Chapter 8

10.2K 369 48
                                    

Chapter 8

Kat

"Ibig mong sabihin bilog ang buwan noong mapunta ka dito sa panahon na ito?" Tumango si Juaquin. Katatapos lang nyang ikuwento ang pagkakapadpad nya sa panahon na ito. May pagkakahawig ang experience naming dalawa, maliban sa anyo ng buwan at may added glowing thingy pa sya na parang sparkles na pumalibot sa kanya. In other words, mas bongga sya kaysa sa akin a!

Hindi lang pala crescent moon ang may kakayahang mag-time travel mahing full moon din pala. Pero kasama pa din sa ingredients ang lugar, ang puno at ang gadget. Si Juaquin, sa halip na bumalik sa nakaraan, ay sa hinaharap sya nagpunta. Iyon kaya ang difference ng crescent moon sa full moon? Mag-s-search ako mamaya. Maghahanap ako ng mga accounts na kapareho ng ecperinece ni Juaquin, para lubusan kong maintindihan ang mga panyayari.

"Sa palagay ko, ang nag-ugnay sa akin at sa panahon na ito ay ang cellphone na naiwan mo." Inabot nya sa aking yung cellphone ko.

"Nakakatuwang isipin, hindi lang pala sa komunikasyon napag-uugnay nito ang mga tao, pati na rin sa panahon!" Inilapit ko sa dibdib ko ang cellphone. "Thank God for this!"

I checked the unit and it is still working properly. Inabot ko ulit sa kanya yung cellphone. "Sa iyo na 'yan. Meron na rin naman akong bago. Tuturuan kitang gamitin yan para may communication tayo."

"Malaki ang bagay na naitulong nito sa akn kaya, maraming salamat." Kinuha nya ito at inilagay sa kanyang bulsa.

"Ang nakakapagtaka lang, diba yung ibang mga gamit ko, yung mga naiwan ko sa kwarto, bumalik din, maliban lang sa cellphone. Hindi kaya....."

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang mapansin ko na pang-nineteen kopong kopong pala yung suot ni Juaquin. Hindi naman nya suot yung coat nya, pero napakapormal sa ganitong oras, not to mention that its suuppperrr old fashioned. Kaya siguro iiling-iling si lola at sabi nyang hindi nya maintindihan si Juaquin na inaakala nyang si Rafael. Usually, causal clothes ang isinusuot ni Rafael, especially kapag nasa bahay lang. Latest fashion pa ang laging suot ng mokong, ibang-iba kay Juaquin.

"Mukhang kailangan mong magpalit ng damit. And... we need to have a plan." Sabi ko kay Juaquin na nakatitig lang sa akin habang nakangisi.

"Nakakatuwa kang pagmasdan kapag nag-iisip ka ng malalim."

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko habang unti-unti akong napapangiti! Kung hindi lang talaga kailangan naming pagplanuhan ng husto ang dapat naming gawin ay kanina pa ako nagkikikisay sa sobrang kakiligan! Kanina pa kasi sya nakatitig sa akin and he has this amused look on his face, kaya eto ako ngayon, sobrang nalulusaw!

Dito na ako nakatulog sa kwarto ni Rafael, at si Juaquin naman ay doon na pinatulog ni lola sa isang guest room. Pagakagising ko kanina ay maayos na ang pakiramdam ko. Masakit pa din ang katawan ko pero bearable naman. Ang importante ay hindi na masakit ang ulo ko at kaya ko nang mag-isip ng matino. Iniakyatan na lang ulit ako ni lola ng pagkain at sabay na kaming nag-almusal ni Juaquin, na maaga ding pinuntahan ako dito sa kwarto.

"Luluwas tayo ng Maynila. As in now na." Tumayo ako at pumasok ako sa walk in closet ni Rafael, and Bingo!!! Marami syang damit dito.. Bwahahahhaa! Mapapakinabang naman pala yung lalakeng iyon. Mabuti na lang at mahilig sya sa damit. Kumuha ako ng maleta at pinagsisisilid ko sa loob ang mga damit.

"Ano ang iyong ginagawa?" Sinundan pala ako ni Juaquin at tinitignan ang ginagawa ko.

"Naisip ko lang na kung ang lugar na ito ay isa sa mga factor na nagagamit ng buwan para mag-time travel, kailangan nating makalayo dito."

Inabutan ko sya ng damit ni Rafael. "Juaquin, ito muna ang isuot mo. Damit yan ni Rafael, at sigurado akong kasya sa 'yo 'yan. Magakakatawan kasi kayo. "

Full MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon