Kabanata 72

1.7K 44 0
                                    

"Happy monthsary ulit sainyo." Bati saamin nila Ayane at Yuki bago sila umuwi. Kasabay namin silang dalawa na maglakad palabas ng school.

Binati rin kami kanina ng buong barkda nung nakalabas na kami ng classroom. Hinintay na ako ni Akihiro wala na rin naman daw silang gagawin sa school nila kaya maaga syang nagpunta dito sa school. Nakita ko kaagad si Akihiro na naghihintay sa may gate kinuha nya ang bag ko.

"Tara na." Hinala na ako ni Akihiro papunta sa sasakyan nila.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya dahil hindi ko na alam tong lugar na dinadaanan namin parang paakyat na kami ng bundok nito eh.

"Kung saan kita natin ang lahat..." Sabi ni Akihiro at nginitian ako. Kumunot naman yung noo ko sa sinabi nya. Saan yun?

"Huh?"

"Basta malalaman mo rin..." Sabi ni Akihiro. Nagkibit balikat nalang ako at tumingin sa labas ng bintana.

Napaayos ako ng upo at tinapat ko ang mukha sa salamin ng bintana natatanaw ko ang buong city namin. Huminto na ang sasakyan kaya napatingin ako kay Akihiro. Nakababa na sya kaagad kaya bumaba narin ako huminto kami dito sa isang lugar na puro puno at damo ang makikita mataas na lugar ito at tanaw dito ang kabuuan ng city namin. Lumapit ako kay Akihiro na abala sa pagkuha ng gamit sa compartment ng sasakyan nila mukhang magpipicnic kami. May dala siyang basket na may laman na mga pagkain at inumin may dala din siyang blanket. Sinundan ko lang sya at tinulungan narin sa paglalatag ng blanket malapit sa puno ipinatong nya doon ang basket maya maya bigla syang lumuhod at hinawakan ang paa ko.

"Tatanggalin ko ang sapatos mo..." Sabi ni Akihiro saakin. Tumango naman ako humawak ako sa balikat nya para hindi ako ma out balance. Tinanggal na nya ang sapatos ko kaya umumupo na ako sa blanket ganun rin siya.

"Hindi ko akalain na tatagal tayo ng ganito." Sabi ni Akihiro habang nakatingin ng deretso sa harapan magkatabi kaming magkaupo ngayon at magkahawak ang kamay.

"Ako rin. First boyfriend kita at hindi ko inaasahan na tatagal ng ganito." Sabi ko sakanya at ngumiti. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti dahil kinikilig ako!. Kasi naman ang sweet ni Akihiro araw araw. Walang araw na hindi nya ako pinapakilig!

"Gusto ko ikaw ang magiging future ko hindi ko maimagine na ibang babae ang mapapangasawa ko." Sabi ni Akihiro. Napatingin naman ako sakanya dahil ang seryoso nyang magsalita ang matured nyang mag isip ngayon.

"Makuntento muna tayo sa ganito hindi natin hawak ang love story natin hindi natin alam ang mangyayari saatin." Sabi ko. Gustohin ko man na ganun ang manyari ayokong umasa kami dahil baka sa huli hindi naman pala kami talaga para sa isa't isa.

"Hay...iniisip ko palang na hindi tayo ang magkakatuluyan sa huli parang ayoko ng mag asawa." Sabi ni Akihiro. Natawa ako sa sinabi nya ganun din sya. Pakiramdam ko sobrang laki ng parte ko sa buhay ni Akihiro na kapag wala ako hindi sya mabubuhay.

"May ibibigay pala ako sayo Akuhii..." Sabi ko. Bigla kong naalala ang ginawa kong photo album kagabi. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang photo album. Inabot ko iyon sakanya kumunot ang noo nga peo kinuha rin nya. Napangiti sya ng nakita nya ang cover ng photo album picture namin nung Mr. & Mrs. July kung saan nagsimula ang lahat.

"Ginawa mo to?" Tanong nya habang nakatingin sa cover ng photo album.

"Oo kagabi lang..." Sabi ko sakanya lumapit ako sakanya para tignan din ang ginawa kong photo album.

"Tss. Kaya pala ang laki ng eyebags mo ngayon." Sabi ni Akihiro kinurot nya ang ilong ko.

"Dali tignan mo na." Sabi ko. Hinfi ako makapaghintay sa magiging reaction nya at gusto ko rin pag usapan namin ang tungkol sa nalaman ko sakanya.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon