Nang Dahil sa Libro
(One Shot Story)
written by asdfghBUDHETqwerty
Hubert’s POV
Nandito ako ngayon sa isang maingay at magulong pampasaherong sasakyan. Pauwi ako galing sa aking paaralan. Habang nasa byahe binabasa ko ang aking paboritong libro.
Napatigil ako sa pagbabasa ng lalong nagka-ingay ang mga lalaking sakay nitong bus dahil sa sumakay na babae.
Maganda ang babae pero nakakatakot siya. Mukhang napakatapang niya at mukhang napaka palaban niya.
Hindi nga ako nagkakamali.
Dahil may lumapit sa kaniyang isang lalaki at hinawakan siya sa braso ngunit tinabig niya ang kamay ng lalaki at itinulak niya ito at iyon ang naging dahilan upang mapaupo sa sahig ng bus ang lalaki.
Nagkagulo lalo ang grupo ng mga lalaking nakasakay dito pampasaherong bus.
“Ganyan ang gusto ko sa babae, masyadong palaban.” sambit ng isang lalaki.
Lumapit ang lalaking nagsalita sa babae at inakbayan ito.
Biglang siniko ng babae sa tiyan ang lalaki at hinawakan ito sa ulo at saka inumpog sa isang upuan ng bus.
Lumapit ang kundoktor ng bus sa kanila at sinita sila.
Huminto ang bus at sumilip din ang driver. Hindi pinansin ng babae ang paninita ng kundoktor at ng driver, ang ginawa na lamang nito ay bumaba na sa pampasaherong sasakyan.
* Kinabukasan *
- Sa eskwelahan -
“Oy! Pare may magiging bago tayong kaklase. Chix pre!” narinig kong sabi ni Darwin sa kaibigan niyang si Joel.
“Woah! Talaga pare. Maganda ba?” tanong naman ni Joel.
“Pare ang ganda, nakita ko kanina sa faculty kausap ni Sir Del Rosario nung dumaan ako. Kaso pare mukhang matapang. Pero chix pa din yun. Hahaha!” sagot ni Darwin sa tanong ni Joel.
“Oy! Ano yung narinig kong chix ha.” sabat ni Cris na kakarating pa lamang.
Dumating na din ang iba ko pang mga kaklaseng lalaki at nag-umpisa na silang magkumpulan at pagkwentuhan yung babaeng tinutukoy ni Darwin na magiging bago daw naming kaklase.
AKO? Eto nakaupo sa isang sulok. Ganito lang ako parang hindi nag-eexists, mag-eexists lang ako sa mata ng mga kaklase ko pagka may exam o quiz dahil ako ang takbuhan nila.
Ganun naman ang ganap ng isang nerd sa klase diba? Mabuti nga hindi ako gaanong napagti-tripan eh.
Maya-maya lamang ay dumating na si Sir Del Rosario.
Umayos at tumahimik ang klase.
“Good Morning class, you have a new classmate. She’s a transferee from ***** High School.” pambungad na sabi ni Sir Del Rosario.
Pumasok na sa classroom yung babaeng tinutukoy ni Sir Del Rosario na bago daw naming kaklase.
Nagulat ako nung nakita ko kung sino yung babae. Siya kasi yung babae na nakasabay ko kagabi sa bus. Yung babaeng pinagkaguluhan ng grupo ng mga lalaking pasehero ng bus.
“Introduce yourself to the class, Miss..” sabi ni Sir Del Rosario doon sa babae.
Kinuha ng babae yung marker sa mesa ni Sir at nagsulat sa board.