She's the one
Hayy buhay, ako na ata ang lalaking napakaboring ang lovelife.. Ewan ko ba, siguro sadyang ganun lang kalufet ang tadhana..
I'm Jun Carl Mendez, kung sa istado sa buhay ang pag-uusapan wala na akong hahanapin pa, lahat kasi nang gustuhin kong bagay nakukuha ko, mayaman daw kasi kame . Daw?? Mayaman kasi sila mommy at daddy.. Nakukuha ko lahat maliban sa kaisa isang babaeng gustong gusto ko! Tengene! ewan ko ba kung bakit ganun, basta pagdating sa kanya umuurong bituka ko.. Gwapo naman ako, yun kasi ang sabi nla eee, sa totoo lang e marami rin namang nagkakagusto sakin ee, pero wala naman kasi akong gusto sa kanila, dahil nga isa lang ang gusto ko at yun ay si Zaienna Cruz.
Yaeh Zaienna Cruz!! Siya ang nag-iisang babaeng napapatibok sa tigang kong puso, Kainis!! Di ako naiinis sa kanya ahh, naiinis ako sa sarili ko kasi napaka tagal ko na siyang gusto! Simula siguro nang isilang ako dito sa mundong ibabaw gusto ko na siya! Biro lang masyado nang OA. haha. Nagsimula yun nung elementary, yes! Elementary! 3 years gap namin, napansin ko siya nung grade 6 ako tapos grade 3 naman siya... malapit lang kasi classroom namen sa classroom nila. Syempre nun d ko pa alam na gusto ko siya ! ahahahhaha..ang bata bata pa kaya nun, nawiwili lang akong panuorin siya, bibo kasi, lagi siyang nasasali sa programs sa school, mapapansin mo siya kagad kasi maputi at chinita. Ang galing niyang sumayaw, Basta! basta! sarap niyang panuorin. Magalang din siyang bata. Sa katotohanan ee kilala siya sa buong school, teacher kasi tatay niya tapos kapatid pa nang tatay niya yung mayor sa lugar namin. Hayyy naku.. Ang saya ko talaga pagnakikita ko yung batang yun, kaya nung naggraduate ako nang elementary syempre high school na ako nun, alangan namang college na agad, .. total malapit lang din naman yung school ko nung high school dun sa elementary school na pinasukan ko nun lagi akong dumadaan dun pag-out ko , alam ko kasi nandun pa siya, mahilig kasi siyang maglaro tapos mga 6pm na din siya nakakauwi kasi sumasabay siya sa tatay niya. Naging routine ko na yun, hagang nakikita ko yung development niya, lalo siyang gumaganda lalo na nung nag grade 6 na siya, makikita mo talaga na malaki yung pinangbago nang katawan niya, yung bibong bata nung nagiging chix na .. sama ko haha.. Pero kahit naman sino e kung makikita siya siguro maglalaway ahahaah.. 3 years ko na siyang pinagmamasdan, pero di ko parin magawang magpakilala sa kanya.. Haisst ang bilis nang panahon pero parang sa kanya lang umiikot mundo ko. Haha di nga ko makapagfocus sa school kasi labasan lang yung lagi kong hinihintay kasi sabik akong makita siya.. Pero eeeettoooo na yung pinakahihintay ko, naggraduate na siya nang elementary. Syempre pinilit kong alamin kung san siya mag-aaral nang high school. Sobrang tuwa ko naman nung nalaman kong sa school kung san ako nag-aaral siya nagpaenroll! Wow magiging schoolmate ko ulit yung idol ko! Pero tsk , naisip ko 4th year na pala ako, so bale isang year ko lang siya magiging schoolmate nakakalungkot naman. Pero okay lang atleast!
(sakawas!)
Yun! Schoolmate ko na siya :D Haaiissttt sobrang tuwa ko talaga!! kaya yun inalam ko yung schedule niya para alam ko ang vacant time niya at kung vacant naman ako alam ko kung san ko siya makikita. Hayyy. Mukhang stalker niya na nga ako sa lagay kong to..! At yeah, wala pa akong nanaging girlfriend dahil sa batang to! di ko naman siya masisisi wala naman siyang kasalanan ee ginusto ko naman to e! Kaya yun sunod lang ako nang sunod sa kanya .. Dahil sa kakasunod ko, minsan nasasaktan lang din lang ako. Minsan kasi nalalaman kong may nagkakacrush sa kanya, tapos buti pa sila may lakas nang loob para sabihin sa kanya. Mas masaklap pag crush din niya yung lalaking may crush sa kanya,hayyy kelan niya kaya ko magiging crush. Minsan nawawalan na ako nang tiwala sa sarili ko.. Ang torpe torpe ko kasi di ko magawa gawang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Naku! Tapos yung isa pa sa pinacute sa mga junoirs nalaman kong may gusto sa kanya.
Npakabilis nang panahon. Gagraduate na ako di ko man lang masabi sabi sa kanya tong nararamdaman ko.. Kasi naman, Sikat siya agad sa school, e panu naman kasi naging officer siya agad sa student's council .. Wala naman kasi akong maipagmamalaki sa kanya.. Hayyyy
BINABASA MO ANG
Torpe (One Shot)
RomanceHindi lahat nang tao kayang ipahayag ang tunay nilang nararamdaman. Pilit na tinatago kahit gustong gusto nang isigaw nang puso. Yan ang hirap sa mga torpe. Napakasakit isipin na yung babaeng gustong gusto mo ay makikita mo sa bisig nang iba dahil s...