Kate's Pov
Nandito kami ngayon sa bleachers and im sure na nakita na ko ni charlie kanina pa dahil ang magaling na jillian, ayaw sa dulong bleacher kesyo hindi daw maririnig ang cheer nya para kay austin -_-
Actually hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko, kanina pa tingin ng tingin dito si charlie habang nakakunot ang noo, for sure nagtataka sya kung bakit ako nandito kaya tinawag ko ng sobrang lakas si austin, yung tipong maririnig nilang lahat pati na rin ni charlie... pride na lang ang meron ako ngayon, ayokong isipin nya na kaya ako nandito dahil sa kanya which is totoo naman :3
"Austinnnnnn!!!!!!" Sigaw ko kaya napatingin saken yung ibang mga nanonood ng practice game kasama na rin yung ibang player....di ko na alam gagawin ko kaya sinabi ko na lang na galingan nya
"Aweee ang sweet mo naman friend haha idk na ganyan ka pala ka supportive" sabi ni jillian na parang kinikilig kilig pa..di ko na lang sya pinansin, sasakit lang bangs ko sakanya -.-
Habang nanonood kami ng game, nagtataka ko kung bakit hindi chinicheer ni jillian si austin..i mean, kaya nga kami napunta dito sa unahang bleacher ay dahil gusto nyang icheer si austin diba?? -.- tsk
"Oy jillian, akala ko ba ichicheer mo si austin?" Sabi ko sa kanya
"Wait, wag ka ngang magulo friend" -pang iisnob naman nya saken
"Abat----"
"Tingnan mo yun kate oh, yung player na may Sy sa jersey" sabay turo nya kay charlie
Napalunok ako, ano nanaman bang problema neto ni jillian?? -.-
"Oh? Anong meron sa kanya?" Kinakabahan kong tanong
"Wala lang..i just find him...... attractive"sabi nya which is expected ko na, pareho kami ng taste neto ni jillian and i know her, pag gusto nya, gusto nya.
"Andami mong sinasabi! Icheer mo na lang kaya si austin dahil natatalo na yung team nila! -_-" ewan pero uminit talaga ulo ko sa mga sinabi ni jillian kanina
Ewan ko pero ang barumbado maglaro ngayon ni charlie which is not normal, lagi syang nag eenjoy sa mga games eh..mapapractice o hindi..kaya siguro nahihirapan sila austin na habulin yung score nila pero in the end ayun nga, talo sila austin.
"Kate! Tara lapitan natin yung sy hihi" sabi ni jillian sabay hila sakin pababa ng bleachers, hindi agad ako nakapag react..i was so shocked sa gagawin neto ni jillian
And hindi ko nga napansin, nandito na pala kami sa harap ni charlie
"Uhmm hi! Ang galing mo kanina ^_^" sabi ni jillian kay charlie na akala mo close sila tsk
"Thanks" sabi ni charlie habang nakatingin sakin at naguguluhan..di nya siguro alam kung bakit kami nandito sa harap nya , eh ang alam nya, nandito kami para kay austin.
"Im jillian btw and this is my friend, kate" pakilala ni jillian
"I know" sabi ni charlie ng nakangiti
"Huh? Magkakilala ba kayo?" Naguguluhang tanong ni jillian
"Uhmm whats your name nga pala??" Dagdag ni jillian
"Why dont you ask her?" Sabay tingin ni charlie saken at nagpaalam na aalis na sya pero bago pa sya makaalis, nakarinig ako ng malakas na pagbagsak ng kung ano, paglingon ko bola pala..tatama na sana yun kay charlie pero tinawag ko yung pangalan nya kaya nakaiwas sya
"Oopss, sorry dude" sabi ni austin na halata namang hindi bukal sa loob
Nag iinit ang dugo ko ngayon jan kay austin >_< ano namang naisip neto at may ganun pa syang entra? Ok sana kung sincere yung pagsosorry eh..nilapitan ko agad si charlie to check him, nag walk out lang si austin pero di ko muna inintindi, bitter lang siguro yun dahil natalo sila tsk
"Ok ka lang ba?" Tanong ko kay charlie habang nakatingin sakanya
"Uhmm yeah, hindi naman ako tinamaan"
"Uhmm here, water. Inom ka muna" sabay bigay ko ng tubig na tinanggap nya naman
"Uhh thanks.. but...." pagputol ni charlie sa sasabihin nya..anobanaman toh -_- may pabitin effect pa, isungalngal ko kaya sa kanya yung mineral water? -.-
"But?" Tanong ko naman
"Uhmmm hindi mo ba susundan yung ano uhm boyfriend mo?" Tanong nya na ikinagulo talaga ng mga organ sa buong katawan ko
"Huh? San mo ba pinaghuhuhugot yang mga tanong mo charlie? Anong boyfriend?" Naguguluhan kong tanong sa kanya, naiinis na ko ah..ano bang akala nya sakin? Kagaya nya? Napagka break, may bago agad? Tsk
"Eh ano yung kay austin?"
"Huh? Whats with him? He's just a.... friend" sabi ko
"Ohh ok, i thought kayo na..uhmm may nakakita kasi sa inyo na magkasama but i really dont care im just saying so uhm..gotta go now"
Napatungo na lang ako at tiningnan ang likod nya habang unti unting lumalayo. Yeah wala nga syang pake. Ano na naman kasi ako ang feeler ko
I drive home alone. Hindi ko na alam kung nasan sila jillian at austin na nagbibida bida kanina. I just want to rest for now. I feel so tired . tired of all this bullshit i am doing with my life right now. I just feel like i wanted to end this. Pathetic right? Sinimulan ko at hindi pa ko nangangalahati ayoko na. Naisip ko na i really dont need a detective.all i need is closure. I want to talk to charlie for the last time at tanungin sya ng mga tanong na ang tagal tagal ko ng hinahanapan ng sagot.
Huminto ang kotse ko sa tapat ng bahay and i saw austin waiting there. Nakatungo sya habang nakaupo malapit sa pinto. Now what? Like what i said i just want to take a rest for now, i dont need anyone bugging me right now
When he saw my car parked. Napaangat sya ng tingin at agad agad na tumayo. And i think hindi pa to nakakauwi dahil suot nya pa ren yung pinalit nyang shirt after the game at dala nya pa rin yung gym bag na ginagamit nya everytime na may practice or game
"Kate"
"Now what austin? I just want to take a rest. Pwede bang umuwi ka na? Bukas mo na lang sabihin kung ano yang kaylangan mo." malamig kong sabi sa kanya. Alam ko na parang ang sama ko naman dahil nag abala pa syang hintayin ako rito pero naiirita pa rin ako sa ginawa nyang paghagis ng bola kay charlie at pagod talaga ko ngayon
"Kate i just want to apologize for what i did awhile ago. Nabigla lang ako"
"Ok. And uhm tatapusin ko na yung kontrata. Ibibigay ko na lang sayo yung sweldo mo bukas. Just tell me kung magkano gusto mo" sabi ko habang pumapasok sa double doors. Wala atang tao ngayon dito bukod sa mga katulong dahil nasa ibang bansa sila mom and dad for the business
"What? Bakit hindi mo na itutuloy?"
"We'll just talk about it tomorrow" sabi ko at direderetsong umakyat sa kwarto ko
Ugh binagsak ko ang sarili ko sa kama at nagreplay sa utak ko ang mga nangyari kanina. Starting from charlie. Hanggang sa paghihintay ni austin sa labas and i just realize na masyado ko naging hard sakanya. Dala na rin ng pagod at gulo ng utak ko. Inabot ko yung phone ko sa may side table at nagtipa ng sasabihin kay charlie
'Lets meet tomorrow. Same cafe 9am'
Naghintay ako sa reply nya ng mga 30 minutos na pero walang dumadating so tinext ko sya ule
'Austin im so sorry for what i did earlier. Dala na rin ng pagod. Hope you understand'
BINABASA MO ANG
Messed Up Feelings
Teen FictionWhat if sa kakahabol mo sa First and Ultimate crush mo, mafall ka sa iba Basahin ang love story ng Campus Girlfriends