"Rika!"
Habang naglalakad sa hallway narinig ko ang boses ng kaibigan kong si Aila. Tumigil ako sa paglakad at humarap sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko. "Ang aga-aga, sigaw ka nang sigaw..."
"Eh, kasi... si Aldrin... kagabi pa ako tinetext."
"Bakit naman?" Nagtatakhang tanong ko.
"Kinukulit niya ako na kunin 'yong bagong number mo." Humagikhik siya.
Napangiti ako. Totoo ba ito? Hinihingi ni Aldrin ang number ko?
Nang mapansin ni Aila ang ngiti ko. Hinampas niya ako ng mahina sa braso. "Kinikilig siya oh..." Panunukso niya.
"Syempre!" Pabiro ko siyang inirapan. "Sinong hindi kikiligin doon? Crush mo na mismo ang nag-e-effort humingi." Sabi ko.
I am so lucky!
Tumawa siya. "Oo nga! Swerte mo!"
Matagal ko nang gusto si Aldrin, since grade school ay sobra na ang pagkahanga ko. Close rin kami dahil minsan na kami naging magkapit bahay. Sayang nga lang at lumipat na kami.
Ang swerte ko no? Close kami ni crush!
"Oh siya, mauna na ako," Paalam ni Aila. "May subject pa kasi akong hahabulin, e. Mamayang lunch na lang tayo magkita."
Nilapitan niya ako para i-beso sa pisngi. "Bye!"
"Okay... Libre mo ako ng lunch ah!" Sigaw ko sa kanya.
Pagbaba ko naman ng hagdan, hindi ko inaasahan na makikita ko si Aldrin na may kasamang babae paakyat. Magkasabay sila at masayang nagku-kuwentuhan.
Napasimangot ako. Sinalubong ko sila.
Napatingin si Aldrin sa akin.
"Rika..." Tawag niya.
Pero 'di ko siya pinansin. Tuloy lang ako sa pagbaba ng hagdan hanggang sa makatungtong ako sa ibaba.
Bahala siya diyan.
Umiling ako habang naglalakad mag-isa.
Teka, nagseselos ba ako?
Nakagat ko ang labi ko. Malakas akong bumuntong hininga.
Syempre, nagseselos ako! Sino ba naman ang matutuwa kung ang gusto mong lalaki ay may kasamang iba?
Wala akong karapatan, alam ko iyon. Pero hindi ko talaga kayang pigilin ang sarili na maramdaman ang ganoong pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Torpe (completed)
RomanceShort story © 2015 nixelofficial ----- Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance t...