaano ay gumagaan ang loob ko at kasama ko silang dalawa. Sila lang naman ang close friends ko. Titig na titig sila sa buhok ko. Bago pa ako makapag salita ay pumasok na ang mga lalaki. Si Lucas at si Yckos. Naalala ko tuloy si Wade. Ay nako! Bahala siya! Kung kelan talaga may stalker si Yckos at Primrose na babaliw baliw tsaka niya pipiliin puntahan iyong Australia na iyon? Akala ko ba ako iyong mahal niya? Hindi sa nagdadamot ako pero bakit ganoon? Ang masama pa dito hindi siya nagsabi sa'kin. Kung hindi pa masasabi ni Ryan ay hindi ko pa malalaman. Bakit kailangan itago? Bakit kailangan magsinungaling? Sa likod ng magulo kong pagiisip ay nakatingin lang ako sa mga kaibigan ko na kasama ang mga mahal nila. Si Lucas at si Xyra, si Primrose at si Yckos. Ako magisa.
"Ano ba yan?! Sa harap ko pa nag PDA ang mga to!" Pabirong reklamo ko. Nagtawanan lang sila. Naalala ko tuloy ang mga nangyari noong nasa Bohol kami. Iyon na yata ang pinakamasayang ilang araw ng buhay ko. Tapos mababago din agad pagbalik namin ng Manila? Ano iyon? Isang linggong pagibig?
"Aalis na muna kami. Isasama ko na muna si Lucas. Pinauwi ko muna si Ares dito sa mansion para bantayan kayo. He's on his way here." Sabi naman ni Yckos. Nagbulungan pa silang dalawa ng i love you ni Prim. Naalala ko nanaman si Wade pag sinasabihan niya ako non. Napabuntong hininga na lang ako.
Siguro nga mahal niya talaga si Australia. Ni hindi ko nga alam na naging sila ba talaga. Mukang walang balak sabihin sa'kin ni Wade ang tungkol sa bahay na yon. Hindi kaya sila pa rin hanggang ngayon? Pero hindi eh... Hindi naman siguro siya iiyak ng dahil lang sa ayaw akong mawala diba? Noong kausap niya si Yckos sa phone noong nasa Bohol pa kami, umiyak siya noon dahil ayaw niya daw akong mawala sa kaniya. Pero bakit ngayon ganito? Bakit wala siya sa tabi ko?
"Bakit parang nabagsakan ng langit at lupa iyang mukha mo?" Tanong ni Xyra sa'kin. Tumawa na lang ako.
"Ay alam ko na.." Dagdag niya pa. Umiling kaagad ako. Alam ko na ang sasabihin niya. Ayoko pa malaman ni Prim at baka sabunutan ako nito.
"Nagaalala lang ako. Baliw na talaga yang Monica na yan." Sumangayon naman silang dalawa. Nakahinga ako ng maluwag. Hayy ayoko talaga muna pagusapan ang sitwasyon ko ngayon.
"Nasaan pala ang inaanak ko?" Tanong ko kay Primrose. Sa ngayon kailangan ko ang mga taong nagpapasaya sa'kin. Isa doon ang inaanak kong si Tyrone.
"Iniwan ko muna sa probinsya. Susunduin ko rin siya pag ayos na ang lahat dito." Sagot ni Prim. Tumango naman ako.
"Buntis ka na?" Tanong ko kay Prim namula siya kaagad at mabilis na nag deny. Ngumisi na lang ako.
Hindi na siguro ako sasaya tulad nila. Nagkukwentuhan lang kami at laking pasalamat ko naman dahil hindi nadudulas si Xyra na magkwento tungkol sa'min ni Wade. Maya maya ay nag ring ang phone ko. Unknown number kaya sinagot ko. Baka kasi importante. Nag excuse ako sa mga kaibigan ko at lumabas muna at pumunta sa garden.
"Hello?"
"Hello, Emalee? This is Vincent. Pwede ba tayong magusap?"
BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
Literatura FemininaWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...