Will I Wait for Love?

31 1 0
                                    

Note: This is a fiction story. Self-made and hope you would like it.

"Love your works. Never let anyone steal it."

•••••••

Malayu ang tanaw sa kalangitan ng isang morenang babae. Nagmumuni muni tungkol sa isang bagay na hindi nya masyadong maintindihan..

Pag-ibig?

Inaasam ng lahat..

Pagkabigo??

Bagay na iniiwasan sa pag-ibig na sadyang mahirap din maiwasan kung minsan.

Pag umibig kasi tayo, gusto nating sumaya.

SUMAYA..??

Pero hindi mo malalamang nagmamahal ka na kung hindi ka nasasaktan.

Bigla na lang syang matitigilan sa pagiisip dahil tinawag siya ng kanyang classmate na si Duan para mag lunch.

Duan: hoy babae! Nakakalunod ang iniisip mo. Tara na at ng makakain na tayo.

Eunice: ayhhh.. Ohhh sige. Tara.

Siya si Eunice. 21 na taong gulang at kasalukuyang 4th year college student. Morena, may taas na 5'5 at may balingkinitang katawan na talagang nakakadagdag akit sa kanya.

Si Duan naman ay kaibigan at kaklase ni Eunice simula pa noong sila ay high school pa lang. Lihim syang gusto ni Eunice dahil sa kabaitan nito at kakulitan.

Madalas ay napagkakamalang mag syota ang dalawa dahil sa lagi silang magkasama. Sa pagpasok sa eskwela, lunchtime o breaktime, uwian, at maging sa mga gala at gimik.

Duan: Eunice, sa dami dami ng nanliligaw sayo baket ayaw mo sagutin ung isa?

Eunice: anu ka ba. Wala pa sa isip ko yan.

( kung alam mo lang ang nararamdaman ko para sayo). Sabay buntong hininga ng dalaga.

Duan: ikaw din baka tumanda kang dalaga niyan.

Eunice: di naman minamadali yun no. Gusto ko muna magtapos ng pag aaral.

Duan: di mo din masasabi yan. Kase pag tumibok na ang puso mo, di mo na alam ang mga susunod na magagawa mo. Magiging tanga at mababaw ka na.

Eunice: grabe ka naman. Baket naranasan mo na ba magmahal? Eh isa ka nga dyang mr. Torpe!

Duan: torpe ka jan. May hinihintay lang ako. Mabuti pa bumalik na tayo sa klase at kung anu ano na nasasabi mo haha..

Eunice: pano napipikon ka na. U can't beat me in a debate Mr. Duan del Mar. Bleh!

Duan: Pinagbibigyan pang kita Ms. Eunice Reyes. Kung tutuusin wala ka namang laban sa aken.. Hahaha

Eunice: In your dreams.. Tara na baka ma late pa tayo.

Nagsisimula sa umaga hanggang mag uwian ang pagkukulitan ng dalawa na mas lalong nagpapatibay ng samahan nila at mas lalong nagpapalaki ng nararamdaman ni Eunice para kay Duan.

Lumipas ang mga araw at graduation na nila Eunice at Duan. Di sila makapaniwala na tapos na ang buhay eskwela nila. Masayang masaya ang dalawa dahil natupad na ang pangarap nilang makapagtapos ng kolehiyo.

Eunice: Duan this is it! We're done na ..

Tuwang tuwa si Eunice at napayakap kay Duan.

Duan: yes Eunice.. Congrats saten. Hahaha another road naman ang tatahakin natin.

Eunice: oo nga and hopefully magkasama pa din tayo sa pagtatrabahuhan natin.

Duan: looking forward to that eunice.

Isang linggo ang nakalipas nakatanggap ng text message si Eunice mula kay Duan.

..gud morning! My gawin kba now?

Ayain sna kta gumala mya eh.

Natuwa naman si Eunice at agad um-oo sa binata. Nagayos agad si Eunice upang paghandaan ang imbitasyon ni Duan. Excited na kinikilig ang dalaga dahil niyayaya sya ni Duan ng date.

Bandang alas-3 ng hapon sila nagkita sa SM North at manghang mangha si Duan dahil mas lalong gumanda si Eunice sa suot nito.

Duan: Wow! You look great!

Eunice: thanks.. Pa english english ka pa dyan.

Duan: eto naman pinansin pa.. Nagpapractice na kase ako

Eunice: for what? Call center agent?

Duan: lets talk about it later. For now lets enjoy the day ..

Nanuod ng sine ang dalawa pagkatapos ay kumaen sa foodcourt. Nahiwagaan pa din si Eunice sa sinabi ni Duan kanina kaya muli nya tinanong kung para saan ung pagpapractice niya? Di pa din sinagot ng binata ang tanong ni Eunice dahilan para tumahimik ito.

Maya maya pa ay nagyaya ng umuwi si Eunice..

Eunice: past 7 pm na . Uwi na tayo?

Duan: okay. Sana nag enjoy ka haha

Eunice: oo naman nag enjoy ako. Ang kulet mo eh pero may hindi ka pa sinasabi skin eh.

Duan: Oo nga.. Its a good news Eunice..

Eunice: ano?

Duan: ill be working sa company nila kuya sa Canada and next month na ang alis ko.

Di nakapagsalita si Eunice sa narinig. Parang hindi nya gusto marinig ang balitang iyon galing sa kanyang lihim na minamahal.

Duan: Oh bat tulala ka dyan? Na speechless ka bigla? Di ka ba masAya para skin?

Eunice: ahh hindi ahh..... Ano.. Ahh.. Syempre masaya ako.

Duan: Yun naman pala eh.

Di makatulog si Eunice ng gabing iyon kakaisip sa binalita ni Duan.. Ayaw nyang malayu si Duan. Pero alam nyang wala syang karapatang pigilan ang desisyon nito.

Itutuloy...

Ill update it as soon as possible..

Hope youll appreciate it.

Ill accept comments or haters if that would enhance my capability in writing..

Will I Wait for Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon