CHAPTER V: Saved by the transmitter

444 10 0
                                    

Lumipas na isang linggo at pasukan na! Ang kinatatakutan ko sa lahat. 3rd year HS palang kami ni Jenny. 

“Bakit pa kailangan nyan?” tanong ni Jenny. I’m wearing hat and sunglasses.

“Wala kang pakialam! Sige na! Lakad na!”

Nasa gate na kami ng school. Immaculate Conception School  pala yung name ng school ko since Daycare! Di na ata ako aalis dito eh. Bawal ang bodyguards sa loob kaya hanggang parking lot lang sila. Buti wala akong buntot dito. Nagtatago lang ako sa likod ni Jenny. Hinanap namen sa bulletin board yung section namen. “Bes, di tayo magkaklase..” malungkot na sabi ni Jenny. Nung una, akala ko niloloko lang ako, pero nung chineck ko, hindi nga. Section Love si Jenny, Hope naman ako.

“Baka pwede pabago.” Suggest ko. So, we went sa Office.

“Sorry Miss Torres, Miss Mendoza, but we have no right to change the sectionings..” sabi nung head sa Office.

“Ayoko! Hindi pwedeng magkahiwalay kame!” sigaw ko.

“Hannah!” pigil ni Jenny.

“Sorry Miss Torres, but we can’t.”

“Hannah, its okay. Let’s go!” tinulak ako ni Jenny palabas ng Office. “thank you ma’am, sorry for the disturbance.” At lumabas na kami.

“Ano ba Jenny?! Akala ko ba gusto mo magkaklase tayo?!”

“Hindi naman kase lahat ng gusto mo, pwede mong makuha.”

“Eh paano yan, di ko kayang magisa.”

“Kaya siguro pinaghiwalay tayo, para matuto kang magisa.” Hinigit ako ni Jenny sa CR. “Tanggalin mo nga yan!” kinuha ni Jenny yung hat ko at sunglasses.

“Ano ba?! Ibalik mo yan!!!”

“NO!”

“Akina sabi eh!”

“NO! NO! AND NO!” nilagay nya sa bag nya. “Eto, try this..” nilagyan ako ni Jenny ng clip sa buhok. Flower na may vines at crystal na malaki sa gitna, parang ang bigat nya for ordinary clip. “Ayan! Bagay sa’yo!”

“Ang bigat naman ata?” kinuha ni Jeny yung pin na nakalagay sa buhok nya at pinindot yung crystal sa gitna. *Tit-tit-tit-tit-tit-tit*

“Ano yun?” pagtataka ko.

“Look! .. this is a transmitter,” kinuha ni Jeny yung clip sa buhok ko naman at ang kagulat gulat ay, umiiliw ng red yung crystal. “Pag pinidot mo yung crystal, that means you needed me, and vice versa.”

"Ang hirap i-absorb nun ah, teka.. teka, saan..?”

“Binigay saken ni daddy.” Sagot ni Jenny bago ko pa matapos yung tanong ko.

Then we made our way papunta sa mga rooms namen, magkatabi lang naman yung room namen ni Jenny pero its good padin kung kame ay classmates. Sa backdoor nako dumaan para di ako masyadong mapansin, napatigil yung mga tao sa loob at nakatingin saken, nagkamali ata ako ng hinila na di ako mapapansin, dahil lahat sila nakatingin saken. Nakatungo akong umupo sa isang vacant chair sa likod sa tabi ng window.

“Elise?” Napatingin ako sa tumawag saken, “Elise?! Ikaw nga!” It's Joyce, then tumakbo sya at niyakap ako.

“Si Elise?! Yung mukhang mangkukulam?”, “Di naman sya yan no?!”, “Baka mali lang ng akala si Joyce.” Mga naririnig kong bulung bulungan ng mga tao.

“Elise? Ikaw nga! Ang laki ng pinagbago mo ah!” Pasigaw at masayang sabi ni Joyce, “Di kita agad nakilala.”

“Uhm.. Joyce?”

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon