CHAPTER I

28 3 0
                                    

I am the Man with HEART........................

_____________________________________________________________________________________

"Ano Princess???Tatapusin na ba natin ang paghihirap niya?"

"Matthew, ayokong tapusin ng ganun-ganun lang. Kilala mo ako,gusto ko habang buhay niya na pagsisihan ang ginawa niya sa kaibigan nating si Carl. Pagkalat mo sa school na nagtratrabaho siya sa bar.Let's make her life miserable!!!!" Sinipa niya ang babae at sinampal ng pagkalakas-lakas.May dugo na bumahid sa mga kamay niya at dinilaan niya iyon. Nakakarimarim ang ginagawa niya.Halang ang bituka!

"Please,maawa ka Princess. Huwag mong gawin yun." sunod-sunod pa rin ang babae na hahabol-habol sa paanan ni Princess.

"Halikan mo ang paa ko at umiyak ka ng dugo ngayon din!"

"Pero ang imposible naman ng hinihiling mo."na-uutal na sambit ng babae na nasa paanan na ni Princess.

"Imposible rin kung ganun ang hinihingi mo!!!"

"Napakawala mong puso!!!!Ang sama-sama ng ugali mo!!!Patayin niyo na lang ako!!!"

___­­­­­­­­­­­­­­­­­___________________________________________________________

Kalagitnaan na ng semester ng magsimulang pumasok ako sa mundo ng kinalalagyan ko ngayon.Lunes ng umaga iyon kung saan nagbago ako. Binago ko ang lahat sa akin ng dahil sa babaeng ito.

Nakatulog ako sa may canteen dahil sa na-bored ako kahihintay ng klase.

"Aba!!!Kusang lumalapit ang biktima natin oh..Hoy,Nerd????"

"B-bakkit??"

Tanong ko na medyo nanginginig dahil nakatingin lahat ng estudyante sa akin at pinalilibutan na ng mga lalaki.Hindi naman sa natatakot ako pero anong laban ko kung nag-iisa lang ako,di ba?

"Anong oras mo gusto mamatay?"

Tanong sa akin ng nag-iisang babae sa grupo ng nakapalibot sa akin.Sobrang kapal ng eyeliner sa mata at itim ang labi NIYA at mukhang adik.

"Ahh..Pa-pasensya na.Wala naman akong ginagawang masama kaya bakit ako ang biktima niyo ngayon?"

"Matalino!Alam niya na biktima natin siya.ahahaha"

Narinig ko na nagsmirk yung babaeng kasama nila at bigla ulit siya nagsalita.

"Tsk..Yun ang dahilan.Biktima ka namin dahil wala kang ginagawang masama."

May paninindak sa tono ng pananalita niya.

"Nerd,Alam mo kasi, kapag may gusto kaming puntahan at pagtambayan dapat gets mo na dapat umalis ka agad. Sige bigyan mo na lang kami ng 5 libo at maka-aalis ka na."

Dagdag naman ng isang lalaki na sobrang tangkad.

"Pero,wala kasi akong dalang pera."

"Aba marunong mangatwiran.ahaha"

Pagkasabi ng lalaki na nasa rightside ng babae ay nakita ko na lang ang sarili ko na nasa sahig at may dugo ang labi.Manlalaban sana ako sa sumuntok sa akin pero nakita ko na ang babae ang may gawa sa akin niyon.Sinuntok ako muli kaso yung mga lalaki na ang sumuntok sa akin.

"Lagot ka!Ginalit mo yata ang Leader namin..ahaha."

Umuurong na ako dahil sa namimilipit na sa sakit na nararamdaman ng sikmura ko.Ang rami ngang tao rito pero ni isa ay walang nagtangkang tumulong sa akin.Ang tinutukoy ba nila na leader ay ang babaeng kasama nila?

"Princess, ako ng bahala at sisiguraduhin ko na sa hospital ang bagsak ng lalaking ito."

Tumingin ng masama yung Princess sa akin at lumapit siya sa akin.Papatulan ko talaga ito kapag sinuntok akong muli nito.

"Tumayo ka diyan! I will count up to 3 kapag di ka tumayo ay malamig na bangkay ka na.Isa...D"

Anong gagawin ko?Nambabanta ang mga paningin niya.Ang sakit nga ng pagkasuntok sa akin at wala akong lakas na tumayo pa.

"Dalawa..."

Bigla akong tumayo at akmang susuntukin yung Princess na tinatawag nila pero natigilan ako dahil hindi nagbago ang titig ng babaeng iyon at tila di siya iilag kahit alam niya na susugurin ko na siya.Biglang na-alarma ang mga kasama niya pero pinigilan niya ang mga ito sapamamagitan ng cold na tingin.Huminto ang lahat at muling ibinalik ni Princess ang tingin niya sa akin habang nakataas pa rin ang mga palad kong na nakakuyom.

"Itutuloy mo ba o uunahan na kita?"

Na-ulirat ako sa tanong niya.Kapag pinatulan ko siya ay parang di naman ako lalaki nito.Teka,, di naman kasi siya ordinaryong babae lang ei.Bahala na!

"Aghhh!!!!"

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Mr. Ocampo???Buti at gising ka na."

"Nasan ho ako?"

"Sa clinic hijo."

"Buhay pa po pala ako?"

"Hijo,Ano bang nangyari?"

"Wala po bang nagsabi sa inyo? Marami naman po ang nakakita sa canteen kanina sa akin."

"Ang sabi lang kasi nagcollapse ka daw.Yun lang."

"Kasi po---"

Biglang lumagabog ang pinto ng clinic at nakita ko si Princess sa tapat niyon.

"Ahhh..Mauna na pala ako.May kukunin pa pala ako sa Faculty room."

Agad na umalis yung school nurse at pakiramdam ko di ko na masisilayan pa ang ARAW bukas.

"Anong gusto mo?sa ilog o sa gubat?"

"Ano bang tinutukoy mo?"Lakas loob kong tanong sa tinanong niya.

"Ang bangkay mo,Saan mo gusto matagpuan,sa ilog o sa gubat?"

"Huh??"

"One..."

"Anong bangkay???"

"TWO...."

"Sa gubat na lang!!!"

"TSK..."

May kinuha siya sa bulsa niya at papalapit na siya sa akin.

"Mabait ka naman di ba?"Biglang sambit ko para makonsensya siya ng kaunti.

Bigla siyang napahinto sa paglakad.

"May--may nakapagsabi kasi sa akin na wala daw masamang tao sa mundo kundi yung sitwasyon niya lang na kinakatayuan kaya nagkakaganun siya."

"Kung mabait ako bakit ka natatakot kung ganun?"

"Hindi ako natatakot..Medyo lang pala."

"Pumikit ka!!"

"Bakit?"

Tumingin muli siya sa akin ng pamatay-tingin kaya pumikit agad ako.Naramdaman ko na dumampi ang kamay niya sa noo ko at...

"Anong oras mo gusto makita ang bangkay mo roon?"

"Bakit mo ako nilalagyan ng band-aide?"

Taka kong tanong dahil akala ko papatayin niya na ako kanina.

"Signature na katapusan mo na."

Umalis siya pagkatapos.Anong ibig niyang sabihin doon?



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I AM the HEARTLESSPRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon