Sorry. Natagalan! Nawalan kasi ng net dito. :) Nasa side 'yung si Ren and MJ. Sorry, yan na ang best. -3- Ang hirap humanap e. >.<
Dedicated to 'TuntunChing' :))) Lagi kasi syang nakasupport sa kahit ano na story ko. It's time for her to give a shot. ;) Magustuhan mo sana, Kapatid! :D Ok! Enough for this. :)
ENJOY READING! Don't forget to vote. ;) And leave a comment.
2YAS Chapter 4
“Oh Pa? Para saan naman po ’to?” Tanong ko kay Papa sabay turo ng dalawang malaking bag sa may pinto.
Kakauwi ko lang kasi galing kanila Angela.
”Pinapalayas na ko ng Mama mo.” Bigla kong nailipat ang tingin ko kay Papa.
Tapos nakita ko syang nakangiti. -____-”
”Papa naman!”
”Ang totoo nyan, pinapapunta nya ako ng Australia.”
Tumakbo ako palapit kay Papa.
”Ni Mama?” Tanong ko.
”Hindi! Ng kabit ko!”
”PA!” Natawa sya sa reaction ko.
He patted my head.
”Mukhang namimiss ako ng Mama mo.”
Nanlumo ako pero di ko pinahalata. Ayokong hindi tumuloy si Papa ng dahil sa ‘kin.
Umupo ako sa may mahabang sofa.
”Anong oras po ang alis nyo? Hanggang kailan naman po kayo dun? Dapat magdala kayo ng makakain! Saka Pa! Magpapakabusog kayo dun ha! Wag kayo mag – aaway ni Mama! Alam na po ba ‘to nila Ate? Saka ano---”
“Alin ba dun ang una kong sasagutin?” Ay. Hehe!
Nagtawanan kami ng mapansin kong sunod sunod ’yung tanong ko kay Papa.
Hindi kasi ako sanay na... wala si Papa.
I mean... oo, ok lang sa ’kin ang mag – isa sa bahay.
Pero ang malayo si Papa? Mahirap yata.
Wala akong pang – grocery pag wala ng makakain! HAHAHA!
”2 weeks ako dun. May kailangan lang kaming ayusin ng Mama mo tapos babalik na agad ako dito.”
BINABASA MO ANG
Two Years After Summer (BOOK 2 of My Summer Boyfriend)
Romance"Yung gwapo kong boyfriend na crush ng halos lahat ng babae na makikita sya!" - MJ "'Yung pakiramdam na marami kang karibal." - Ren