SCANDAL TWO: MAMi SASAZAKi 1

770 7 1
                                    

Hello guys! Ito yung second part ng SCANDAL story ko. This story revolves around Mami at ang nakaraan niya. This is a work of fiction! Wala itong katotohanan! Medyo mahaba-haba din ang chappy na 'to. Pero this is my favorite among the four of them. Yung story ni Mami ang paborito ko kasi masyadong madrama. Haha, joke lang! I really enjoyed writing this. Mahaba din ang flashback niyan. Enjoy~ 

In advance... Thank you for reading:) 

----- 

Mami's POV 

FLASHBACK: 

"Galing-galing na ni Mami-chan o!" Tuwang tuwa na sabi ni kuya Yujiro. "Magaling si kuya eh!" Sagot ko. "O eto naman ang practisin mo. Mas maganda ito," sabi ni kuya sabay bigay ng music sheet sa akin. Tiningnan ko ito at sumimangot. "Kuya, ang hirap nito!" Reklamo ko. "Mami, walang mahirap basta gusto mo. Alam kong kayang-kaya mo yan!" Sabi ni kuya. Kahit anong sabihin ni kuya alam kong totoo yun. "Oo naman. Sabi mo eh!" Sagot ko. Ngumiti sa akin si kuya at ginulo ang buhok ko. "O ito. Panuorin mo ako ah," sabi ni kuya habang iniistrum niya yung electric guitar niya. Pinanuod ko naman siya habang ginagawa niya ito. "Ikaw naman," sabi niya. At ginaya ko din ang ginawa niya. 

... 

Hinigpitan ko ang kapit sa mga kamay ni kuya habang pumapasok kami sa Caless Performing Arts School. "Kuya, ayoko ko dito. Bakit kailangan mo akong e-enroll dito?" Bulong ko. Tumingala ako at tiningnan si kuya Yujiro. "Mami, mas magaling sila kaysa sa akin. Sila lang naman ang nagturo sa akin kung paano tumugtog ng gitara eh," paliwanag niya. Tumango na lang ako. "Alam mo ba napaka-swerte mo kasi mag-aaral ka dito? Napakaraming bata ang gusto makapasok dito," sabi niya. "Kasi wala naman silang, Kuya Yujiro eh," sagot ko. Tumawa ng mahina si kuya at ginulo ang buhok ko. 

... 

Tinakpan ni kuya ang mga mata ko ng mga kamay niya habang papasok kami sa bahay. "Kuya, baka madapa ako," sabi ko. Tumahimik lang si kuya pero alam kong nakangiti siya. Ramdam ko na nasa sala na ata kami at kinuha na ni kuya ang mga kamay niya.  

"Surprise!" 

Nag a-adjust pa ang mga mata ko sa ilaw ng sala. At ang unang una kong nakita ang isang bagong puting electric guitar na nakatayo pa sa stand niya. Lumuhod ako sa harapan nito. Manghang-mangha ako habang pinagmamasdan ito. Hinawakan ko ito at ngumiti. Tumingin ako kay kuya. "Sa akin ba 'to?" Tanong ko. Tumango siya. Lumuhod si mama sa tabi ko. "Ang ganda anak, noh?" Tanong niya. "Napakaganda po," sagot ko. 

"Nagustuhan mo ba, Mami-chan?" Tanong ng isang boses babae. 

Napatingin ako sa likod at nakita ko ang isang babae na ka-edad ata ni Kuya Yujiro. "Sino ka?" Tanong ko. "Mami, siya si Ate Saori mo," sagot ni kuya. "At bakit ko siya ate?" Tanong ko. "Kapatid ko ba siya?" 

Tumawa ng mahina sina mama, kuya at ang babaeng nagngangalang Saori. 

Tumayo ako at tiningnan si Saori. Maganda siya, medyo brown ang buhok at may nunal sa ilalim ng kanyang kanang mata. "Hindi mo siya kapatid. Girlfriend siya ni Yujiro, anak," sagot ni mama. Hindi na lang ako nagsalita. Ngumiti sa akin si Saori, ayaw ko siyang tawaging ate. Ngunit blanko naman yung mukha ko. Poker face ba. "Tinulungan niya akong piliin yan, Mami-chan," sabi ni kuya. Mukhang masayang-masaya si kuya sa piling ng Saoring yan. "Salamat mama at kuya... At Saori," sagot ko. "Tawagin mo siyang ate, Mami," sabi ni kuya. "Ano ka ba, Yujiro. Baka hindi pa handa si Mami. Nabigla siya siguro," sabi ni Saori.  

May aurang ayaw ko kay Saori. Para bang may nagsasabi na hindi ko siya dapat pagkatiwalaan.  

"Sa isang bookstore kami nagkakilala ni Saori. Mga isang taon na ata yun," sabi ni kuya habang nag di-dinner kami. Si mama naman tuwang-tuwa kay Saori habang ako tahimik lang. "Nagustuhan mo ba yung pinili namin ng kuya mo, Mami-chan?" Tanong ni Saori. "Oo. Maganda," matipid na sagot ko. "Ang galing-galing kasi talagang tumugtog ng gitara itong si Yujiro eh. At ang ganda pa ng boses," sabi ni Saori. "Aba! Magaling talaga yang si Yujiro!" Pag sang-ayon ni mama. Gitarista si kuya ng isang banda. Hindi naman siya yung vocals pero kumakanta-kanta din siya. Kaya nga idol na idol ko si kuya eh. 

SCANDAL(DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon