Habang dito ay umuulan
Ulan na parang kaybigat sa kalooban
Nakatirik naman ang araw dyan
Araw na nagbibigay kasiyahan
Habang ika’y nasa isipan
Ako nama’y iyong napapanaginipan
Gabi at araw man ang ating pagitan
Sana’y pag-ibig natin ay walang hanggan
Pinaglayo man tayo ng karagatan
Magkaiba man ang lupang tinatapakan
Distansya man natin ay may kalayuan
Pangako mo parin sakin ay panghahawakan
Salungat man ang direksyong tinitignan
Kahit pati ang oras ay ating kalaban
Sana’y nakatatak parin sa iyong isipan
Iisang langit lang ang ating kinakatayuan