Chapter 1:
Dear Diary,
Ngayong araw na to napangiti nanaman ako ni Crush! Alam mo ba kung bakit?
Nakita ko kasi siyang naka smile. Dahil tuwing masaya siya, masaya na din ako. Nakakainis talaga si Liza. Nagmamadali kasing umuwi kanina, tuloy hindi ko nasulit titigan si Crush.
Sana balang araw, mapansin din ako ni Crush. Matagal ko na kasing tinatago na may crush ako sakanya eh. Kaya lang nahihiya ako kasi isa lang akong Nerd sa paningin niya...
Isang Nerd na may eye glasses.And drama ko nanaman Dear diary! Sige na! Bukas nalang ulit , tulog na ko..
*Kriiiing. Kriiiiiing. Kriiiiing!*
Umaga na ba? Ang bilis naman. Parang kaka idlip ko lang kanina tapos umaga na kaagad?
Uhhhh.. sabay tingin sa clock.
Naku. Nakalimutan ko pala. Malabo na pala mata ko. Kinuha ko eye glasses ko tas sinuot. Sabay tingin ulit sa Clock.
"Gosh! Late na ako!" Agad akong tumayo. At pumunta sa Cr para maligo agad. Mag skip na muna ako ng breakfast ko ngayon.
Nag-abang ako ng taxi. Inutusan kong bilisan nung manong driver yung pagdadrive niya para makaabot ako sa school..
Ilang minuto lang, nakadating na rin ako sa school. Naku! Wala nang estudyante sa labas.
Agad akong tumakbo papuntang classroom namin.
Pagka pasok ko--
"Miss Dela Cruz! Your late again!" Sigaw ng subject teacher ko na si Mam Fajardo.
Lagi naman eh. Si Mam Fajardo ang aming "Terror Teacher". Isang pagkakamali lang namin.. bawas na agad sa grades mo.
(- _ -)
Yumuko ako. At agad akong umupo sa upuan ko. Habang nilalabas ko mga gamit ko.
Naku! 40 minutes late na pala ako. Hindi ako nakaabot sa first class ko...
Anu bayan."Late ka nanaman Cindy.."
"Lagi namang late yan eh..."
"Sa bagay, nerd kasi eh!"
Ayan nanaman sila. Mga kontrabida sa buhay ko. Lahat nalang ng ginagawa ko, nagagawa ko, at gagawin ko. Lagi nalang silang sumuspot!
Ganyan naman talaga sila eh. Mahilig sila manlait ng tao.
Pwede naman nilang sabihing late ako. Pero bakit pa nila kailangang sabihin na Nerd ako? Alam ko naman yun eh. Ang pinaka ayaw ko lang kasi ay yung nilalait ako..
Tao din ako noh. Nasasaktan..
"Okay class, you may take your break in 15 minutes."
Nagsilabasan na sila. Ako nalang ang nandito sa room namin. Loner kasi ako eh. Binuksan ko libro ko at nag umpisang magbasa.
Nang hindi nagtagal. Napadaan si?
Sino yun?
Si Crush! Ahhhhhhh! Nakita ko nanaman si Crush ngayong araw na to! Whooohoooo!
Halos hindi ako mapakali sa upuan ko. Gusto kong lumabas. Kaya lang parang may pumipigil sakin...
Pinipigilan ako ng takot ko.
Takot na baka i-reject ako ni Crush..
Baka pagtawanan lang nila ako. Nerd ako , Hearthrob si Crush...Pero patuloy parin akong umaasa..
Hindi ko namamalayan natulala na pala ako.
(O - O)
Nang biglang , may sumulpot.
"Hoy! Cindy! Ayan ka nanaman.. nakatulala ka nanaman diyan" sabi ni Liza.
Si Liza nga pala, best friend ko since elementary palang close na kami. Pero hanggang ngayon hindi niya parin kilala crush ko. Masyado kasi akong Misteryoso eh. Hehe.
Sa sobrang pagiging misteryoso ko. Nagiging Invisible na ako sa campus namin..
"Cindy halika labas na tayo.. kanina ka pa nakatunganga diyan! Halika ka na!" sabay hila ng braso papalabas ng room.
Aray ang sakit ng paghila ni Liza sakin. Para naman kasing mauubusan kami ng pagkain eh..
Pagkalabas namin binitawan na ako ni Liza. Sa wakas! Nakalaya na din ako sa mahihigpit na kamay ni Liza hehe..
Nang may biglang nagtulak sakin sa likod - - -
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Weew! Sa wakas natapos din ang chapter 1. Kinakabahan ako sa mga magiging feedbacks niyo hihi...
Abangan niyo po ang mangyayari.
Sino kaya yung nagtulak kay Cindy?
BINABASA MO ANG
Dear Crush
RandomLahat naman siguro tayo ay nakaranas ng paghanga sa isang tao. Yung tipong gusto mo siya dahil maganda , gwapo, magaling sumayaw , nasa tamang lugar ang pagiging mabait niya, hindi choosy , malinis sa katawan at kung ano-ano pa. Ang story na ito ay...