First of all, thank you for selecting this story. Hope you enjoy it. Vote if you like it. Comment what you think about it. And last but not the least, critiquing is welcome. I will appreciate it all. Really. Walang halong biro.
This is my fourth one shot.
Dedicated to lycheelaoie. Hello po! Gusto ko po talaga ang stories niyo. Promise. Hehe. :))
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Ako nga pala si Zena Aguilar at dahil kakatapos lang ng CAT formation namin ay pagod na pagod na ako at ang mga kasamahan kung CAT trainees. Gusto ko nang umuwi agad.
"Jade, saan tayo sasakay?" tanong ko sa kaibigan, kaklase at co-trainee ko na si Cea Jade Rosales nang malapit na kaming lumabas ng school gate.
"Sa-" Pero hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil nandoon nakatayo ang crush ko sa labas ng gate. I can just hear my own heartbeat. "Hoy! Zen, hindi ka naman nakikinig, eh!" tawag sa akin ni Jade.
"Ah, sorry." sabi ko sa kanya sabay lingon ulit sa direksyon ni Crush pero naka-alis na pala siya. Well, at least nakita ko siya. Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko kay Jade na kasalukuyang nakasimangot. "Haha, sorry. Ano nga pala ang sinabi mo?"
"Tungkol saan tayo sasakay." simula niya at saka naglakad na kami.
Napagdesisyunan namin na sa may gasoline station kami sasakay. May mga dyip kasing pumarada doon. Katulad ng nakasanayan namin dalawa ni Jade ay mag-uusap lang kami ng kung ano-ano hanggang mapadaan kami sa isang tindahan ng halo-halo at shake na malapit sa isang tulay. Nandoon ang iba namin co-trainees namimili. Kinawayan lang namin sila at nagpatuloy sa paglakad. Nang may mapansin ako. Siya. Ang crush ko. Si Rei Alex L. Colanc, full name talaga yan, ah. Hehe. Kumakain siya ng shake habang nakasandal sa gilid ng tulay kasama ang mga kaibigan niya. Napangiti ako. Pero nawala ang ngiti ko ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Hinawakan ko ang braso ni Jade at binilisan ko ang paglakad ko. At saka huminto ng malayo-layo na kami.
"Ano ka naman, Zen, pabigla-bigla ka lang nagmamadali." angal niya.
"Haha, sorry." sabi ko sabay ngiti. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nakikita ko na nga ang gasoline station. Pagkadating namin sa doon ay may tumawag sa amin.
"Oh, kayo pala, Shan, Kat, Icy, Rish." nakangiti kong tugon sa kanila. Kasalukuyan silang kumakain ng siomai. Nakasanayan na nila iyon bago sila umuwi. Mga kaibigan, kaklase at co-trainees ko din sila.
"Uuwi na kayo?" tanong ni Shan.
"Depende dito." sagot ni Jade habang nakaturo sa akin. "Alam niyo naman kasi nakita na naman nito ang crush niya." nakangising sabi niya sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Very Own Jeepney Love Story (One Shot Story)
Short StoryMy Very Own Jeepney Love Story (Copyright 2013 © hatsuneRiko)