49. Okay na (Y)

1.6K 63 7
                                    


*This will be a Third person's Point Of View para mas feel ang moment chrlng nga pala sorry sa typo errors a past chapter ibang laptop kasi ang gamit ko eh. anyway heres the update*




Slap!


Isang malutong na sampal ang natanggap ni Vice sa ina. Napahigpit ito ng hawak sa kamay ni Karylle dahil medyo masakit ang pagkakasampal ng ina nito sa kanya.


Nilingon naman ni Karylle ang katabi na nakayuko lang.


"Anong ginawa mo kay Johanna?!" nanlilisik ang mga mata ng Ina ni Vice ng lingunin nito si Karylle na nagulat din dahil sa akmang pagsampal nito sa kanya, buti nalang din at naunahan ito ni Vice upang pigilan ang ina.


"Ma! wala siyang kasalanan! Ako ang may kasalanan!"


"Isn't it because of that Girl kaya namatay si Johanna? Its her fault! Kung hindi lang siya dumating sa buhay m--"


"Ma! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na dumating siya sa buhay ko. At kasalanan yun ni Johanna kung bakit dumating si Karylle sa buhay ko kung hindi niya lang ako sinaktan. But i don't regret it ma." Inis na tiningnan ng Ina ni Vice si Karylle ulo hanggang paa. Makikita mo sa mga mata nito ang inis ng makita ang presensya ni Karylle.


Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Vice sa kamay ni Karylle as if to say "Don't worry andito ako.."


"Nahihibang ka na talaga dahil sa babaeng yan." dismayadong saad ni Rosario sabay talikod.


"Wait. kukunin ko ang apo ko kung mananatili kang kasama ang babeng yan." pahabol ng Ina sabay pasok sa loob.


Napa facepalm nalang si Vice dahil sa sinabi ng ina.


Lamay ni Johanna ngayon pero parang demonyo parin ang nanay ni Vice. Napupuno talaga ng paghihiganti ang puso ng Ina niya kaya habang maaga pa mas mabuting pigilan niya ang ina sa binabalak nito.


"Saan ka pupunta?" tanong ni Karylle.


Hinawakan ni Vice ang magkabilang pisngi nito at hinalikan sa noo.


"Babalik ako, aayusin ko'to. Hindi tayo pwedeng magsama ng wala ang anak ko pero hindi din pwedeng makasama ko ang anak ko ng wala ka. I'll fix this.."


saka umalis si Vice.


Pagpasok nito karga karga ng Ina ang anak niya. Nang mapansin ni Rosario ang anak na matamang nakatingin sa kanila sa pintuan ay pina akyat niya na ang apo kasama ang yaya nito.



Umupo sa couch ang Ina niya at nagbukas ng libro.


"Ano? napag-isipan mo na bang layuan si Karylle?" she said without turning her head to her son. lumapit si Vice na ngayon ay nasa harap na ng Ina.

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon