Ang Mga Babae :)

2K 20 17
                                    

Hello ! :) . First time ko po 'to kaya sana magustuhan niyo :3 . Ilang oras ko din po ito ginawa XD . Message ko po yung iba dyansa mga lalaking kagaya ko . Kahit hindi man kayo masyadong sang ayon saakin =)) . Enjoyyy ! :""> . 

 

Marami na kong nakilalang babae . Iba iba sila ng ugali . May mataray , mabait , mabilis uminit ang ulo , matapang , mahiyain , malakas ang trip at marami pang iba . Pero alam mo bang lahat ng babae , magkakaiba man ng ugali , lahat yan nagiging matino sa taong mahalaga sakanila . Lalo na yung mga taong mahal na mahal nila .

"Lahat ng Babae sa mundo ay Maganda . Hindi nga lang naaappriciate ng iba" . Lagi nating tatandaan na ang lahat ng mga babae ay pantay pantay . Pantay pantay sa pag trato at karapatang igalang . Pero alam niyo bang dahil sa mga kilos , pananamit at pananalita niyong mga babae kaya may dahilan kaming mga lalaki para bastusin kayo ? Minsan , hindi niyo na kailangang mag suot ng napakaikling shorts at mag sando para makuha niyo ang atensyon naming lalaki dahil kung talagang interisado kaming mga lalaki sainyo , kahit mag jogging pants pa kayo at mag long sleev ay mapapalingon at mapapalingon kami sayo .

Ang mga babae dapat ginagalang  yan . Hindi dapat sila sinasaktan . Kahit minsan mali sila , dapat padin natin silang pagpasensyahan . Kadalasan kase sa mga babae , matataas ang pride . Kaya minsan , tayong mga lalaki na dapat ang unang magbaba ng pride natin . Hindi naman naten yun ikakamatay e . Sabi nga ng iba , "ANG PRIDE PARANG PANTY YAN . WALANG MANGYAYARI KUNG HINDI MO IBABABA" .

Ang mga babae moody yan lalo na kung natyempuhan mong meron silang bwanang dalaw . Yung tipong konting mali mo lang galit na galit na ? Sa mga panahong ganito , dapat natin silang damayan . Dahil hindi birong  magkaroon nito . Intindihin dapat nating mga lalake na may mga bagay na hindi nila dapat gawin . Katulad ng ano . Yung ano ! Basta ! Alam mo na yun :) . Alam mo ba kung anong nararamdaman nila ? Masakit yung puson nila . Tatagal yun ng mga 3 hanggang 5 araw . At buwan buwan nila itong nararanasan . Pero kapag ikaw ay hindi dinalaw nito ay magtaka ka na at magpacheck up . Baka kase ano . Alam naaaa ! XD . Nagtataka ba kayo kung bakit ko alam lahat ng ito ? Hindi ko din alam e . Basta isa isa nalang silang pumapasok sa isip ko . Galing diba ? =)))) .

Ang mga babae madaling magkagusto sa mga lalaking gwapo . Oo totoo yun . Pero alam mo bang hanggang dun lang sila ? Hanggang paghanga lang sila . Sa katunayan nga , mas nagkakagusto sila dun sa mga lalaking maeffort . Hindi naman pagsinabing effort ay yung bibigyan mo ng chocolate at bulaklak araw araw . Yung simpleng pagbuhat lang sa bag niya , pag hatid at sundo sa kanya pag may pupuntahan kayo at yung pagbibigay ng sapat na oras para sa kanya . Napakalaking bagay na para sa kanila yun . Tips nga pala yun para sa mga lalaking hindi alam kung paano mapapalapit sa taong gusto nila :) .

At higit sa lahat , ang mga babae , hindi dapat yan ipinagpapalit sa ibang bagay katulad ng Dota . Alam mo bang sobrang nagagalit ang mga babae kapag pinaparamdam mo sa kanilang mas mahalaga pa ang dota kesa sa kanila ? Yung tipong text siya ng text tapos hindi ka nagrereply dahil nagdodota ka . Wag ganun ! Pwede ka naman siguro magdota . Kailangan mo nga lang muna magpaalam sa gf or ka m.u mo para alam niya kung anung ginagawa mo . Parang yung ginagawa ko ! XD =))) .

 

Salamat sa ilang minutong pagbabasa nito . Pagbabasa ng mga kabaduyan ko XD . Vote niyo nga pala to ha ? Follow niyo na din ako para ipa-follow ko din kayo :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Mga Babae :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon