Prologue

16 0 0
                                    

“Nak, sigurado ka na ba na sa eskwelahan na iyon ka mag-aaral? Pitong oras din ang layo nun mula dito ah.” Sabi ni mama habang kumakain ng hapunan.

“Nay naman eh. Naka-enroll na po ako oh. Tsaka, diba napagusapan na natin to. Dream school ko po yun. Hindi po ba kayo masaya? Tingnan niyo naman po, napakaimposibleng makapasok sa school na yun yung mga mahihirap na tulad ko pero nakapasok ako. Syempre po. Iggrab ko po yun! Kaya nay, cheer up na po.” Sabi ko sabay yakap sa kanya.

“Sige na, sige na. Kokontra pa ba ako? Eh ako ata ang No. 1 fan mo kaya susuportahan kita.”

“Salamat nay.”

“Basta, kapag may chance o long weekend, bibisita ka dito ha.”

“Oo naman nay!”

“Mag-iingat ka doon ha.”

“Opo nay. Kayo din po ha. Mag-iingat po kayo dito.”

“Siya nga pala, paano ang tutuluyan mo doon? May nakita ka na bang apartment o maliit na bahay?

“Meron na nay. Ang swerte ko nga po eh. May nakita akong fully furnished na studio type na kwarto malapit sa school. Isang sakay lang. Malaki na, mura pa!”

“Mabuti naman. May awa talaga ang Diyos.”

“Oo nga nay eh. Anlakas natin sa kanya.” Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit.

*3 months ago*

“Oh. Nasa dyaryo na naman yung pantasya mo!” iniabot sa akin ni Angela yung dyaryo.

“Pantasya? Anong pantasya? Yung pinagtatrabahuhan ni Uzuma Kazuma?” I asked her. Well, totoo naman, diba? Yun yung Bread Store sa Yakitate Japan?

“Ano bang malay ko dun?!” Sigaw niya. Sorry naman. Anime addict here -_-

“Eh di naman kasi talaga kita gets eh!”

“Si Faith Monreal, featured sa Lifestyle page.”

His name struck me. Oh yah! My fantasy. A mere fantasy for someone like me.

“Natulala ka dyan? Basahin mo yung article! Nakalagay dyan kung saan siya mag-aaral for college. Diba ka-batch lang naman natin siya?”

Oo. Tama. Binasa ko yung article. GEM Professional University-International? Sabi na, sa GEM siya mag-aaral eh.

“Dyan ka na lang mag-aral! Para masundan mo siya.” Sabi ni Angela.

“Ha? Eh hindi naman niya sinabi na sa University na to siya mag-aaral ah. Sabi sa article, malaki yung chance na siya ang male student na pipiliin ng FMA para irepresent yung school nila. Meaning, hindi sigurado.”

“DUH! Sa GEM, isang lalaki at isang babaeng student lang ang pinapasok per qualified private and public high schools. Ibig sabihin, ang tendency ng mga eskwelahan na to eh piliin yung estudyante nila na hindi papahiyain yung school nila. Sino ba sa FMA ang ika nga eh Diamond Student nila? Diba si Faith? Oh, edi si Faith yung sure na papasok sa GEM!” 

“Kahit na. Mahal kaya diyan!” Totoo naman eh. Mahirap lang ako kaya hindi ko kakayaning mag-aral sa GEM. GEM kasi ang pinakamahal na eskwelahan sa buong bansa. Puro anak ng mga mayayamang businessman at angkan ang madalas na nakakapasok diyan. Though, hindi naman lahat diyan nagaaral kasi gaya nga ng sabi ni Angela kanina, dalawang estudyante lang ang nakakapasok per school kaya kadalasan sa mga hindi napipili eh sa sister school ng GEM pumapasok which is the Fountain Montessori University. Kapag hindi ikaw yung napili for GEM pero graduate ka ng FMA (Fountain Montessori Academy), sure na yung slot mo sa FMU. Sister schools kasi yung tatlo.

Andami ko bang alam? Hehe. Sorry naman. Nagresearch eh. Yung tatlo kasing yan, pagmamay-ari ng kumpanya nila Faith. Sino si Faith? Siya ang lalaking nagpapatibok ng puso ko ngayon! CORNY -_- Pero sabihin na nating gusto ko siya. Gustong gusto. More like my idol. He’s 17 yet tumutulong na siya sa pagpapatakbo ng kumpanya nila. I met him nung 7 years old pa lang ako. Isang beses sa isang taon, sumasama siya sa papa niya sa pagbisita dito. Meron din kasi silang business dito at ang business na yun ang halos bumubuhay sa mga tagarito kaya nirerespeto talaga ang pamilya nila.

Simula nung nagfourth year kami, hindi ko na siya nakitang dumalaw. Nagkaroon pa nga ng tsismisan dito na ikakasal daw si Mr. Monreal sa mama ni Wish. Classmate ko siya at siya ang consistent top 1 namin simula elementary. Hindi kami close pero magkaibigan kami. Actually, I’m silently hoping na sa GEM ako mag-aral. Gusto ko kasi talagang sundan si Faith.

Luckily, may scholarship na nagooffer sa akin ngayon. Any school-any course daw, walang cut off sa grades basta good standing. Sagot daw nila lahat. Hinihintay na lang nila ngayon kung anong school ko gusto mag-aral. Etong article lang naman na to talaga hinintay ko para may maisagot na ako sa kanila. EXCITED NA KO!

FAIIIITH! HERE I COME! I’ll make you fall in love with meeee! Kiliiig =’’>

 “Iniimagine mo na ba kung paano kayo magkakainlaban ng Faith mo? Hahahahaha!” Destruct sa akin ni Angela.

“H-hindi no! Ano ka ba! Bumalik ka na nga sa upuan mo! Dalhin mo tong dyaryo mo!” taboy ko sa kanya. Hindi naman talaga ako nag-iimagine eh. (-.-)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hashtag: ANLABOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon