Chapter 4

140 3 0
                                    

• Aoi's Pov •

Naglalakad ako papunta school ngayon kasi ni lock ni kuya yung bike ko at tinago ang susi. Ano nanaman ba kasi ginawa ko sa kanya? Wala naman ah..
Try ko kayang i-flasback lahat para maalala ko. Hmmm... Let's see..
*beep beep* *beeeepp*
Napatalon nalang ako nung napansin kong nasa side ako ng kalsada at muntik ng mabunggo. Kaya naman, sinigawan ako ni manong driver na bumaba pa sa sasakyan niyang kulay red na toyota. Kung makasigaw kala mo kung sino, eh driver lang naman.
Tinatanguan ko lang siya nang may lumabas nanaman sa saksakyan pero galing sa likod.
"Mark" Nagulat ako nung nakita ko kung sino yun.. Teka.. Parang kilala ko toh ah..
"Kuya!" Napatingin ako ulit sa sumigaw at nakita ko, si Takamura.
"Manager?!"
"Wag mo nga akong tawaging "Manager" kung wala tayo sa school!"
Ok... Chill..
Linapitan naman ako ng "Kuya" niya na kamukha nya talaga. Linapit niya sakin ang mukha niya kaya naman napaatras ako.
"Y-yes..?" Patuloy parin ang pagatras ko saka niya hinawakan bewang ko kaya medyo natawa ako kasi, sensitive part ko kaya yun!
"Ah! Ano ba!?"
"Kuya!"
Nginitian lang niya ako at hinila papunta sa loob nang sasakyan nila.
"H-huh?!"
"Sakay ka na samin. Ok lang nmn dba? Taka-chan."
"Wag mo nga akong tawaging Taka-chan! Haist." sagot naman nito sa kanya. Taka-chan pala hah.

Pagkarating namin sa school, nag thank you ako sa kanya pero yung driver, grabe parin tingin sakin.
"Aoi." Napatingin naman ako sa kasabay ko na wala nang ginawa kundi makipag talo sa kapatid niya na pinapatawa lang siya. Pikon eh.
"Oh?" Sagot ko pero parang hindi siya mapakali.
"Pwede ba... Tignan mo naman ang paligid mo!" Aba!
"Bakit ba kas---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko, hinawakan niya ang ulo ko saka tinuro sa paligid namin. Nakita ko na nakatitig lahat ang mga students samin pati narin ang buong team. Nasa taas sila, makikita mo sila galing sa baba. Tung Ayumi naman, may pa drop-drop jaw pang nalalaman.
Tinignan ko lang si Manager at tumingin sa paligid.
"Oh? Ano naman ngayon? Wala namang namamagitan satin ah." sagot ko sa kanya at dali-dali na akong pumasok at iniwan siyang nakatayo. Pagkarating ko naman sa room, grabe titig ng tatlo. Kala mo for the first time eh. Mga baliw.
"Oh ano yan? Nakakairita. Yuck!"
"Hala! Na shock lang kami! Duh!"
"Tsk. Tama na nga yan! Sinayang ko lang isang minuto ng buhay ko."
"Tama na..." Pinabayaan ko nalang sila at umupo sa upuan ko, buti nalang beside the windows ako.

Sa buong klase, wala akong ginawa kundi matulog. Hindi ako ginanaang makinig.
"Hoy!"
"Aray!" Napaupo ako ng maayos at hinawakan ang ulo ko. Si Akame nanaman jusko. Hinala ako ng dalawa papunta sa gym para sa practice namin. Ilang weeks nalang din, laban na namin.
Pagkarating palang namin, nakaupo na ang mga ibang members, kami nalang ang kulang. Nagkatingin kami ni Manager pero tinulak lang ako ni Ayumi sabay sabi, "Omg. May na fa-fall." Tae. Sarap sapakin eh.
"Ano na? Bilisan niyo." Naglakad nalang ako papunta sa kanila at umupo sa tabi ni Akame at Shizuka.
Diniscuss lang ni Manager kung ano ang gagawin namin para sa laban namin sa ibang school. Sinabi lang naman na baka hindi daw matutuloy. Hindi matutuloy..... Teka... Parang mali ah...
"Huh?!" Napatayo nalang ako at naglakad malapit kay Manager at hinawakan ang polo niya.
"Alam mo ba ang sinasabi mo?! Anong hindi matutuloy?! Pinaghirapan namin to ng isang buwan tapos yan lang kalalabasan?! Tae!" Binitawan ko ang polo niya, hindi na ako nagsalita at naglakad nalang paalis sa gym. Tsk. Hindi matutuloy? Kabaliwan.

Umuwi akong hindi maganda mood ko, pati nga si kuya nasigawan ko kaya nagalit siya pero hindi ko nalang siya pinansin at naglabog papunta sa kwarto ko. Bakit? Bakit naiinis ako kay Manager at hindi sa mga taong nagsabing hindi matutuloy ang laban? Bakit? Bakit!?
"Ahhhh!" Binato ko ang unan sa ulunan ko at kumuha ng libro sa shelf ko. Sinubukan kong magbasa pero wala akong maintindihan.
"Aoi." narinig kong kumakatok si kuya kaya binuksan ko nalang toh at kunwari nagbabasa ako.
"Bat ka ganyan? Anyare?" Tinignan ko lang si kuya sa malungkot kong mukha at niyakap siya.
"Kuya... Bat ganon.. Pagkatapos ng paghihirap namin, ganun lang ang kalalabasan?.." Ginulo niya lang ang buhok ko at pinunasan ang luha ko. Umiiyak na pala ako... Jusko.
"Bakit?" tanong niya sakin at sinabi ko naman lahat yung sinabi ni manager kanina. "Yun lang naman pala eh. Parehas lang tayo. Hindi rin kami matutuloy kasi nagkaproblema daw sila sa head. Ewan ko kung ano yun. Parang hindi naman ganun ka big deal kung masasabe. Pero kailangan natin silang sundin, ok?" Tinanguan ko lang si kuya saka humiga siya sa tabi ko. "Tabi tayo ngayon ok? Gaya ng ginagagwa natin nung bata pa tayo." Niyakap ko ng mahigpit si kuya at hindi namin namamalayan, unti-unti naming pinikit ang mata namin at natulog ng mahimbing.

The Uncrowned Prince's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon