Ch1

35 0 0
                                    

"Hoy Miyuki! Pang ilang lalaki na ba yang tumanggi sa confession mo?! Pang sampu na ba?! Twenty?!"

"Ang OA naman nung twenty. Walo lang naman sila eh."

"LANG?! Nakontian ka pa dun sa walo?! Gaano ka ba kamasokista ha?! Mamamatay ka na ba kaya desperado ka nang magkaboyfriend?!"

"Ewan ko sayo. Hindi ka naman nakakatulong eh."

"Hindi nakakatulong? Oh yeah, paano nga ba ako makakatulong kung sasabihan lang kita na tumigil kana? Ni hindi mo nga tinutulungan yang sarili mo."

"Ha? Anong---"

"Tingnan mo yang hitsura mo. Unahin mo kaya munang ayusin yang hitsura mo dahil sa panahon ngayon, karamihan sa mga lalaki, yung magaganda or cute ang hinahanap."

Natahimik ako. Tiningnan ko sya.

"Neh, Sherie, pangit ba ako?"

Tinitigan nya ako tapos ay hinawakan ang baba ko.

. . . . .

"Hmm. Hindi ka naman pangit eh."

Napangiti ako.

"Talaga---"

"Pero hindi ka rin naman maganda. May malaking salamin, medyo hindi maayos na buhok, tapos tinutubuan na rin ng pimples yan fes mo. Napakadry na rin lips mo. Ang tanging merit na lang sayo ay yang mestisa mong kutis, pasalamat ka sa tatay mong hapon."

"Ang bait mo talaga friend. Para tuloy natouch ng maraming karayom ang puso ko dahil sa sinabi mo." -sarcastic na pagkakasabi ko.

"Have more self conscious about your looks, is what I want to say. No wonder nirereject ka ng mga lalaki."

Kahit masakit, tama naman sya eh. Gusto ko rin namang maranasan ang magkalove life tulad ng ibang mga teenagers jan. Pero sa tingin ko, nangyayari sa akin tong mga kamalasang to sa buhay pagibig ko ay dahil alam ko sa sarili kong hinihintay lang ng pagkakataon na dumating yung panahong masunod yung pinangako ko noon sa nakababata ko. Isang mahalagang pangako na pinanghawakan ko sa loob ng sampung taon. Pero kahit tandang tanda ko pa yung pinangako namin sa isa't isa, sa kasamaang palad, hindi na maibigay ng alaala ko yung hitsura ng taong pinangakuan ko, dahil na rin siguro sa sampung taon na ang nakalipas.

"Hoy! Hindi ka man lang ba magpapakilala sa mga readers mo?"

"Stop calling me Hoy! Ang astig ng name ko tapos pinapapangit mo lang."

" :p "

Bago ko dugtungan ang dramatic story ko, magpapakilala muna ako sa inyo.

My name is Miyuki Rei Kazuki. Halata naman sa surname ko na may lahi akong hapon. Half Fil half Jap. Sa bahay, nanay ko lang ang kasama ko. Broken family kase kami. May iba nang asawa ang daddy ko sa Japan. Pero hindi naman kami naghihirap kahit ganoon ang pamilya namin. Mom has her own company business na minana nya pa namayapa kong grandpa, only daughter kase si mama. Hindi pa rin naman gaanong matanda ang grandma ko at sa ngayon ay ginusto nyang magsolo muna sa buhay.

Isang Third year high school student ako sa isang prestigious school na naglalaman ng puro mayayamang mga estudyante. Lagi din akong biktima ng mga bullies dito, buti na lang at may pagkaamazona si Sherie, kahit mag isa sya, nagagawa nyang mapatigil ang mga bullies sa pangaasar nila sa akin.

Oh right, before I forgot, nasabi kong si mama lang ang kasama ko sa bahay pero meron pa akong dalawang kuya na nasa ibang bansa ngayon. Yung panganay, si Daisuke Kazuki, ang tagapagmana ng company ng tatay kong Japanese. Yung pangalawa naman ay si Dark Ryohei Kazuki na isang international celebrity na nasa London ngayon dahil sa katatapos lang nilang concert tour. Isa silang boy band at siya ang leader nito. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit pinangalanan ng magulang ko na Dark Ryohei yung pangalawa kong kuya eh. Hindi kaya nagbrownout nung panahong pinapanganak sya? Anyways, tatlo lang kaming magkakapatid dahil walang kakayahang manganak ang current wife ni daddy. At saka---

Me Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon