Matapos ang tatlong araw na pananatili ni tito Gilbert sa ospital ay pinauwi narin siya ng doktor. Mabuti naman at maayos na ang kalagayan niya. Kailangan lang niyang ipahinga ang sarili at sabi ng doktor na kung maari sana ay huwag siyang magpapagod dahil nakakasama 'yon sa puso niya.
Naligo ako matapos tulungan ang mga kasambahay sa paghahanda ng hapunan. Nang matapos maligo ay kinuha ko ang aking phone at rineplyn ang mga mensahe galing kay papa at Berny.
Ako:
Opo pa, bukas po siguro ang uwi namin dahil maayos na ang lagay ni tito Gilbert.Ako:
Congrats! Mabuti naman at natanggap kayo sa Kahuna :)Linapag ko ang aking phone at sinuklay ang buhok ko. Mabuti pa si Berny at Carmina ay wala nang proproblemahin sa OJT nila. Samantalang ako ay hindi pa nakakapag desisyon. Bumuntong hininga ako at muling kinuha ang phone ko. Binuksan ko ang mensahe ni Eyrone kahapon.
Eyrone:
Good morning, Odessa. Sorry to disturb you pero nakapagdesisyon ka na ba? Pinapatanong kasi ng tita ko para maayos na ang schedule para sa OJT ninyo. I need your decision asap.Nagtipa ako ng mensahe ngunit kaagad ring binura pati narin ang mensahe ni Eyrone. Hindi ko pa nasasabi ang bagay na ito kay Carlos. Kinakabahan kasi ako dahil mainit ang dugo noon kay Eyrone. Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon. Nginitian ko si Carlos na kaagad namang umupo sa tabi ko. Nginitian niya ako ng pilit at hinawakan ang kamay ko.
Kinakabahan nanaman ako. Pinatawag kasi siya ni tito Gilbert at mukhang may binilin ang daddy niya sa kanya. Kinakabahan ako sa kung ano man ang pinag-usapan nila. Puno din kasi ng pag-aalala ang mukha ni Carlos.
"Inaantok ka? Gusto mong matulog muna?" ani ko ng humikab siya ngunit tanging iling lang ang sagot niya at yinakap ako ng patagilid. Pinahinga niya ang kanyang ulo sa leeg ko.
"You smells good." may kung anong kuryente nanaman ang dumaloy sa katawan ko ng dampian niya ang leeg ko.
"Ano'ng pinag-usapan ninyo ng daddy mo?" pang-iiba ko sa usapan.
"About business, Odessa."
"Ganoon ba," sagot ko at naibagsak ang balikat ko. Mukhang napansin naman niya ang tinuran ko kaya humiwalay siya at kinunutan ako ng noo.
"Why? Bakit parang ang lungkot mo?" umiling ako.
"Hindi a! Masaya nga ako at ayos na si tito."
"Daddy and mommy, I told you to call them mommy and daddy." ngumuso ako. Nakakahiya parin naman kasi kung tatawagin ko sila ng ganoon lalo pa at hindi pa naman kami kasal.
"Huwag muna natin 'yong pag-usapan. Ipapahawak ko muna ang kompanya sa mga pinsan ko sa mother side. Come, nagugutom na ako."
Nagpahila ako sa kanya at hindi na pinansin ang sinabi niya. Naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Hindi man niya sabihin ay alam ko ang pinag-usapan nila ng daddy niya. Syempre at baka kinukumbinsi niya si Carlos na siya na ang mamahala sa kompanya nila.
Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit ayaw sundin ni Carlos ang parents niya. Nahihiya tuloy akong humarap sa kanila sa hapag dahil baka ako ang sisihin nila. Matigas lang kasi talaga ang ulo ni Carlos na pati ako ay hindi niya pinapakinggan minsan.
Pagkababa namin ay nadatnan namin si Trixie at Jackson na naglalagay ng plato sa lamesa. Nagtanguan si Carlos at Jackson samantalang si Trixie ay nginitian niya ako.
"Where's mom and dad?" ani Carlos at sakto namang sumulpot si tita at tito.
"Oh, nandiyan na pala kayo, let's eat." ani tita Theresa at inalalayan ang asawa niya.
BINABASA MO ANG
Everlasting
General FictionHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?