Chapter 6- Hugot sword fighting ever

58 4 1
                                    


Isa talaga pag humakbang pa papalapit sakin tong si halimaw makakatikim siya sakin... Di bale ng mapagalitan ako sa paggamit ko ng powers ko basta makatakas lang sa kanya!!!!

"Layo ka sakin!! Ang panget mo!!!!! halimawwww!!!!" Sigaw ko para lumayo na sya sakin. Pero mukhang hindi tinatablan si impakto.. Nakakainissssssss!!!!!

"Why? Are you afraid of me this time? Nabahag na ba ang buntot mo?" Nakangisi nyang sabi habang papalapit parin sakin.. Sige lang hijo magsaya ka pag ikaw nasampolan ko tanggal yang ngiting aso mo..

"Buntot??? Ho-hoy!! Sating dalawa di hamak na ikaw ang may buntot dahil kampon ka ng dyablo!!!! Tigilan mo na nga to! Alisssss sabi e!!!" Pagkasigaw Kong yun ay siyang kita ko ang dalawang espada sa gilid ko na nakaturok sa lupa.

Agad ko itong kinuha at...

"Hiyaaaaaaaa!!!!!!!" Tatakutin ko sana siya ng espadang to para lumayo na siya sakin pero mabilis lang talaga ang loko dahil nakuha nya din ang isang espada at pinangharang nya ngayon ito sa espada ko...

"Wow! Hindi ko alam na harapan ka pala talaga kung lumaban? Hahaha. Matapang ka talaga ha. Kaso halatang mabagal na klaseng mandirigma ka" pang-aasar nya sakin.

"Wow! Edi congrats to me.. (Sarcastic) at Sige ikaw na ikaw ng magaling sa lahat ng bagay.. happy?" Sabi ko ng may halong pangaasar habang umiikot kami ng magkasangga ang espada..

"I know right! Kaya kung ikaw lang din ang makakatapat ko? Para na Kong inunsulto nun, hahahaha!" Takte to nakuha pa talaga akong maliitin..

Nabubuwisit na talaga ako ha!!!! Pigilan nyo ko.. Arrrggggggg!!! Hindi ko na Kaya...

"Haaaaaaaa!!! Hiyaaaaaa!! Hiyaaaaa!!!! Yaaaaaa!!!! Tingggg! Tingggg!!! Wuuuushhhhh!!! Haaaaa!!! Hiyaaaaaaaaa!!! Ting tinggggg!! Hiyaaaàaaa!!!!" Sa galit ko na combo ko siya ng wala sa oras… sinunod sunod ko siya ng sugod Kaya wala siyang nagawa kundi ilagan ang mga Tama ko.,.

Bakas sa mukha nya ang pag-eenjoy. Tila hindi siya natatakot sa ginagawa Kong pagsugod sa halip ay prente lang niyang iniiligan ito... Inaabangan nya siguro kung mapapagod ako..

PWESSS!! HINDI AKO SUSUKO!!!

I MUST!!!

ganun padin ang ginagawa ko.. Sunud sunod ko siyang ineespada.. Hanggang sa may gawin siyang galaw na bigla ay NASA likod ko na siya habang hawak nya din sa likod ang kamay ko..

"Bitawan mo kooooooo!!!" Sabi ko habang nagpupumiglas sa kanya..

"Bakit naman kita bibitawan? Kung pwede naman kitang hawakan at kapitan?" Aba't talagang ... Teka? Bumabanat ba siya?

"Bakit mo pa ko hahawakan kung alam ko naman sa huli bibitawan mo lang din ako?" Sagot ko... Yung totoo? Nagbabanatan ba kami?

"Iniisip mo kasing wala ng taong handang kumapit sayo Kaya hindi mo magawang maniwala" sagot nya... ha? Ako pa ngayon? Ako pa ang may kasalanan ???

"Sa umpisa nyo lang kasi kami papaniwalain pero babawiin nyo din yun sa dulo. Kaya dapat hanggang maaga pa wag ng maniwala para walang pagsisisihan." Sabi ko.. Hindi ko na gusto tong tinatakbo ng pageespadahan namin ah..

"Mas magsisisi ka kung hindi mo binigyan ng pagkakataon ang sarili mo na maniwala kahit pa maganda talaga ang intensyon ng tao sayo.. Na puro pagdududa ang inuuna mo." Sabi nya ulit Kaya bigla akong humarap..

Muli na naman kaming nag espadahan hanggang sa macorner na nya ko sa malapit sa puno Kaya napasandal ako dito habang nakasangga ang espada ko malapit sa dibdib ko.

"Mahirap kasi na papaniwalaan mo lang kung ano ang sinasabi ng tao.. Pero hindi mo naman makita sa gawa." Sabi ko habang nakatitig sa kanya hawak hawak ang espada ko ng sobrang higpit.

Enchanted SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon