Chapter 1: Metamorphosis V

1.7K 98 0
                                    


"Love is not about how much you say 'I love you', but how much you can prove that it's true"


---------------------


Matagal kaming natahimik. Ang bawat isa ay nag-iisip. Naghahanap ng connection sa misteryo ng item at experience na natanggap namin. Habang tahimik at nag-iisip ang dalawa ay binasa ko ang description ng "Ring of Hope" na nakuha naming mula sa zombie.

<Ring of Hope:

A ring that signify hope and a little bit of luck. When you're in a brink of death, this ring will bless you with:

+20% Strength

+20% Agility

+20% Intelligent

+ Skill: Divine Protection

Skill: Divine Protection

Mana: 0/ sec

Will obstruct any incoming material attack with a Divine Force Field.>


Shit! Napakaastig nito! Kaso magagamit ko lang kapag mamamatay na ako. Divine Force Field? Ano 'to? Fantasy world? Wait! Fantasy? Divine Force Field? Mana? Isinuot ko ito sa middle finger ng kanang kamay ko. Possible kaya na may skill na bumubuhay ng namatay or item na ang effect ay something like that? Nothing is impossible kapag totoo nga ang conclusion ko. I just need to do everything para maaccomplish ito. Ano't ano man ang mangyari, bubuhayin ko siya pero before ako gumawa ng aksyon kailangan ko munang makauwe sa Sto. Tomas.


"Tol, Marlboro Light gusto mo?" sabay abot ng sigarilyo sa akin.


Tinanggap ko ito't nagpasalamat sa kanya. Tama, ito ang kailangan ko ngayon. Level? Mana? Item? Skill.. SKILL! Baka meron din sila. Tumingin ako kay Kevin at May. Sinindihan ko ang Marlboro Light na binigay sa akin ni Kevin. Dahan-dahan ako nag-inhale na subo ito atsaka ko ito ibinuga.


"Skill. Meroon din ba kayong natanggap na skill?"


Tinaas ni May ang kamay niya at sinabing meron daw siya. Ang pangalan ng skill niya ay "Low Tier Heal". Ayon ka May, it can restore 20% of health ng isang tao. Pinaalam ko sa kanila ang skill kong "Beast Mode", si Kevin naman ay walang nakuhang skill. Hindi ko alam kung paano makakuha ng skill, isa pa din ito sa mga nadagdag na mystery na kailangan naming pag-isipan at alamin.

"Oo, nga pala. Sa tingin ko gets ko na kung bakit tayo may nakuhang experience at items ng pinatay natin ang mga zombies hindi katulad ng mga pulis na kahit ano walang nakuha. Ang conclusion ko ay dapat ang gamit na gagamitin ay ang binigay ng system para pumatay ng zombies. Katulad ng Beginners Knife, di ba ito ang ginamit natin para patayin ang zombie. Ang ginamit naman ng pulis ay ang mga baril na gawa ng tao. Kaya sa tingin ko, wala silang nakuha. Ito lang ang connection na nakikita ko." Paliwanag sa amin ni May.

"Kanina ko pa napapansin, walang nadaan na tricycle, jeep o kahit na anong sasakyan. I-check ninyo ang mga phone niyo. Wala ng signal hindi katulad kanina. Pati T.V.,Radio at internet ay chineck na namin sa mga malapit na bahay pero wala din itong mga signal." Pagtatakang paliwanag ni Kevin.

"Shit! Tignan ninyo ang airplaine na 'yon." Sambit ko sabay turo sa direksyon ng eroplanong mabilis na bumabagsak sa malayo-layong direksyon.

Natulala kami sa nakita namin. Malayo naman ito sa aming lokasyon pero may takot pa din kaming nararamdaman. Magbabago na ba talaga ang mundo o katapusan na ito?

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon