"I'm.." Bumuntong hininga muna siya, "I'm Vonn." Sabi niya at saka tumingin sakin ang singkit nyang mga mata. Ngayon ko lang napansin na singkit siya.. Pero nakakatakot talaga syang tumingin.
Silence
Humugot din ako ng hininga at saka diretsong tumingin sa kanya.
"Okay, Vonn." I rolled my eyes bago nagpatuloy, "Will you please stop stalking me? Pwede rin ba, tigilan mo na ang panunuhol sakin dahil di ako nagpapasuhol!" Napalakas ang boses ko kaya luminga-linga ako kung may tao ba sa paligid. Buti nalang wala.
Bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakatingin parin siya nang diretso sakin.
"Hindi kita sinusuhulan." Emotionless nyang sabi.
Napatawa ako nang mapakla, "Talaga? Oh sige sabihin na nating hindi. Eh para saan naman yung mga pinapabigay mo? Akala mo ba gagamitin ko ang mga yon? For your info isosoli ko yun sayo!" Dahil sa sinabi ko ay lalong naningkit ang mga mata niya. Para namang nawala ang tapang ko sa katawan dahil parang biglang napalitan ng pagka-inis ang mukha niya.
Unti-unti syang lumapit sakin. Unti-unti rin akong napaatras.
"You don't remember anything huh?" Sabi niya habang masama paring nakatingin sakin. A-Ano bang sinasabi niya?
Patuloy ang paglapit niya at ang pag-atras ko.
"Hindi suhol ang mga iyon. Niregalo ko ang mga yun sayo dahil mahal kita." Dagdag pa niya.
Di ko na napansing nakalapit na pala siya sakin at hinawakan ang kaliwang braso ko. Kumakawala ako pero ayaw niya akong bitawan.
"Ano ba?! Bitawan mo ako! Harassment 'yang ginagawa mo sakin! Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin sa classroom?!" Nagsisisigaw ako habang kumakalas sa kanya. Pero ayaw paring bumitaw.
Inilapit niya ang mukha niya sakin. Na halos 2 inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin! Napatigil ako sa paggalaw nang magsalita siya.
"Pag hindi ka sumama sakin.." He suddenly paused then whispered to my ear, "..I'll kill your friend Claire." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at nanginginig na lumingon sa kanya. Nakita ko ang pagngisi niya. "You know what I can do, mahal ko." Sumilay ang mala-demonyong ngiti sa labi niya.