Nakakamiss

219 2 0
                                    

Pagmulat ko ng mata ko ngayong umaga, napatulala na lang ako sa kisame.

Namimiss ko ang Disney Channel, Cartoon Network, HBO, Star Movies at Star Cinema sa tv namin.

Namimiss ko yung tawa ni Spongebob, yung malaking ulo ni Jimmy Neutron at tsaka yung "true true true" nung kambal na sina Upin at Ipin. Namimiss kong makatulog sa upuan namin kapag Oggy and the Cockroaches na ang palabas. Namimiss kong umiyak sa mga nakakaantig na romance movies pagkatapos tatawa ako ng malakas kase mukha akong baliw.

Namimiss ko ang High School life ko.

Namimiss kong bumati ng "Good morning" at "Good afternoon" sa mga teachers at classmates ko. Namimiss kong magrecite. Namimiss kong yung mga seatmate kong baliw na kapag walang teacher ay sayaw ng sayaw at kanta ng kanta. Namimiss kong malate, yes namimiss kong tumakbo from pathway hanggang room namin. Namimiss kong maglaro ng volleyball after class, yung tipong bambuhan ng bola. Namimiss ko rin atang maglinis? Or yung mga kalokohan naming mga co-cleaners ko ang namimiss ko? Namimiss ko ang arts. Ewan ko pero ngayon inaagaw ko ang arts project ng kapatid ko. Pati yung pangongopya sa Math? Sobra kong namimiss. At eto pa, akalain mong pati tests na masakit sa utak namimiss ko ngayon?

Namimiss ko na rin ang mga best friends ko.

Hoy mga abnormal nasaan na ba kayo? Masyado kayong nagpapayaman, iniwan nyo na ako! Namimiss ko na mga pambubully nyo sakin. Namimiss ko na yung sobrang habang kwentuhan. At tsaka yung mala-COC nyong attack kapag may pagkain sa harapan nyo- "Your troops are ready for battle."

Nakakamiss ang dati.

Nung wala pa akong masyadong matinding iniisip sa buhay. Nung petiks pa. Tipong aral ng konti, kain ng marami at tulog ng sapat. Nakakamiss din yung mga panahon na sabay-sabay pa kaming umuwi ng mga kaibigan ko. Sabay-sabay naghahagalpakan sa kalsada, tapos sabay-sabay ding nanlalait ng mga nakakalasubong naming nagmamaganda.

Nakakamiss maging tunay na masaya.

Namimiss ko yung carefree na ako. Namimiss kong magkaroon ng crush na sa tuwing makakasalubong mo sa pathway ay napapangiti ka na lang kahit wala ka pang assignment sa terror mong teacher. Yung konting mastalk mo lang sa fb buo na araw mo. At eto pa matinde, sya ang wallpaper mo sa phone mo! Namimiss kong magkaroon ng inspirasyon. Yung sasagot sa tanong na, "Bakit ka gumigising sa umaga?"

Nakakamiss ka.

Namimiss ko yung paggising ko sa vibration ng phone ko dahil sa text mo. Namimiss ko yung three o' clock calls mo na umaabot ng isang oras. Sa tuwing aalis ako, tatawag ka para alamin kung nakauwi na ba ako. Namimiss ko yung mga texts mong nakakatawa at makulit. Nakakamiss yung boses mo, na para bang nagpapakaba sa tyan ko. Namimiss kong kasama ka. Yung mga pagpapatawa mo, yung pambabasag ko sa trip mo pero imbis na mainis, tatawanan mo lang ako. Namimiss na kitang bugbugin, suntukin at hampasin kapag napapatawa mo ako ng sobra. Namimiss kong marinig ulit sayo yung mga pangarap na sinasabi mo. Yung pisngi mong malaki, yung matangos mong ilong, mahahabang eyelashes at mga matang sa tuwing tititigan ko ay para bang hinihigit ang kaluluwa ko. Yung paghawak mo sa kamay ko na para bang nagsasabing sa anumang oras poprotektahan mo ako.

Sorry hindi ko mapigilan be pero, nakakainis ka!

Nakakainis ka kasi bigla ka na lang nawala, para kang bula! Ay! Mali, oras mo pala ang unang nawala simula nung nagkatrabaho ka. Pero okay pa naman tayo nun diba? Nagtetext ka pa rin, tumatawag at nakikipagchat pag may oras ka. Okay lang naman sakin yung ganun e. Hindi naman ako nagrereklamo dahil naiintindihan kita.

Tapos isang araw nawala yung phone mo.

Edi anak ng tipaklong nalintikan na! Nawala na ang komunikasyon, nawala ka na!

Lumipas ang panahon pero wala ka pa ring paramdam. Sakto namang napadpad ako sa profile mo tapos nakita kong meron ka na palang ibang sinusuyo.

Ang saklap 'dre! Sinweet-talk mo ako, paIla-Iloveyou ka pa at sobrang mag-effort, tapos papaasahin mo lang pala ako? Ang tinde mo pare! Hindi naman ako nainform na siopao ka pala! Paasado na, mambobola-bola pa! Sobra kang magpafall! Kung kelan gustong-gusto na kita tsaka mo pa ako iniwan sa ere! Badtrip ka talaga men! Ngayon ko lang narealize na mahirap palang magmahal ng peymus ano po? Kasing hirap siguro ng 100 items na test tapos puro explanation ang sagot. Gusto kitang sapakin e. Kaso hindi naman kita mahagilap. Para kang kuto sa ulo na may makapal na buhok, kelangan pa kitang suyurin. Sarap mo pong tirisin!

Pero okay na ko. Okay na kong patayin ka! Hindi ko maintindihan kase kung bakit ganyan ka! Sana nagpaalam ka man lang muna sa feelings ko. Andali-dali lang naman nun. Ganto lang oh- "Excuse sa feelings mo pero may iba na akong gusto." Oh diba? Madali lang diba? Madali lang kitang masasapak pag nagpakita ka sakin!

Yun ang inisip ko pero isang gabi, nagparamdam ka ulit.

Aba akalain mong alam mo pala number ko? Palakpakan natin yan!

Tumawag ka at niyaya akong kumain sa labas. Ako naman si pabebe at takot sa galit ng Mama ko sinabi kong hindi ako pwede. Kaso humirit ka pa e. Sabi mo, "Ikaw una kong naalala." Katulad nung isang beses na tinawagan mo rin ako at sinabing, "Gusto lang kitang makasama ngayon be." Ako naman si tanga, naging pinakatanga na ata sa desisyon kong samahan ka nang gabing yun. Anlakas mo sakin e! Pero syempre joke lang yun. Sabi mo kase libre mo 'ko e.

Nagpakwento ako sayo tungkol sa nangyari sayo sa nakalipas na dalawa't kalahating buwan mong hindi pagpaparamdam. Andami mo ngang kwento e. Kesyo, nabugbog ka, yung pagpayat mo, yung mukhang pantandang mong kulay ng buhok pati yung mga matatatanda mong kasama sa trabaho. Sa lahat-lahat ng kinwento mo isa lang ang inaabangan ko. Yung tungkol sayo ng kaMU mo. Oo, yung kaMalanding Ungguyan mo!

Pero hindi ka nagkwento.

Kaya ako, umasa na naman. Na baka pwede pa tayo. Baka may part two ang storya natin. Sana nagkwento ka na lang. Binuhay mo na naman kasi yung pag-asa sa puso ko e. Medyo nakakaleche!

Pinasaya mo na naman ako nung gabing yun. Grabe sobra nga atang natuwa ang puso ko e. Dumamoves ka na naman ng pagiging sweet mo, na kahit na pagod at inaantok ka na hinatid mo pa rin ako samin habang daldal ka pa rin ng daldal at tawa naman ako ng tawa.

"Hahaha! Namiss kita be," bigla ko na lang nasabi nang hindi ko naman intensyon.

Pero imbis na mapatahimik ka at ibring-up ang tungkol sa inyo ng kaMU mo sumagot ka, "Hahaha! Alam ko," pagkatapos hinawakan mo ang kamay ko.

Napatingin na lang ako sayo. Hinayaan ka sa paghawak sa kamay ko. Hinayaan ko na lang din ang puso ko na sumaya nung mga oras na yun. Hinayaan ko ang sarili kong magpakatanga noon.

"Be, hanggang kelan mo balak ituloy yang pagiging ganyan mo sakin? Hanggang kelan mo 'ko paaasahin? At ako naman, sobrang tanga ko na ba talaga at hindi ko man lang magawang bawiin yung damdaming binigay ko sayo? Hindi ko kasi maintindihan kung gusto mo ba ako, o sya? Hindi kita maintindihan. Ipaintindi mo sakin para matigil na 'tong katangahan ko."

Gusto ko sanang sabihin sayo yan pero nanahimik na lang ako. Alam ko namang sa larong 'to ako ang talo.

Pag-uwi ko sa bahay namin humiga agad ako sa kama ko at napatulala sa kisame.

Sorry be pero namiss talaga kita. Wag kang mag-alala sa susunod na maglista ako ng mga bagay na namimiss ko hindi na kita isasama.

09.10.15

Hugot 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon