A/N: Hello! Here's the chapter 22! Hope you'll like it! Enjoy reading!
Quote of the day:
• Did you know that when people appear in your dreams, it's because that person wants to see you.
*****
Jewel Krizlee's POV:
Naglalakad ako ng tahimik sa may play ground habang naka-headset at nakalagay sa bulsa ko ang mga kamay ko. Napapangiti ako sa mga batang nakikita kong masaya na naglalaro. Mga malulusog na bata na kahit kailan, hindi nakaramdam ng problema. Para bang gusto kong maging bata nalang tulad nila habang buhay para wala na 'kong pinoproblema. Laro lang ng laro hangga't gusto ko.
Habang pinagmamasdan ko sila ay biglang may tumabi sakin. Nang makita ko siya ay nabigla ako. Bakit siya narito? Sa pagkakaalam ko, binabantayan din niya si Czian ngayon.
"Kumusta kana?" Tanong niya.
"Okay lang ako. Ikaw?" Sagot at tanong ko.
"Nag-iisa ka?"
"Oo. Gusto ko kasing mapag-isa." Sagot ko at ngumiti, "Tara sa swing tayo."
"Buti nakita kita."
"Buti wala ka kina Czian?"
"Nah, umuwi na kasi ang mga magulang niya. Kaya binibisita nalang namin siya doon nina Kean."
"Ang swerte ni Czian." Nakangiti kong sagot.
"Maswerte? Paano? E may sakit nga siya."
"Oo nga. Kaya lang lahat naman kayo nag-aalala sa kanya. Lahat kayo kaya niyang makuha lang ng gano'n sa isang iglap. Lahat kayo nakabantay sa kanya ngayon. Sobrang naiinggit ako ngayon sa kanya, Zack."
"Mas maswerte ka dahil matagal pa ang buhay na meron ka dito sa mundo. Hindi tulad niya, siguro nga nagagawa namin 'to ngayon sa kanya. Pero pansamantala nalang naman 'to. Kasi kahit anong oras pwede na siyang bawiin samin, satin."
Gusto kong sabihin sa kanya na ako rin. Ako rin.., kailangan ko kayo. Ako rin kailangan ko ng taong magpapalakas ng loob ko tulad niya. Naiinggit kase 'ko. Naiinggit ako kasi nandiyan kayong lahat para sa kanya. Na sa pakiramdam ko wala ng natira sakin. Ang selfish ko kasi naiinggit pa rin ako sa kanya kahit gano'n.
"Tahan na." Napatigil ako sa pag-iisip nang sabihin 'yon ni Zack. Hindi ko namalayan na nakaluhod na pala siya sa harap ko at pinupunasan ang luha ko.
"Pasensya kana. Ang OA ko yatang mag-react." Sabi ko pilit na ngumiti pero nararamdaman ko pa rin ang sunud-sunod na pagpatak nila.
"Kami ang dapat magpasensya sayo dahil parang pinaparamdam namin sayo na nag-iisa ka. Na wala na kaming pakealam sayo. Sorry." Napayuko nalang ako sa sinabi niya at kinagat ang labi ko. Naiyak ako lalo sa sinabi niya. Naramdaman ko nalang ang pagyakap niya sakin.
Czian Jasshia's POV:
Nagpapasyal ako kina Mom sa playground. Para magpahangin at makalabas naman ng bahay. Pagdating ko doon ay pinaalis ko na sila. Ayaw pa nila akong iwan pero pinakita ko sa kanila na okay ako kaya napapayag ko sila. Sabi ko ay magta-taxi nalang ako pauwi.
Habang naglalakad ako ay nakita ko ang dalawang imahe na magkayakap sa may swing. Sino pa ba? Ang mang-aagaw na si Jewel at si Zack. Noong una, si Jayshin ang inagaw niya. Ngayon si Zack naman. Kahit na mamamatay na 'ko, hindi ko naman hahayaan ang malanding 'yon na pati si Zack kukuhanin pa niya sakin! For God's sake, hindi pa rin siya nagbabago!
Maya-maya pa ay umalis na si Zack at naiwan na siya doon kaya naman sinugod ko na siya. Hindi ko hahayaang mawala ang lahat sakin dahil lang sa kanya. No way!
BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Teen FictionHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...