"Baka dahil kuripot ka."
-Sa aming mga babae gusto namin ng galanting boyfriend.
Kung gentleman ka dapat isa na sa mga katangian mo ang pagiging galante. Hindi ibig sabihin na naghahanap kami ng ganun eh "High Maintenance o Material Girl" na kami. Gusto lang namin na nag eeffort gumastos yung lalaki. Hindi naman namin sinabi na libo-libo yung igastos samin eh. Kahit sa pamasahe lang sa jeep okay na kami. Nakaka turn-off kaya yung aayain ka ng guy na sabay na kayo umuwi pero pagdating sa jeep "KKB" kayo. "Kanya-kanyang bayad"
Duhh. Common sense naman.-3rd year high school ako nung magkaboyfriend ako medyo sikat sa school. naks
Halos kilala sya ng lahat pati ng mga barkada ko. syempre ako naman tuwang-tuwa. pano feeling ko kinakainggitan ako ng madaming girls. Gusto nya pa naman na magkasa kami lagi, kahit maging buntot ko sya okay lang daw. Oh diba? anhaba ng hair ko.
eto na. last subject na namin nun ng bigla syang magtext..."Be sabay tayo uwi ahh. :*"
Me: Okay be. :)) (Ngiti hanggang tenga)
-after 10mins. nagring na ang bell. nakita ko na sya sa labas ng classroom namin.. (Ge. kinikilig ako)
-Kasabay ko lagi umuwi yung mga barkada ko at ngaun pati sya sumabay narin samin.
Sakay na sa jeep...
abutan na ng bayad .... nag-aantay ako ..
Maya maya may inabot sya sakin.
-okay. Limang Piso. -.-
pamasahe nya lang...-uso saming magkakabarkada ang pag GM (Group Message)
kinagabihan may nagtext akong kabarkada.."Naks. yung isa nating friend jan pumupuso na. hahaha
Naloka lang ako. Di man lang sya nilibre ng pamasahe. Hahahalol"GM.
-oh diba naging laman kapa ng topic nila. -.-
May isa pakong -Ex. mga 2 months na kami nun na mag-on. Sinagot ko sya sa text lang at magkikita kami nun for our first date.
Okay naman sya. Cute. kain kami tapos ikot2 sa SM na syang meeting place namin.
Nung pag uwi sabay na kmi sa jeep.
Abutan na ng bayad ..
ako eto na naman , nagaantay sa next na mangyari."Ikaw na muna magbayad sa'ting dalawa." narinig kong sabi nya. -.-
Whoa. first date. tapos ganun? just whoa!
Qoute.
-Di naman namin sinabi na gumastos kayo ng mahal. Gusto lang namin na mag effort kayo gumastos kahit sa pinakamaliit na bagay lang. :)