Ang sabi nila, mas matimbang daw ang pagiyak ng lalaki para sa babae kesa sa pagiyak ng babae para sa lalaki. Parang ang unfair naman non. :(
Minsan dahil sobrang daming beses na umiyak yung babae para sa lalaki, wala na yung halaga yung mga luha ng babae.
Kung dati pag umiyak yung babae, "Sorry na. Kasalanan ko na. Sorry na babe. I love you so much. Wag ka umiyak. Nasasaktan ako pag umiiyak ka" pero dahil nga lagi nang iniiyakan ng babae, nagiging ganito nalang "Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo. Bahala ka nga, kakausapin lang kita pag tumigil ka na sa kaiiyak mo"
Wag naman ganon koya. Lumuha na nga para sayo. Wala lang sayo? Ayos ka ah! Bakla ka ata e! Suntukan nalang tayo!
Hindi ginagayanan ang babae, gago!
May kasabihan nga ang mga tunay na mga boyfriend na: Wag hayaang matulog ang babae na may luha sa kanyang mga mata.
Alam niyo kung bakit, sobrang sakit kamo nun para sa babae. Mababaw lang kase yung damdamin namin.
Sabihan niyo nang OA pero ganun talaga kami.
Wag kayong epal.