Chapter 1

14 0 0
                                    

A/N: Enjoy.And please vote! thanks. :')

~~~~

Kylie Rosales's POV

"Mama!" Sigaw ko pagbaba ko ng hagdan. Nakita kong nag luluto si mama sa kusina.

Alangan namang sa cr.

Inaayos niya yung plato. Tulog pa siguro si papa.

Nilingon niya ko at nagsalita."O anak bakit ang aga mo naman yata?" Tanong ni mama ng makita niya kong naka uniform na at naka ayos na ang lahat, kailangan ko na lang talagang kumain. Tinignan ko yung orasan ko at 4:55 pa lang ng madaling araw. Say what? Ang aga pa nga!

"Eh kasi ma.. may kailangan pa kong gawin sa school kaya dapat maaga po ako ngayon.." umupo na ko at pinagsandok ako ni mama ng kanin at nilagyan ng bacon at egg.

Tumango lang si mama sa sinabi ko at umupo na rin sa harap ko.

"Ma tulog pa ba si papa?" Tanong ko habang lumalamon na.

"Oo, pano ba naman kasi alauna na nakauwi ng bahay. Sabi niya may tinapos lang daw sa office.." bakit kaya napapadalas yung pag uwi ng papa ng madaling araw. Di kaya... napalaki yung mata ko ng may marealize ako.

"Nag tataksil si papa sayo ma?!!" Nabilaukan agad si mama sa sinabi ko kaya agad ko siyang inabutan ng tubig, hala naman bakit ko pa kasi sinabi.. kawawa naman ang mama.

"Ano ka ba! Baliw ka talagang bata ka! Matanda na kami ng papa mo bat pa niya magagawang mambabae?!" Sabi ni mama at uminom ulit ng tubig.

makareact eh no? Sinabihan pa kong baliw.

"At isa pa mahal ako ng papa mo kaya di niya ko kayang iwan." sabi pa niya at tinarayan ako. Baliw din to eh. Makairap, di naman bagay.


"Edi ikaw na! Ikaw na ma, ikaw na ang mahal na mahal ni papa!" Sabi ko at lumamon ulit.

"Talaga!" Habol niya pa at nag tawanan na lang kami, minsan napapaisip na lang ako na nag pi-feeling teenager pa ba si mama?

Nang matapos kaming kumain at walang ibang ginawa kundi mag tawanan at mag kwentuhan ni mama ay nag ligpit na siya at nag paalam na kong aalis na para pumasok sa school, sinabi ko din kay mama na sabihin na lang kay papa na nakaalis na ko.

Sumakay na ko ng trycicle dahil nasa pinaka looban pa ng subdivision ang bahay namin tapos sasakay pa ko ulit ng bus para naman maka punta ng school, nag bubus ako kasi isa't halahating oras yung byahe ko, mas inagahan ko ung alis sa bahay kasi dapat maaga akong makarating sa school dahil may gagawin pa ko.

2nd year college na ko at ilang taon na lang gagraduate na, kaya tinodo ko na yung pag sasakripisyo ko sa pag aaral gusto ko kasi maging flight attendant para malibot ko ang buong mundo, may katangkaran kasi ako, samantalang maliit naman si mama. Siguro kay papa ako nag mana. Nung bata pa lang kasi ako gusto ko ng sumakay ng eroplano na hanggang ngayon ehh hindi pa rin ako nakakasakay, kasi pag pumupunta kami sa province namin eh nag babarko kami tapos may tita pa kong flight attendant na laging nag kekwento sakin kung gaano kaganda ang mga bawat bansang napuntahan niya na, pero sa totoo lang ampon ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon