Chapter 7- Mr. Mahangin Vs. Mr. Judgmental

101 4 1
                                    

Natulala ako sa sinabi nya... Hindi ako makapaniwala na sasabihin nya yun..

At ano daw? Seryoso daw siya na gusto nya ko? Na kami na? NA SINASAGOT NYA NA KO?????

ANG KAPAL NG MUKHA NYA TO INFINITY AND BEYOND!!!! :/

ano yan? Ang labas e, ako ang may gusto sa kanya na niligawan ko siya para sagutin nya ko? Is he suffering from psychosis?

Baliw ata tong halimaw na to e.. O talagang gusto nya lang akong pagtripan???

"Hoy!! Kung hindi ka titigil sasabihin ko Kay Panginoong Zeus yung isang bagay na narinig ko mula sa isipan mo.. Malalagot ka sa kanya!!" Pananakot ko sa kanya. Bigla naman ay namutla siya.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong nya na nanlalaki ang mga Mata

"Hahahaha!! Bakit Kala mo hindi ko nabasa ang isipan mo? Sabi mo mas gwapo ka sa kanya na mas makisig ka na mas magaling ka na kung ikaw ang nabubuhay sa panahon nya ay baka ikaw ang nagustuhan ng ating panginooong Helen.. At-------" tinakpan na nya ang bibig ko! Buseeetttt! Ang pait ng kamay nya!!!

"Manahimik ka na! Mali ka ng nadinig!" Sabi nya at bigla siyang tumayo sa pagkakadagan sakin

"Woahow!!! Who's being scared?" Hahahahaha! Kala nya ba hindi ako makakahanap ng ipantatapat sa kanya

"Psssssshhh!! Shut up!" Pagkasabi nya nun ay umalis na siya....

Napatingin ako.. Hmp! Yun lang pala ang katapat nung lalaking yun e. Mababaw! Bawal kasi yun. Yung may masabi ka na masama sa kanila dahil mapapagalitan ka ng mga Diyos kung malaman nila yun.. Mayroon din karampatang parusa.. Kung ano yun? I have no idea.

"Para kayong espada" bigla bigla sabi ni Cattyline na sumulpot kung saan… para siyang kabute..

"Ha? Bakit mo nasabi?" Tanong ko sa kanya.. Problema nito?

"Ang hirap nyong aralin.. Pero ang ganda nyong titigan.. Sabi ko na nga ba e!! May something sa inyo e. Hihihihi" What? Pati ba naman si Kat? Bumabanat din????

"Nooooo!!! Mali yung----------" nagsasalita pa ko tumalikod na siya.... Nakoooooo!!!! Nag walk out din siya???

"Lalalalala! Action speaks louder than voice!!" Sigaw nya sakin...

Loka loka din talaga yung isang yun.. At least..

Napangiti ako...

Ha?

Anong sabi ko???

Hindi.... :((((( mali!!!!

Deny pa te! Haysssss!

Bakit? Bakit ganto?

"Hi! Ang lalim naman ng iniisip mo." Sabi ng isang..., oh my goddddd!!!! Isang mala Adonis na prinsipe na ngayon ay nakangiti sakin!! Shocks??? Bakit ngayon ka lang??? Choz!

"Hi den.. Ah. Ano Wala to." Sagot ko.. Seriously ang gwapo nyaaaaaa!!!! ♥

"I'm Mike! Isa ako sa mga palaging kinukuhang nagtuturo ng sword fighting. I'm sure makikita mo ko mamaya pa sana kaso hindi ko matiis na hindi ka lapitan. Ang isang napakagandang binibini kasing kagaya mo ay mahirap isawalang bahala" sabi nya sakin... 123!!! Kiliggggggggg!!!!!! Grabe! Napaka thoughtful ng lalaking to. Kinilig talaga ako ng seryoso sa sinabi nya.. :"D

Muntik ko ng makalimutan na babae nga pala ako.,, pano kasi si halimaw !!! Ginawa akong lalaki!!! Buseeet talaga siya....

"Ah ganun ba. Salamat." Sabi ko nalang.. Pero ang totoo gusto ko ng magfeeling close.. Hihihi! Nawala ang pagkamasungit ko sa kanya. Pano ba naman ang gwapo na nya tapos ang bait pa!!! Hahahahaha!!! Yummy!!!!

Enchanted SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon