Napaka-gloomy ng araw na ito. Wala kasi si mushroom e, absent. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman syang nabanggit kahapon na hindi sya papasok ngayon, wala tuloy akong kakulitan at kasamang kumain mamaya. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa mga braso kong nakapatong sa arm chair ko.
Matutulog na lang ako, vacant naman namin ngayon e.
"Faith may naghahanap sayo sa labas." Napatunghay ako nang marinig ko ang sabi ng isa kong kaklase. Sino naman kaya ang maghahanap sa akin?
"Sino daw?" tanong ko ng hindi pa din tumatayo sa upuan ko
"Vin daw e." pagkarinig ko sinabi ay agad akong tumayo at saka lumabas sa classroom.
Si Vin, hinahanap ako ni Vin. Bakit naman kaya? Pagkalabas ko sa pintuan ay agad kong hinanap si Vin. Nakita ko syang nakatayo sa may pader ng classroom at nakapamulsa.
"Vin." Medyo mahinang tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya sa akin saka ngumiti na naging dahilan para makaramdam ako ng kurot sa puso ko. Masaya na nga sya talaga.
"Anong.. Anong ginagawa mo dito? Hinahanap mo daw ako? May kailangan ka ba?" sunod-sunod na tanong ko
"Pwede ka bang makausap?" tanong nya tapos ay nagsimula syang maglakad.
Ni hindi nya man lang hinintay ang sagot ko pero sumunod na rin ako dahil gusto ko din naman syang makausap. Nasa likod lang nya ako habang naglalakad kami. Ganito pala ang feeling na after ng break up nyo ay mag-uusap ulit kayo ng ex mo, nakakailang, nakakakaba. Yung tipong hindi mapakali ang utak mo sa kakaisip kung ano ang pag-uusapan nyo, kung ito bang magiging pag-uusap nyo e para mas maging malinaw yung paghihiwalay nyo at ng hindi ka na umasa pa.
Kung anuman ang pag-uusapan namin, hindi ko alam kung kaya kong tanggapin o marinig man lang. Feeling ko kasi ngayon ko na malalaman lahat ng katotohanan sa pakikipag-break nya sa akin.
Tumigil sya sa paglalakad dahilan para mabunggo ako sa likuran nya. Wala kasi ako sa sarili habang naglalakad kami kaya hindi ko napansin na nandito na pala kami sa playground. Nag-iba na pala sya ng pamango, dati kasi favorite nyang gamitin yung pabangong sinuggest ko nung minsang mag-date kami sa mall.
Hindi ko alam kung bakit dito nya pa napiling mag-usap kami, dito rin kasi sya nakipag-break sa akin. Gusto nya talagang sirain sa paningin ko ang lugar na ito. Ang gaganda pa naman ng lugar na ito.
Umupo sya sa eksaktong pwesto nya nung araw na nakipag-break sya sa akin. Ganun rin ang ginawa ko pero hindi gaya dati ay may distansya na kami. Mga ilang minuto din kami nakaupo ng tahimik hanggang sa magsalita sya.
"Sorry." Sabi nya na nakatingin lang ng diretso
Isang salita pa lang ang nasasabi nya feeling ko unti-unti nang nadudurog ang puso ko. Sa paraan nya kasi ng pagsasabi ng salitang iyon, alam kong negative ang kahulugan nun. Negative sorry.
"You don't have to say anything, I just want you to listen." Saad nya
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Fiksi Remaja"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith