Chapter 1
Nichole’s POV
“Bye mga kuya kong gwapo.”
Paalam ko kina kuya sabay tawa ng mahina.
“Sus! Ang saya mo ah?”
Sabi sa akin ni kambal sabay pitik ng mahina sa noo ko.
“Oh syempre. Makakawala na ako sa inyo e. So, ingat ingat na lang ah mga kuya? Sige na, chupi na kayo.”
Pagtataboy ko sa kanilang tatlo.
Nakasimangot naman silang lumabas ng bahay namin.
Wiiieeehhh! Ang saya koooo! HAHAHA!
Makakalayo na ako kina kuyaaa!
Teka nga. Sa mga hindi nakakakilala sa akin, ako si Zianna Nichole Cullen.
Anak ni Xylon Zain at Nixshley Anne Cullen. ^^
Alam niyo ba kung bakit masaya ako? Hahaha! Kasi naman e. Pumayag na sina mie na ilipat ako ng school since first year college na din ako.
Mahihiwalay na ako sa kanila at last! *U*
Kung alam niyo lang kasi ang mga pinagdadaanan ko kapag kasama ko ang mga kapatid ko. Grabe!
Ako ang ginagawang daan ng mga babae dun para mapalapit sa mga kuya ko.
Kaya nga hindi ako makahanap ng tunay na kaibigan e. Kasi puro sila nagpapalakas sa akin para gamitin ako kina kuya.
Nakuuu! Nabubwisit talaga ako kina kuya kapag naaalala ko ang high school memories ko.
Pasakit sila! Ang hirap kaya ng may kapatid na gwapo.
BINABASA MO ANG
Heartless Heartthrob! (Completed)
Teen FictionFirst Sequel of HSAC. This is the story of Nichole, the only princess of the Cullen Family. ^^ An almost perfect girl who met a cold and heartless heartthrob.