Bryson
Isang araw ang lumipas at pasukan nanaman. Haaay kakatamad kaya. Sabay nanaman kaming dalawa ni Allice na pumunta para sa school."Hey! Wazzup, Bestie! Bakit parang di ka masaya ngayon?" tanong sakin ni Allice.
Tinaas ko ang kilay ko sa kanya. "Hm? Bakit mo naman natanong?" Tanong ko sa kanya.
"Eh kasi parang nakatulala ka na ewan eh. Haay tara na malapit na tayo sa school. Dalian mo at maglolocker pa tayo."sabi sakin ni Allice.
Haaay si Allice talaga. Di na talaga naubusan ng energy kahit kelan. Tsk.
"Ahm Brye and Allice."sabi samin ng teacher ng ibang section.
"Ahm ano po yun?" sabay namin tinanong kay maam.
"Ahm may favor sana ako sa inyo eh."
Napangiti si Allice na parang gusto niyang tanggapin ang request ni maam. "Sige po maam. Ano po ba yun?"
"Pede ba palagay netong mga gamit na toh sa storage room ng restaurant sa likod ng school na toh mamayang uwian?"
Oo nga pala. Etong teacher na toh ay may kamaganak na nagmamayari ng resto sa likod ng school na toh. Isa din yun sa fave place ng gang namin.
"Ahm sige po. Sasamahan naman po ako ni bestie eh."sabi niya na may kasamang ngiti.
"Sige salamat sa help niyo."And then she smiled to us.
Dumeretso na kami agad sa locker room at dun muna kami nagusap habang nagaayos ng locker namin.
"Uy, Allice. Kinareer mo talaga yan ha?" Tanong ko sa kanya.
"Haha oo naman noh. Teacher kaya yun. So I or we have to obey ano man ang ipagawa nila satin."
Nagbago na talaga si Allice. Nagmature na talaga siya. Haha kakatuwang isipin na kapag may inuutos sa kanya ang teacher simula nung gr 2 hanggang gr 5 sinisipa niya ang binti ng teacher at tinatakbuhan niya lang. Tapos ako pa ang nagsosorry. Haha.
"Tara na Brye. Ano iniisip mo diyan? Baka malate nanaman tayo. Tara na."sigaw niya sakin.
"Ay sorry. Eto na."
Mga ilang oras ang nakalipas, uwian na namin at tumuloy na kami papunta sa resto ng teacher na nagrequest samin.
Pinuntahan muna namin ang nasa counter na lalaki. Siya ang manager ng resto na yun ang kamaganak ng teacher na nagrequest sa amin.
"Oh Brye. What can I help you?"
"Ahm sir. Saan po ba yung storage room ng resto na toh?"
Tinaas niya ang kilay niya sakin "Bakit Brye? Ano gagawin niyo dun?"
"Ahm may inutos po kasi samin ang teacher na kamaganak niyo daw po. Ilagay daw po namin tong mga gamit na toh."
"Oh. Sa likod ng resto na toh ang storage room. Basta lumabas lang kayo at pumunta kayo sa likod nito. Tapos may pinto dun at pumasok kayo dun. At ilapag niyo na lang yang nga gamit na yan."
"Thanks po."
Lalakad na sana ako paalis kaso tinawag ulit ako ng manager na yun. "Basta magingat lang kayo. Wag niyong haayaan na masarado yun kundi di kayo makakalabas. Malamig pa man din dun."
Ngumiti ako at tumango na lang ako sa kanya.
Dumeretso kami papuntang likod at pumasok na lang kani sa pinto na yun.
"Brrr...ang lamig nga talaga dito, Brye."sabi niya sakin. "Tulungan mo ko dito ambibigat nito."
Sumimangot ako sa kanya. "Ano ka ba. Kapag pumunta ako diyan masasarado tong pintong toh. Bawal kong bitawan toh."
Nang makita ko siya ay parang babagsak na siya sa bigat ng mga gamit nayun.
"Di...ko na...kaya..."
"Allice!"
Diko sinadyang mabitawan ang pinto nang dahil sa pinuntahan ko siya dun.
"Allice okay ka lang?!"tanong ko sa kanya.
"Brye ang lamig...umalis na tayo dito..."
Crap pano kami aalis kung nakasarado na ang pinto nito. Nasa labas ang lock nito kaya di kami makakalabas.
"Matulog ka na muna...endure the cold..."
Nakita ko sa kanya ang namumutla niyang labi.
Binuhat ko siya papuntang corner. Inalis ko ang jacket ko--okay lang kahit nakat-shirt ako--at inilagay ko sa kanya ang jacket ko para di na siya malamigan. And then I wrapped my arms to her to make her feel i safe. Naaawa ako sa kanya.
"Brye? Why are you doing this? Naka t-shirt ka lang? Di ka ba ninlalamig? Okay lang ako. Magjacket ka na... At saka bakit moko niyayakap?"tanong niya sakin.
Namula bigla ang buong mukha ko.
"Para...para mabawan na ang paglamig ng katawn moo...namumutla ka na...matulog ka muna at sumandal ka muna dibdib ko...bukas na bukas mahahanap na rin nila tayo...di muna tayo papasok bukas...baka magkaroon tayo ng malubhang sakit...sumandal ka muna sa dibdib ko...at matulog ka muna habang nandito ako at nakaupo...itulog mo na muna yan...ok lang na lamigin ako...wag lang ikaw bestie..." sabay ngiti ko sa kanya.
Habang nakaupo ako sa corner ng room na toh, andun siya sa harap ko at nakasandal sa dibdib ko habang yakap yakap ko siya... tingin ko...iba na toh...tinamaan na ako sa kanya...sorry Allice. Pero naging suspect nako ni Kupido. Diko muna ipapaalam sayo toh...hanggang sa maramdaman mo na lang toh...
"I... love you Brye..." bulong niya sakin.
What?! Sinabi niya ba yun?!
Wag ka magalala Brye...nananaginip lang yang bestie mo...no worries...
Kinabukasan, nakita nila na natutulog kami sa storage room. Ako ang unang ginising ng manager.
"Brye?! Anyare sa inyo?! Bakit kayo natutulog diyan sa sulok?! Ok lang ba kayo?"
"Ok lang po ako. Si Allice lang po ang hindi."
Dinala na namin si Allice sa hospital para mawala na ang paglamig ng katawan niya. Sigh kahit ngayon namumutla parin siya.
BINABASA MO ANG
My Ex-Bestfriend
RomanceTheres a girl named Allyson. At ang Best Friend niyang si Bryson. Lagi silang magkasabay papuntang school. Laging magkasama at parang di na sila mapaghiwalay. Matagal na silang magbest friend at sinasabi nila na hindi magbabago ang kanilang pagkakai...