❥1❥

600 20 5
                                    

Isang maingay na boses na naman ang nakapagpagising sa akin. Si mama.

"Karylle tanghali na! Aba bangon na!". Umaga na pala. Haaaaay sa totoo lang sawang-sawa na ako sa senaryong ito, ganito na lang palagi, gigising sa umaga pagkatapos maghahanap ng job vacancy pagkatapos uuwi na naman ako ng bigo dahil sa walang for hiring. Ang hirap kaya ng ganitong walang trabaho, kung hindi dahil dun sa nakakainis kong partner sa ad agency edi sana nakakapag-ambag ako ngayon dito sa bahay. Sino ba namang hindi aalis dun eh kung dinadaya ka na sa trabaho, sinasabing siya daw ang nagpakahirap gawin nung marketing plan na hinihingi ng kliyente namin.

"Eto na po Ma!"

Nakakaloka talagang tong mama ko, iba talaga siyang klase kung manggising, yung tipong hihilahin niya yung tinutulugan kong unan, yon! Yun yung ginagawa niya sa akin para magising ako. Sabagay hindi ko naman siya masisisi dahil mairap talaga ako gisingin (hehe) pero masipag naman ako (just to clarify). Gagawin ko ang lahat para sa mama ko, dalawa na lang kasi kami, yung papa ko kumabilang buhay na, este kumabilang bahay kaya kahit ganyan yan si mama sa akin mahal na mahal ko yun.

Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na. Inabutan ko ang nakahaing pandesal, kape at ginisang kanin na may kasamang tuyo sa ibabaw. Paborito ko ang mga ito sa umaga, oo naka-angat na nga kami sa buhay pero hindi ko tatalikuran ang paborito kong tuyo. Naupo ako sa tabi niya pagkatapos ay agad sumubo na ng kanin.

"Saan mo naman balak mag-apply ngayon?" sabi niya bago hipan ang mainit niyang kape.

"Sa ano sana Ma.....sa Infinitum" ang sabi ko ng may pag-aalinlangan dahil yun na lang ang natitira kong option sa mahaba kong listahan. Matagal na kasi akong nakapagpasa ng resume dun online, ewan ko ba kung bakit wala pang reply.

"Oh? Eh bakit hindi ka mukhang excited?" nag-aalala naman bigla sa akin si mama, hindi niya kasi alam na isa sa mga bigating advertising/marketing agency yun dito sa Pilipinas. Actually gusto ko talaga sa ibang bansa magtrabaho kaso wala namang maiiwan dito kay mama kaya mahaba habang ipunan pa ito para sabay na kaming makapag-settle sa States. Hindi pa kasi enough yung naiipon ko para sa amin.

"Hindi naman sa hindi po ako excited, kinakabahan lang po kasi ako baka wala na namang "for hiring" sinabi ko ng may diin ang mga huling kataga. Umaasa lang talaga kasi ako sa for hiring na yan, hindi naman kasi madaling makasungkit ng pwesto doon, mararamig magagaling dun kaya malabong may masibak sa pwesto.

"Alam mo anak, bakit ka naman magpapadala sa takot eh matalino ka saka magaling, sayang yan kung hindi nila mapapakinabangan ang galing mo" si mama talaga, pasalamat na lang ako nandiyan siya palagi para palakasin ang loob ko.

"Sige po maliligo na ako, baka wala na akong maabutan doon eh" nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko. I feel bad for mama kasi siya na naman ang nakatoka magligpit ng pinagkainan imbis na ako, late pa tuloy siyang makakapagbukas ng business niyang isdaan sa palengke. Sabi ko na nga ba dapat kumuha na ako ng katulong noon pa. Tsk. Tsk. Tsk.

//

Natigl na lang ang pagbibilang ko ng barya nang malaglag sa katabing man hole yung limang piso. Nako naman tong si kuya butas ata ang palad, dagdag din sa gas ko yun noh. Tinitipid ko kasi tong pera kong siyang kinukuha ko na sa bangko, ipon sana ito kaso walang trabaho kaya the struggle is real talaga. Matapos ko magpa-gas ay lumiko na ako sa kanto kung saan ay makikita mo na agad ang mataas na building ng Ad Infinitum ang "The Smith Tower". Na-aalala ko tuloy yung kaklase ko nung 4th year high school na Si Anne Curtis Smith, siya yung anak ng may ari jan, no wonder kaya sikat siya sa industry saka kilala bilang competitive na business woman. Naging magkaklase kami sa last school year namin sa OB. Sa section B kasi talaga ako kabilang eh nagtaasan nun lahat ng grades ko kaya na-exempt ako na mag-join sa section A which is nandun siya.

Annerylle: Ms. Maldi & I [Postponed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon