Ako si Sofia, isang estudyante. Nasa pangalawang taon na ako sa kolehiyo. Hotel and Restaurant ang kurso ko.
Siya si Timothy, kaklase ko siya. Tahimik siyang tao at hindi pala imik. Matalino din. Ka-MU ko siya.
Nagsimula ang lahat sa isang text,
"hi Pia,im really sorry for what happened. I guess its fault kung bakit bumagsak yung group natin. Im really sorry. Babawi nalang ako."
"talaga ah. babawi ka. :'D"
"hahah oo naman. ikaw pa. ;)"
Di ko inaasahan na darating kami sa puntong gusto na namin ang isa't isa.
"Pia, hatid kita sa inyo bukas. Yun na yung bawi ko. ;)"
"hahaha ows? sige ok lang."
'YES!!!"
Nagsimula ng magpalitan ng text, sabay lagi maglunch at pumasok sa school. Onti Onti na kaming nadedevelop. hanggang sa gusto ko na siyang maging boyfriend. Ang problema lang kasi hindi siya nanliligaw.
"uhm. Sofia, naimagine mo na ba maging tayo? hehe :D"
" O__O serious question ba yan?"
"oo."
"Actually oo naman. Kaso hindi ka pa naman nanliligaw eh."
"Wait ka lang kasi."
"hehehe"
"hahahha"
Patuloy pa rin ang paghatid niya sa kin, pagsundo, at pag sasamang feeling namin kaming dalawa lang. We both know na more than friends less than lovers na kami. Pero sa point na yun hindi namin alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging MU namin. MU as in Mutual Understanding o Malabang Usapan o baka naman May Umaasa.
"Pia, lets go out tomorrow. ok lang?"
"huh? uhm. saan naman tayo pupunta?"
"uhm. Nood tayo Thor."
"sige ok lang."
"YES!!!"
Niyaya niya akong magdate! YES!! Ano isusuot ko? Dapat maganda ako. Sana walang awkward moments sa min.
Nanood kami ng Thor, naglaro sa Quantum, Kumain. Ang best thing sa date namin ay yung nag-hug kami. Yung moment na yun alam kong siya na. Ang sarap din ng feeling na may ka holding hands ka habang naglalakad. Kilig vibes everywhere.
"Pia, ang happy ko. every moment is priceless. Sana hindi na natapos."
"ako din so very happy. :D thank you. i love you"
"woah!! O_O yes!! i love you too."
oo! nag a i love you han na kami. Ang labo nu? hindi kami pero mahal na namin ang isa't isa. Sa tuwing siya ang nauna mag i love you hindi ako nag a i love you too. pero pag ako naman ang nauna, todo i love you too siya. Unfair ba ko?
Mas naging comfortable na ako sa kanya, mahal ko na talaga siya. Siya na! hanggang sa ... makalipas ng limang araw.
"Pia, hindi kita mahahatid ngayon ah. Pinapauwi kasi ako agad ni mama."
"ay ganon ba? sige ok lang. ingat ka ah."
"sige."
Ok lang sa kin kung hindi niya ako ihatid, kasi hassle naman talaga kasi opposite yung way namin. Kapag hinahatid niya ko, bumabalik pa siya sa school para sumakay papunta sa kanila.
" Tim. pauwi pa lang ako, umalis pa kasi kami nila Grace eh."
.... after 1hour di pa siya nagrereply.