NINE - Sad Song

67 3 0
                                    

"Baliw ka na ba? Balak mo bang magpakamatay?!" sigaw ng isang lalaki sa akin matapos nya akong hilahin dahil muntik na akong mabangga.


Nakatungo ako kaya hindi ko alam kung sino sya. Hawak-hawak nya ako sa braso ko, inaalalayan ako para hindi ako matumba. Nanginginig ang mga tuhod ko, sobrang lakas ng heartbeat ko, pakiramdam ko ay hihimatayin na ako dahil halo-halo na ang nararamdaman ko pero nangingibabaw pa rin ang sakit sa lahat.


Bakit nya pa ako hinila pabalik? Sana hinayaan na lang nya akong mamatay para wala na yung sakit na nararamdaman ko.


"Sya na naman yang iniiyakan mo?! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mong sayangin ang luha mo sa kanya?!"


Nagulat ako sa sinabi ng lalaking nagligtas sa akin kaya naman agad akong napatunghay para tingnan kung sino sya. Nang makita ko ang mukha nya ay agad ko syang niyakap.


"Nakakainis ka naman e! Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi ka pumasok kanina? Kung nandun ka lang sana, sana hindi ko na sya nakausap pa kasi alam kong pipigilan mo ako, sana hindi na ako nasaktan ng ganito, sana hindi ko na sya kinausap pa! Kainis ka!" tuloy-tuloy na saad ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya at patuloy na umiiyak.


"Sorry. Na-late kasi ako ng gising kanina kaya hindi na ako pumasok. Tahan na."


Alam kong napakasama ko para sabihin sa kanya ang mga bagay na iyon para sisihin sya, I didn't mean it. Kahit gaano ko pa kagustong mamatay ngayon, nagpapasalamat pa rin ako kasi niligtas nya ako. Hindi ko man alam kung bakit nya ginagawa ito at kung saan talaga sya nanggaling, nagpapasalamat ako na dumating sya.


"Ano bang ginawa nya sayo? Tara, suntukin ko gusto mo?" natawa ako dahil sa sinabi nya.


Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan sya ng medyo natatawa habang tumutulo pa rin ang luha ko. Baliw na nga ata ako.


"You're being crazy again." Sabi nya habang nakatingin din sa akin. I like it when he's speaking his language. Ang cute. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala nya.


"Aray!" reklamo ko ng pitikin nya ako sa noo ko


"Kung makatitig ka. Hindi libre tumitig sa mukha ko no!" natawa na naman ako sa sinabi nya.


"Weh? Sige, I'm willing to pay." Pagbibiro ko. Nakita ko sa mukha nya ang pagkagulat


"Sabi mo yan ha. Tara." Pag-aaya nya tapos ay inakbayan ako at kinaladkad.


"Saan tayo pupunta? May pasok pa tayo di ba?" angal ko


"Wag na tayong pumasok, hindi naman masama kung magditch minsan e." sagot nya


"BI ka!" pang-aasar ko


"Sus! Gusto mo din naman e. Pasok na lang tayo?" tanong nya habang nakatingin sa akin

Broken-Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon