CHAPTER 2

38 1 0
                                    

Sam Pov :

Nandito ako ngayon sa super market para mamili ng mga ingredients para sa mga lulutuin ko mamaya . Mamaya na rin kasi dadating si twin . Una kong pinuntahan ang bilihan ng mga karne sunod ang gulay at mga prutas at ang last stop ko ay ang bilihan ng favorite ko ang Ice cream . Pagkatapos kong bilin lahat ng dapat kong bilin ay pumunta na ako sa counter at nagbayad . Pagkatapos kong magbayad ay punta na ako sa pinag parkingan ng kotse ko . Pagkarating ko sa kotse ay bigLa naLang nag ring ang phone ko

~~BESSY CALLING~~

" beeeeeeessy " nailayo ko agad ang phone ko sa tenga ko
" anu ka ba bessy , balak mo bang basagin yung eardrum ko ? " tanong ko sa kanya

" sorry naman bessy , na excite lang ako " sabi nito

" baket ka pala napatawag ? " tanong ko kay bessy

" ito na nga , nag- aaya yung mga ka batch natin nung high shool na mag reunion daw tayo " excited na sabi nito

" it's interesting , kailan daw ? "

" Next month daw , sasama ka ba bessy ? " tanong ni bessy sakin

" titingnan ko "

" okay bessy , oh sya babye na "

" bye " then na end na yung tawag

Mag rereunion yung batch namin nung high school . Dalawa lang nararamdaman ko ngayon excitement dahil makakasama ko na naman yung mga closefriend ko nung high school at natatakot dahil di pa ako handang makita sya . Di ko pa kayang makita yung lalakeng minsan ko nang minahal pero niloko lang ako . Hanggang ngayon di ko parin nakakalimutan yung mga nangyari . Nabalik lang ako sa realidad ng tumunog yung phone ko , nagtext pala c twin

From : Gorgeous Ellery

Twin nakasakay na kami ng eroplano , makakarating kami dyan mga 8:00 na ng gabi may dadaanan pa kasi kami eh . See yah ! ^_^

Kami ? So may kasama sya ? Anong oras na ba ? Tumingin ako sa relo ko at 3:00 pa pala ng hapon ,may 5hours pa bago sila dumating . Nagdrive nako pauwi para makapag handa na ako ng mga pagkain . Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kusina at inilagay yung mga pinamili ko sa lamesa . Umakyat muna ako sa kwarto ko para mag bihis pagkatapos kong magbihis ay nag umpisa na akong magluto . Wala kaming katulong dahil mas gusto namin ng kakambal ko na kami yung gumagawa ng mga gawaing bahay . Bata palang kasi kami nung mamatay yung parents namin dahil sa aksidente , mga 14 years old palang kami kaya naging independent na kami simula nun . Simula din nung namatay yung magulang namin kami nalang ng kakambal ko ang magkasama sa buhay ,pero ngayon minsan nalang kami magkita ng kakambal ko , masyado na kasi kaming busy sa kanya kanya naming trabaho . Ako busy sa dress shop at si Ellery naman busy din dahil kung saan saan siLa nagpupunta para sa bussiness , sya kasi ang secretary ng isang napakamayamang bussines taicon dito sa pilipinas . Ngayon nga uuwi na ang kakambal ko galing ng singapore , makakasama ko na naman sya , miss na miss ko pa naman sya .
Mga 7:00 na ng gabi ako natapos maghanda kaya naligo muna ako at nag ayos ng sarili ko . Kasalukuyan akong nanunuod ng TV ng may nag doorbell

" Sandali " sabi ko

Pag bukas ko ng gate nakita ko agad ang napakagarang kotse , tuLoy tuLoy itong pumasok hanggang sa may tapat ng pinto . Nakita kung lumabas sa sasakyan ang isang gwapong lalake ,scratch that , napaka gwapo yan ang term na bagay sa kanya , umikot sya sa kabilang pinto at binuksan nya ito at lumabas mula doon ang kakambal ko .

" Twiiiin " sigaw ni Ellery habang papalapit ito sakin sabay yakap sakin ng mahigpit " Namiss kita " dagdag pa nito

" namiss din kita twin " sabi ko at gumanti din ng yakap

My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon