Chapter 21: Love Sickness

77 1 0
                                    

A/N: Hello MOTP readers! Enjoying the story? Spread na 'yan! Haha. By the way, here's the chapter 21! Hope you'll like it. Enjoy reading!

Quote of the day:

• Maybe my problem is that when I'm lost I look for you, not myself.
*******

Jewel Krizlee's POV:

Pagpasok ko sa opisina niya ay nagulat ako sa babaeng kausap niya. Bakit siya nandito? A...anong kailangan niya at pumunta siya rito? May problema din kaya siya?

"Bakit ka nandito?" Tanong ko. Umiwas naman siya ng tingin.

"Aalis na po ako. Salamat." Akmang lalagpasan na niya 'ko nang hawakan ko ang wrist niya.

"Teka."

"Let go of me." She said.

"May nararamdaman ka bang kakaiba? Bat nandito ka? Para saan?"

"Jewel, it's none of your business." She said.

"Mamamatay kana ba?" Tanong ko at ngumiti ng mapait. Humarap naman siya sakin.

"Hindi. Hinding-hindi ako mamamatay." Sagot niya.

"Okay fine."

"Mag-usap nalang tayo sa labas kung gusto mo. Huwag dito." Seryosong giit niya.

"Let's go." Pagsang-ayon ko, "Babalik po ako." Tumango naman siya sakin.

Niyaya niya lang ako sa parking lot at tumungo sa harapan ng kotse niya. At sumandal kaming pareho doon. Nasakop ng katahimikan ang pagitan naming dalawa ngunit maya't maya rin ay nagsalita siya.

"Bakit ba gusto mo pang malaman?" Tanong niya.

"Gusto ko lang."

"Check up lang 'yon sakin."

"Anong sakit mo Czian?"

"Kapag sinabi ko sayo, sobrang saya ang mararamdaman mo. Baka nga magpa-fiesta ka pa." Sabi niya at ngumiti ng pilit.

"Leukemia?" Tanong ko. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin.

"How'd you know?"

"Nah, alam ko lang." Sabi ko at nagkibit-balikat.

"E ikaw, bakit ka nando'n?" Tanong niya.

"Wala lang. Malapit na kaibigan nila daddy 'yung doktor. Kaya malapit ako sa kanya. Binibisita ko siya minsan." Sagot ko.

"Nagkataon lang pala na nakita mo 'ko do'n. Akala ko may sakit ka rin kaya ka pumunta. At 'yun nga ang pinapanalangin ko."

"Pfftt, dream on Czian. Magdilang-anghel kana lang." I chuckled.

"Gustung-gusto kong ilipat sayo ang sakit ko ngayon para maranasan mo rin kung paano unti-unting pinapatay ng sakit."

"Ipinaranas niyo na 'yan sakin noon Czian diba? Bakit gusto mo pa ring ulitin ang pagpatay sakin?" Tanong ko at tumingin sa mga mata niya ng diretso.

"Dahil ayokong mawala sa mundo na alam kong buhay ka."

"Iyon ba talaga ang hinihiling mo? Ang mawala ako? Grabe ka talagang mag-isip." Sabi ko at umiling.

"Ganyan talaga 'ko kasama pagdating sa rival ko." Sagot niya sakin at nag-cross arms.

"Alam mo, naramdaman ko na 'yan dahil ipinaramdam niyo sakin. Ang unti-unti niyong paghugot sa hininga ko. Ang pagdurog niyo sa puso ko. At ang pagpatay niyo sa kaluluwa ko. Naramdaman ko na lahat. Kaya heto, naiwan ko na 'yung dating ako. Yung totoong sarili ko."

Memories of the Past (One Liter of Tears)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon