Kumakain kami ngayon ni Aila dito sa canteen. Kinuwento ko sa kanya iyong nakita ko.
Sino kaya ang babaeng kasama ni Aldrin? Paranoid na ako. Is that her girlfriend? Hindi pa naman ako sanay na may kasama siyang ibang babae bukod sa akin. Nasanay kasi ako na sa akin lang siya lumalapit.
Kumukulo ang dugo ko pag naaalala ang tagpong iyon sa hagdanan. They are smiling while talking! What was that? Gusto niya na ba ang babaeng 'yon?
"Hoy, Rika, hinay hinay lang sa pagkain." Saway ni Aila.
"Baka mabilaukan ka oh... Hay, ganyan ka ba talaga kumain kapag galit? Halos murderin mo na iyang pagkain!"
"Naiinis kasi ako, Aila! Nag-iinit ulo ko. Ugh!" Naiinis kong usal at binalatan ang balot ng burger.
"Huwag mo na kasi isipin iyon, baka girlfriend niya lang...'' Pagbibiro niya.
Binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Oops! Joke lang!" Tumawa pa siya.
Dinilatan ko siya. "Sige, ituloy mo lang 'yang pang-aasar mo, baka pati ikaw i-murder ko!"
Natigil na lang ako sa pagdada at pagkagat sa kinakain nang may ininguso si Aila sa may likuran ko.
"Narito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.'' Nagitla ako nang malingunan ko si Aldrin sa gilid ko at nakatayo.
Narinig ko ang mahinang hagikhik ni Aila. Parang nagpipigil ng impit na kilig.
Kumunot ang aking noo.
"Rika, una na ako ah...'' Palusot ni Aila. Binigyan ako niya ako ng mapangasar na ngiti. Isa pa 'to! Mang-iiwan!
Gusto ko sana sabihin na sasabay na rin ako sa kanya kaso ang loka talaga na iyon, ang bilis maglakad!
Nang maiwan kami, doon umupo si Aldrin sa inupuan ni Aila kanina. Ayan... magkaharap na kami.
"Rika..." Marahan niyang sambit.
Naka-poker face ko siyang sinagot. "Oh? May kailangan ka?" Tinamlayan ko ang aking boses.
He stared at my face. Tila may binabasa at hinahanap na impormasyon. Ang intense niyang tingin ay gusto kong iwasan. Binaling ko ang mata ko sa ibang bagay.
"Teka, galit ka ba?" Parang natatawa siya.
Sinulyapan ko siya. "Hindi. Bakit naman ako magagalit?"
I faked a smile. Tapos naglaho rin ang ngiting iyon. Hindi ako makatagal na ganoon, lalo na kapag bad mood ako.
"Kung nagagalit ka dahil sa nakita mo kanina, wala lang 'yon-"
"Hindi nga ako galit, okay?" Halos pasigaw at may diin na wika ko.
Pilit pa akong ngumiti. Oh god. I really hate being plastic kahit na kitang-kita naman sa ekspresyon ko ang pagka-irita.
''You don't look okay, Rika." Worried na aniya.
"I'm perfectly fine, Aldrin." Mas madiin na sabi ko.
"Well, kung ganon, bakit parang..." Sumimangot siya. Bwisit, huwag ka gumanyan! Ang cute mo! Tss.
Hindi ako umimik.
"Sorry," nagsalita ulit siya. "Nakalimutan kita sunduin kanina sa bahay niyo." Sabi niya sa mababang tono.
Umismid ako.
"Hindi mo kailangan mag-sorry. Hindi mo naman ako girlfriend para sunduin mo." Mapaklang ani ko sa kanya.
Bumuntong hininga siya. "Come on, Rika. Sabihin mo sa akin ang kinaiinis mo..."
Tseh. Bahala ka.
Hindi ko siya inimikan. Pero dahil magaling siyang manuyo ay bumigay na rin ako. Unti-unti akong napangiti.
Magsasalita at kakausapin ko na siya dapat ng maayos nang may umeksenang babae. Sinigaw nito ang pangalan niya.
"Aldrin!"
Biglang sumulpot ang babaeng kasama niya kaninang umaga. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya mula sa likudan.
Nanlaki ang mata ko.
Malambing ang pagkakayakap niya kay Aldrin kaya medyo napamura ako sa aking isipan.
Bwiset.
Bumalik lang ang bad mood ko.
BINABASA MO ANG
Torpe (completed)
Lãng mạnShort story © 2015 nixelofficial ----- Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance t...