Chapter 20 ❤

4 0 0
                                    


Sabado ngayon kaya walang pasok kung baga this is just an ordinary day. Usually sa mga ganitong oras kain tulog lang ako kung minsan niyayaya ko si Liz na mag mall. Siguro tetext ko siya na makikipagkita ako namimiss ko na yun.

To: Besst ♥

Besst! I miss you na. Kita naman tayo ngayon :( pwede?

Ilang minuto lang ay nag reply ni si Liz.

From: Besst ♥

Aw sure. The same place and time nalang ha? Can't wait to see you. I miss you more kiddo :P

Sa sobrang excited ko kahit mamayang 2 payun naligo na ako para mamaya magbibihis nalang ako. Marami na akong gustong sabihin sa kanya like sa sobrang dami nakalimutan ko na.

"Saan lakad mo ngayon Sis?"

"Ah magkikita kami ni Liz."

"Sis, matanong ko lang ha no offense pero tomboy kaba?"

"Paano mo naman nasabi yan?" Nagulat ako. Ako? Si Stephanie? Tomboy? No way! Over my dead sexy gorgeous body.

"Eh kasi pagdating kay Liz masaya ka, gusto mo palagi kayong magkasama, tapos basta marami."

"Bestfriend ko eh."

"What a stupid answer." What a stupid question.

"I'm not tomboy sobrang girly kalang kaya ganoon."

I ate my lunch and when the clock strikes 1:30 umalis na ako at nagpahatid sa driver namin. And I am here at the coffee shop na favorite naming dalawa.

"Hi besst" niyakap niya ako ng mahigpit and I do the same. "Na miss kita."

"I miss you too." Namiss ko talaga siya.

"Kumusta na besst ? Parang pumapangit ka ha."

"Grabe ka naman Liz! Hiyang hiya naman ako sayo."

"Hahaha namimiss ko na yung pang iinis ko sa iyo."

"Heeh manahimik ka."

"So ano na, how's your new school? May boylet ka na ba?"

"School is uncool parang mga lalaki din dun ang yayabang." She laughed.

"Eh yan din naman sabi mo nung first day of class sa Xavier.".

"Mas malala ngayon. In short ang pangit ng school ko ngayon."

"Baka naman pangit kasi ayaw mo lang talaga sa school mo ngayon. Alam mo kasi besst wag mo nalang pansinin yung mga lalaki sa school niyo." She smiled.

"Hindi ko naman sila pinapansin sila lang talaga yung pumapansin sa akin."

"Ang yabang HAHAHA."

"Hindi ako mayabang sadyang yun ang totoo."

"Che! Umorder nalang tayo." She chuckled. "Baka saan pa mapunta tong usapan natin." Wow ha pasalamat talaga siya at bestfriend ko siya kasi kung hindi nako matagal ko na tang tinapon sa bermuda triangle.

"Besst tulala ka nanaman iniisip mo ba yung lalaki mo sa school niyo?"

"Hala paano mo nalaman? Halata ba?" Sarkastiko kong sabi.

"Naglalaway kana kasi eh hahaha" Ughh nakakainis talaga tong kaibigan ko. Sarap sapakin as in to the highest level.

Nag order nalang ako ng Kitkat frappe dahil kailangan kong magpalamig ng isip dahil baka hindi ako makapagtimpi tss. Dark chocolate cookie cramble naman yung kay Liz. Ito talaga yung palagi naming inoorder tapos tig isang banoffee cake.

Ms. Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon