Stranger

320 11 0
                                    




It was sunday afternoon that I decided to go to the place we used to. I want a peaceful mind right now. Masyado na akong naiistress sa mga bagay bagay at ayoko ng sumakit pa lalo ang ulo ko. Bago tuluyan na akong sumabog.

Umupo ako sa may damuhan sa ilalalim ng  malilim na puno at pumikit, dinama ko ang hangin na humahampas sa mukha ko.  "Miss na miss na kita."bulong ko. Ang hirap ng ganito, halos mabaliw na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko sa araw araw. Walang araw o gabi yata akong hindi na sstress, ang hirap ng may mabigat kang dinaramdam.


Kaya dito lang ako sa lugar na ito nakakapaglabas ng sakit ng loob kaya heto ako ngayon, Wala na din masyadong nagpupunta dito dahil medyo malayo na ito sa mga bahay bahay na nakatayo. Tanging pag hampas  ng mga halaman at huni lang ng ibon ang madidinig mo sa sobrang katahimikan.


Napadilat naman ako ng mata ng may maramdaman akong presensya sa paligid ko. Hindi ko na sana siya papansinin pero inagaw ng atensyon ko ang itsura niya. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko sa nakita ko. 

Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman ang lugar na to? hindi kaya? No, hindi imposible naman mangyari yon'. Hindi ko maiwasan na sulyapan siya ng tingin. Nakatingin siya ng diretso sa malayo. Baka alam niya lang din ngayon ang lugar na ito or baka sinundan niya ako?

Walang nakakaalam sa lugar na ito kung hindi kaming dalawa ni Wyx.

  "Sana makita kitang ngumiti kahit minsan lang, para masabi kong masaya ka na nga talaga." Bulong ko bago umalis.  Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi na ako umalis rito at piliing manatili sa tabi niya. I smiled on that thought.

It's been a year ng matitigan ko ulit ang mga mata niya. Yes, I know him. I know this guy na nakatayo malapit sa akin. He's wearing a 3/4 long sleeve, pants and a perfect shoes to match on his look. He's neat and clean, ngayon ko lang napansin ulit ang buong itsura niya, ang dami ng nagbago sakanya. Ang gwapo gwapo niya lalo. He really changed into something better. I smiled.



I hurriedly walked away ng makaipon ako ng lakas, dumiretso ako para buksan ang pinto ng sasakyan. Pasakay na sana ako ng bigla niya akong tinawag. "'Miss, sandali, aalis ka na?" Tumingin ako sa paligid na animoy may iba pang tao maliban sa amin. "Ahh, oo?" Sagot ko na may halong pag aalinlangan. Pero nakita ko na lang ang sarili ko na bumalik sa pwesto ko kanina. "Here"' inabutan ko siya ng soda na dala ko.


Yung malalim niyang boses, nakakapanghina. Napaka manly at sexy niyang tignan habang umiinom. Still the same, I smiled on that thought.  Tinignan niya naman ako at ngumiti kaya napangiti din ako. Jeez! nakita ba niya akong pinagmasdan. Napadapo naman ang tingin ko sa kaliwang kamay niya na kuminang ng masinagan ng kaunting liwanag.


"Ano palang ginagawa mo dito?" I He asked habang kumakaen ako ng paborito kong Piknik.


"May inaabangan lang kasi ako, madalas kasi kami dito ng importanteng tao sa buhay ko. Palagi kong inaabangan ang papalubog ng araw baka sakaling maalala niya ako kahit na imposible." Sabay tingin niya sa papalubog na araw. Ang ganda talaga, Maganda ngang tignan ang araw na papalubog nakakarelax lalo.

Hindi ko tuloy mapigilan na alalahanin yung mga araw na kasama ko siya. We used to watch sunset together.

"Pwede ba kitang awitan ng isang kanta bago ako umalis?" Tanong niya, "Kapag napangiti kita kahit sa huling sandali, my life would be perfectly complete now." Dugtong niya sabay ngiti niya na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa'kin. Collywobbles, This feeling is something. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.



Stranger (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon