Chapter 37: We meet again

2.3K 83 16
                                    

JAZ

"What is supposed to happen already happened, Chris. Our fate isn't in our hands for us to change it since we can't predict the future, right? Say, hard times reveal true friends. Malay mo, in the end, ikaw pa rin talaga yung Chris na nakilala namin dati. Don't say sorry on the phone. Isn't that cowardice? If you want the gang and the same old sisters back, then get your ass here in the Philippines and prove it."

I hang up. Aaminin ko, medyo hindi ko pa kayang sabihin yang mga salitang 'yan sa kaniya dahil hindi naman ako yung tipong tao na magdi-diss ng sorry sa ibang tao. Pero iba kasi yung sa kaniya. Kahit nagdadalawang isip na sabihin 'yon, kailangan. For the sake of the two group.

Pumasok na ulit ako sa unibersidad namin ng makita ko si Bea na lumabas sa Architecture Building. Nakita ko din na lumabas si Sohe sa Medicine Building na sobrang dami ng lalaki't babae sa likuran niya pati na rin kay Bea. I sigh, never talaga sila mawawalan ng fanboys and fangirls? Well, sabagay, nagmana sa lola (which is me).

Lumabas ulit ako sa building at pinuntahan silang dalawa. Tapos na naman ang classes namin pero hindi ko lang alam kung tapos na yung kila Sohe.

"Sohe! Bea!" Napatingin sila sa akin at kumaway.

Nang makalapit sila, inakbayan ni Bea si Sohe. "Parang propesyonal ka na sa suot mo, pandak!" Naka white lab coat na kasi si Sohe.

"Grabe naman makapandak 'to! Matangkad na kaya ang 5'2! Di porket ako ang pinakamaliit sa grupo at sobrang higante mo." Sagot naman ni Sohe.

"Mas higante kaya ako! 5'5, talbog ka, Bea!" Sagot ko.

"Hoy! 5'4 ako umayos kang giant maknae!" Sabi niya sa akin. Maknae? Ano 'yun?

"Wala kayo kay Chris, 5'6!" Napatigil naman kami sa sinabi ni Sohe. Kahit kelan talaga, "Sorry."

Nabatukan naman siya ni Bea, "Ikaw! 21 ka na, yang dila mo nangangati pa rin."

"Speaking of Chris. Tinawagan niya ako." Sabi ko sabay wagayway ng phone history ko.

"What?!" Sabi ni Bea at kinuha bigla yung cellphone ko.

"Anong sabi niya?!" Natatarantang tanong ni Sohe.

-

BEA

"Oh shit! Lagot!" Yan ang mga unang salita na binigkas ko sa umaga ng sabado. Hindi naman dahil sa late ako dahil wala naman kaming pasok. Kung hindi dahil sa meet up namin nila Jaz.

We've been having fun. Hindi dahil wala si Chris. Kung hindi dahil naeenjoy namin ang mga normal naming buhay bilang college students. And I'll be honest here, I miss fighting. Gusto ko na ulit humawak ng baril pero hindi ko magawa.

Mabilis akong naligo at pumili ng susuutin. Nag ring bigla 'yung cellphone ko, si Sohe pala.

"Hoy babaita!" Nilayo ko sa tenga ko yung cellphone. Goodness, ang hyper ni Sohe these past few days. Nagpalit ba sila ng kakuluwa ni Jaz?

"Oo na! Patapos na ako."

Bigla niya akong binabaan. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa kusina at kumuha ng toasted bread at lumabas na ng bahay. Sumakay ako sa aking big bike. Madami ang tumingin sa akin. Naiilang pa rin ako kahit ilang taon na nila ako tinititigan.

Dumating na ako sa meet up place at pinark ko na yung bike sa tapat. Doon, nakita ko sila Jaz na nagkakape at nagseselfie naman si Sohe. Seryoso, nagpalit talaga itong dalawa ng kaluluwa.

"Heyo wazzup."

"You're late." Seryosong tanong ni Sohe.

Tinignan naman ako ni Jaz. "Hindi mo naman shinare na uuwi na pala si Chris," aniya.

"Oo nga," pagsasangayon ni Sohe.

Nanlaki ang mga mata ko, "Woah woah! Wala akong alam diyan, okay? Wag ako ang sisihin niyo." I raised my hands up in the air.

"You're the only one who's still close with her."

Putek. Wala nga akog alam eh! Help naman!

"Bababa na ang plane niya after 20 minutes. Pupuntahan ba natin?" Tanong ni Sohe.

"Puntahan? For what? Susunduin?" Sabi ni Jaz na natatawa pa.

"Kakausapin lang."

"Eh bakit tayo ang pupunta?"

"Pagod siya sa byahe eh. Pagpahingain na muna natin kaya tayo na lang."

"Bakit? Nung pagod na pagod ka na, si Bea, at ako, pinagpahinga niya ba tayo?"

We were taken aback. Ano bang meron kay Jaz? Simula lang nung tumawag si Chris sa kaniya, nagkaganiyan na siya. Wala tuloy akong mabatukan dahil feeling ko, kapag binatukan ko siya, hindi na ako sisikatan ng araw.

Nagtinginan kami ni Sohe. So, sumasangayon siya sa akin? Gusto ko naman puntahan si Chris. Dahil for two years, hindi ko siya nakita o nakausap manlang.

"Pupunta tayo," I said, my voice irrefutable.

Tumingin sa akin si Jaz. Sa mga mata ko pa. As if she's telling me to not go, "Bea!"

Kami-kami lang naman ang nasa loob ng café kaya wala masyadong tao.

"What?"

"Okay sige, choice niyo yan, ah? Bahala kayo." Kinuha niya ang bag niya at narinig ko ang pagkaunlock ng kotse niya sa labas.

Nag-iba na talaga si Jaz. Ano bang sinabi sa kaniya ni Chris? There's something off and it makes me uncomfortable. Hindi naman palagalit si Jaz at mas lalo ng hindi siya yung tipong sisigawan ka kapag hindi nasunod ang gusto niya.

Umupo ako sa inuupuan ni Jaz kanina at tinignan ang aking iPhone. "11:20 na. Teka, saan nga pala sumakay si Chris at saan siya bababa?"

"Pairalala Airport. Station 3." Sagot ni Sohe habang tinitignan niya ang kaniyang laptop.

I snorted, "What's with the name?" She shrugged.

Pumasok na ako sa kotse ko matapos ihatid ni Sohe yung kotse niya sa bahay nila. Nagmadali akong nagdrive at nasa passenger seat naman si Sohe.

Medyo kinakabahan ako. Ano na kayang itsura niya? Nagaaral pa ba siya? Madaming tanong ang gustong lumabas sa bibig ko pero tinitikom ko dahil wala pa naman siya sa harapan ko. All this time, feeling ko ako lang ang kumukulit kay Chris. Sinusubakan ko siyang tawagan but she always drops it. Tinitext ko siya sa messenger pero kahit isang seen, wala.

I'll be honest, I miss her so much.

Guess what? Rank one pa rin ang RSG sa TUC. Tuluyan nang nawala ang Shidae gang.

Ipinark ko na ang kotse sa parking lot at bumaba na si Sohe.

"Kakausapin niya kaya tayo?"

Nagsmirk si Sohe at inayos ang kaniyang bangs, "Kung si Jaz nga na alam niyang galit na galit sa kaniya, kinausap niya. Tayo pa kayang nakuha nang patawarin siya?"

Pumasok kami sa loob ng Pairalala Airport Station 3. And then I saw her.

Pinuntahan namin siya ni Sohe at tinapik ko naman ang balikat niya kaya napaharap siya sa amin. Nanlaki ang mga mata niya.

"Hi, we meet again."

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon