Chapter 1

17 0 0
                                    

Author's Note:

Sana po magustuhan nyo :) First timer lang po ako sa pagsusulat ng story. Tinry ko lang, I hope sana magustuhan nyo. No silent readers. Free to vote and to comment :)

Let me start this ...

-----------------------------------------------------------------------

Chapter 1

Pia's POV

I am PATRICIA CASTILLO, 4th year student sa isang university. My mom died because of heart attack, while my father is here in the Philippines and he's the one who manages our businesses. (As in businesses, with -ES meaning PLURAL). Actually, marami kasi talaga  

kaming companies kaya sunod naman ang layaw ko. Meron akong older brother kaso wala na sya, He died because of car accident nung pinagtanggol nya ko sa mga nangbabastos sakin. Well di kami close ng daddy ko dahil ako ang sinisisi nya sa pagkamatay ng kuya Bricks ko. Kahit hindi ko naman talaga ginusto yun.

Ngumawa na ang alarm clock ko, as usual kailangan talagang gumising ng maaga para hindi ma-Late sa school. Wala na naman akong magagawa, so bumangon na ko at nagunat unat para mabuhay ang mga buto buto ko. Then naligo na ko, at nagbihis. Naglagay ako ng konting make up pero super nipis lang para lang maging pinkish yung cheeks ko. Pagkatapos, bumababa na ko sa may dining area at naabutan ko si Yaya at iba pa naming kasambahay na abala sa paghahanda ng breakfast.

"Good Morning, Yaya." Ako.

"Good Morning." Yaya. Habang nagsasalin ng juice sa baso.

"Ya, si daddy?" Tanong ko.

"Maagang pumunta sa office! Come, eat your breakfast na!" Aya sakin ni yaya.

Nasa office na pala sya, lagi nalang ganun. So, di nalang ako sumagot, at tiningnan ko na kung ano ang breakfast, ewww nakakataba!

"EEEWWWW, NAKAKATABA! Ah, I drink juice nalang." Ako. Then I grabbed a glass of juice

"Kumain ka namn kahit konti, PIA!" Sabi ni yaya. Pero hindi ko sya pinansin at patuloy kong ininom ung juice. Then, lumakad na ko papunta sa labas. Habang si yaya, wala nalang nagawa at sinundan nalang ako while carrying my bags for school.

"Pia o mga gamit mo." sabay abot sakin ni yaya.

"Thank you, Yaya." I said.

"Oh ingat ha! Wag magpapagabi, bilin ng daddy mo yun! Maagang uuwi ha!"Bilin ni Yaya. Aish, Paulit ulit nalang but I understand yaya. Alam kong concern lang sya sakin, kaya mahal na mahal ko si yaya eh, sya palagi ang kakampi ko sa lahat ng oras sa tuwing nagaaway kami ni daddy at sya rin ang nagpapaintindi sakin ng lahat.

"Yes, Yaya!" Then I smile."Manong, tara na." Aya ko sa driver ko.

Eric's POV

I am Eric Jacinto, 17 years old, 4th year student. Actually, laking mahirap ako, nakakapagaral ako sa sariling sikap ko. Si lola nalang ang kasama ko simula nung namatay ang mga magulang ko. kinuha ako bilang scholar sa isang magandang university, dito rin ako nagtatrabaho bilang janitor sa araw at nagaaral naman sa gabi dahil  gusto at determenado talaga akong makapagaral at makapagtapos para makahanap ng trabaho at upang maiangat ang aking lola sa kahirapan.

KKKRRRRIIIIINNNNNGGGG! KKKKKRRRRRIIIINNNNGGG!

Eto na naman ang aking alarm clock, pagkarinig ko nung alarm ay agad ko na itong pinatay at bumangon na ko. Kinuha ko ang damit na susuotin ko, twalya, pantalon, at sabon, dahil nangungupahan lamang kami ng lola ko sa isang maliit na kwarto na walang sariling CR kaya nakikiligo lang kami sa isang public toilet. Masaya na naman ako sa napakasimple at payak na pamumuhay namin ni lola.Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ko sa kwarto namin, at nakita kong nakahanda na ang umagahan, Oha! Mahal na mahal ako ng lola ko ^__________^

"Tara na apo, kumaen na tayo. Baka mahuli ka sa trabaho mo." Yaya sakin ni lola

"Sige po, la. Oo nga po pala, sweldo namin mamaya, mababayaran natin yung renta ng bahay saka ng ilaw." Ako.

"May natira pa ko sa binigay mo sakin nung nakaraang sweldo mo, yun nalang muna ang ipangbayad natin." Lola. Ngumiti nalang ako, ang bait talaga ng lola ko kahit wala na kong mga magulang, meron naman akong lola katulad nya.

Pagkatapos kong kumaen ay nagpaalam na ko kay lola, "La, Alis na po ako."

"Ah o Sige apo, magiingat ka ha?" Lola. At hinalikan ko sya sa noo.

Kinuha ko na ang bag ko, at umalis na ko ng bahay. Habang bumababa ako sa hagdanan ng apartment na inuupahan namin ay sinalubong ako agad ng kaibigan ko si Ernie.

"Eric! Eric! Sinugat na ko sa sulat ng Stephanie ko!" Ernie

"Ah, ganun ba. Ano bang maitutulong ko?" Ako.

"Pare, pakisagot naman o? Alam mo naman, medyo mahina ako sa english. Sige na pare?" Ernie. Hahahaha! Kaya pala. 

"Ah, sige pre. Walang problema." Ako.

"Salamat, pare. Pangako kapag napasagot ko to, libre ka sa pedicab ko araw araw." Ayun, ayos. Hahahaha! Malaking tipid din yun sa sweldo ko. Kaya kinuha ko na yung sobre at isinilid sa bag ko. Tinulungan ko na rin syang ilabas yung pedicab nya.

"Tara sakay na! Full tank to!" Yaya ni Ernie.

"Salamat." Sabi ko at ngumiti nalang ako sabay sakay sa pedicab nya.

Hinatid na ko ni Ernie sa eskwelahang pinagaaralan at pinagtatrabahuhan ko. Bumaba na ko at pumunta na ko sa likod ng paaralan. Pumunta ko sa isang maliit na kwarto kung saan nakalagay ang gamit ng mga trabahador dito at nagsimula nang nagtrabaho.

Napakaganda ng araw ko kasing ganda ng babaeng iniibig ko, si Patricia Castillo. Kaso mukhang malabo na magustuhan nya ko dahil sya ang pinakamaganda at pinakamayamang estudyante sa paaralan na to. Habang nagwawalis ako ay nakita kong naglalakad si Pia at ang mga kaibigan nyang mga  kapwa nyang sosyal. Habang nagkukwentuhan at nagtatawanan ay nahulog ang tila ba'y balabal na nakasabit sakanya. Eto na sana ang pagkakataon kong makaharap sya kaya pupulutin ko na sana ang balabal na yun nang biglang hinarang ako ng mga kaibigan ko na si Alex at Justine.

"Pare, patulong naman ako sa assignment ko sa Physics oh. Eto chapter 6." Justine. Sabay turo sa chapter kung saan may assignment sya at inabot na nya sakin.

"Eh kaya naman pala inaabangan mo si Eric eh! Ikaw talaga, napakatamad mo." Alex. Sabay palo sa braso ni Justine.

"Alam nyo wag na kayo magtalo, ako na bahala dito!" Sabi ko.

"Salamat Chong! Tara na pare!" Sabi sakin ni Justine at sabay hila kay Alex

"Sige Eric una na kami." Alex.

(A/N: Si Alex po ay babae na may pagkatomboy kumilos pero babae pa rin. CAT officer sya)

Ayy! Nakalimutan ko nga pala na pupulutin ko ang balabal ni Pia. Kaya naglakad na ko papunta sa kinaroroonan ng balabal ni Pia nang bigla na nakita ko sya na tumakbo papunta sa balabal nya at agad itong pinulot. Sabay sigaw sa mga kaibiga nya na, "I GOT IT!"

"SSSAAAAYYYYYYAAAANNNNNGGG!" Nasabi ko nalang sa sarili ko.

Fell with my saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon