"Waaah! Thank you talaga Stanley! Thank you! Thank you! Thank you!" sabi ko saka siya niyakap. Sobrang saya ko kasi ngayon lang ako nakapasa ng quiz sa trigonometry. Diba ang saya?
*Flashback*
Akala ko talagang nagbibiro lang si Stanley ng sabihin niya na may quiz kami sa may trigonometry pero totoo pala. Hindi ko naman na makuha ang libro mula kay Seth kasi nakakahiya naman yun diba?
Kaya no choice ako kundi makahanp ng kaklase ko na pwedeng magpahiram sakin ng libro o kaya naman kahit makishare lang. Okay lang sana kung may stock knowledge ako sa subject na iyon eh pero talagang lumilipad ang utak ko tuwing yun ang subject. Para bang nirereject ng utak ko yung subject na yun.
Wala manlang akong nahanap na gusto akong pahiramin. Buhay nga naman oh. Maya maya ay parang idinirect ng mata ko ang vision ko kay Stanley. Siya nalang pala ang hindi ko naitatanong. Wag ka na magpakapride Fiona, walang hiya ka naman eh. Lumapit ako sakanya saka siya kinalabit. Napatingin naman agad siya sakin.
"Kailangan mo?" masungit niyang sambit
"Ah eh! Pwedeng magshare tayo sa libro mo?" tanong ko habang nakacross fingers. Please! Sana pumayag ka.
"Ayaw ko nga!" saka siya lumabas ng room. Sinundan ko naman agad siya habang pinipilit parin ang sarili ko. Last quiz na namin ito at idadagdag daw ang score namin sa nalalapit naming exam. Alam kong hindi kami close pero sana naman kahit ngayon lang maawa siya sakin.
"Sige na Stanley! Please! Please! Please!" sunod lang ako ng sundot sakanya habang kinukulbit siya. Pero matigas talaga ang ulo niya, hindi niya ako pinapansin. Inunahan ko siya sa paglalakad saka hinarang. Humakbang siya pakanan kaya humakbang din ako sa kanan. Humakbang siya sa kaliwa at muli ay ginaya ko nanaman siya. Para kaming naglalaro ng harangan daga at mukhang ako ang taya. Naka-spread ang mga kamay ko para mas maharangan pa siya. Determinado akong magreview ngayon.
Tumingin siya sakin ng diretso, napangiti ako dahil sa wakas ay nakuha ko rin ang atensyon niya. Pero mukhang fail ako sa plano ko na ito dahil mukhang inis siya sakin.
"Tumabi ka nga!" inis niyang sambit saka nagpakanan pero muli ko siyang hinarang.
"Pahiram na kasi ng libro! Pwede rin naman tayong magshare eh. Please! Kailangan ko talagang magreview ayokong magsummer class ng subject na ayaw na ayaw ko. Sige na, please?"
"Tsk. Oo na! Oo na! Padaanin mo lang ako! Kanina pa kumukulo tiyan ko!" sabi niya saka ako tinabig pagilid at dali daling pumunta sa may restroom.
Napatawa nalang ako ng mahina. Kanina pa kasi ako may naaamoy na medyo smelly pero hindi ko pinapansin kasi abala ako sa kay Stanley pero siya pala yun. Nautot pala. HAHAHA >.<! Dapat di ko nalang siya hinarang, mukhang kanina pa talaga siya nagpipigil. Pawis na pawis na siyang umalis kanina eh.
Nasa may garden ako habang hinihintay si Stanley. Tinext ko siya na dito nalang kami magreview. Maya maya pa ay dumating na din siya habang dala dala ang bag niya.
"Success ba?" pang-aasar ko sakanya habang nakathumbs-up pa ang dalawang kamay ko. Sinungitan niya lang ako saka umupo at inilabas ang yellow paper at libro.
Nag-umpisa kaming magreview pero hindi ko talaga maintindihan. Para bang lumulutang ang utak ko. Mas nagmumukha pang interesting yung mga bato, uod at dahon dito sa graden kesa sa sinasabi niya. Ganun siguro talaga kapag numero na ang pinag-uusapan. Natauhan nalang ako ng may pumitik sa noo ko.
"Hoy! Nakikinig ka ba?" tanong niya. Hindi naman ako nakasagot kaya mukhang alam na niya ang sagot.
"Wag ka nalang magreview!" aasta siya na paalis ng hawakan ko siya.
"Uy! Makikinig na ako! Sige na! Please!" kaya umupo ulit siya. Pero tulad ng dati ay lumilipad parin ang utak ko. Ilang beses nangyari ang ganun hanggang sa nakaisip si Stanley ng isang magandang ideya.
"Ok! Isipin mo ako si Seth! Hindi ako si Stanle, okay? Ako si Seth!" kaya naman sinunod ko siya. Noong una mahirap kase alam kong siya talaga si Stanley pero buti nalang at kambal sila kaya ilang minuto ang lumipas ay nakinig na rin ako ng maayos. Maganda pala yung gantong strategy eh no?
*End of Flashback*
Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya. "Thank you talaga huh?" saka ko tinignan muli ang papel ko. Ang saya talaga!
"Sige! Salamat ulit! Babye!" paalis na sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa may braso. Napaharap ako sakanya at napatingin na parang nagtataka.
"Parang may nakakalimutan ka ata!" sabi niya.
"Ah! Yung libro." sabi ko saka kinuha yung libro niya sa bag ko at ibinigay sakanya. Kinuha naman na niya iyon. Paalis na ulit ako pero muli nanaman niyang hinawakan ang braso ko kaya napaharap ulit ako sakanya.
"Ano nanaman?" nagtatakang tanong ko.
"Sabi mo sakin kanina na kung makakapasa ka sa quiz natin ay ililibre mo ako ng siomai!" sabi niya na parang nagtatampo na bata. Napangiti naman ako sa inasta niya.
~Fastforward~
"Hinay hinay ka naman sa pagkain niyan! Baka mabilaukan ka diyan!" para kasi siyang mauubusan ng siomai. Sunod sunod ba namang kainis yung siomai, parang hindi na niya nginunguya eh.
"Uuuy~ Concern ka ba sakin?" mapang-asar niyang sabi. Buti nalang at naintindihan ko pa ang sinasabi niya. Punong puno na kasi ang bunganga niya ng siomai.
"Kapal mo!" sabi ko nalang. Nagpatuloy lang siya sa pagkain sa siomai niya. Parang ang sarap ng siomai habang kinakain niya ito. Sarap na sarap kasi siya eh, ansarap niya panuorin kumain. Natatakam tuloy ako. . . sa siomai.Maya maya pa ay kukuha sana ako ng siomai pero biglang pinalo ni Stanley ang kamay ko. Sakanya lang daw iyon. Tsk! Ang damot -.-
Umiinom siya ngayon ng black gumalaman kaya naman naisip ko na oras na ito para kumain ng siomai. Never pa akong nakakakain ng pagkain na ito eh. Ignorante lang! Haha! Kmuha ako at kinain agad iyon. Sunod sunod akong kumuha dahil alam kong babawalan na ako mamaya ni Stanley. Nasa pangatlong siomai ako ng may maramdaman akong kakaiba. Tila pumula ang buong mukha ko.
"Ang anghaaaaang~" sigaw ko.
"Pft- Hahaha!" tinawanan lang ako ng loko. Kita na nga niyang hirap na hirap ako eh.
"Akin na nga yang gulaman!" saka ko sinubukang kunin ang gulaman mula sakanya para makainom ako. Gosh! Sobrang anghang naman nun! Umalis siya palayo sakin kaya naman hinabol ko siya. Hanggang sa napagod rin ako sa opaghabol sakanya kaya bumili nalang ako ng akin. Di ko naisip agad yun!

BINABASA MO ANG
Double Trouble (On Going)
RandomLove is when the other person's happiness is more important than your own.