Chapter One- Frienemy

2 0 0
                                    

High school. Year 2011. 

"Maika, napanood mo na yung Nurarihyon no Mago?"

"Hindi pa eh, maganda ba yun?"

"Oo, bigyan kita ng copy, nun"

"Waah, Salamat Justin"

Oo, mahilig ako sa anime. At pati na din itong kasama ko. Siya nga pala si Jeremy ang Frienemy ko a.k.a friend/enemy. 

"Kayo nanaman ang magkasama, baka madevelop kayo niyan sa isa't isa" 

"ASA!!-" naputol ang sasabihin ko, nang nakita ko ang muka ni Justin, gwapo, sasabihin ko sanang asa siya kaso hindi ako maganda para sabihin yun sa isang may itsurang katulad niya

"-ako"

"buti alam mo. kaw ah may HD ka pala saakin" tsk, ayan nanaman ang kayabangan niya, oo gwapo nga siya kaso hindi ko siya gusto bukod sa mayabang siya eh dahil na din sa may gusto akong iba. 

"yabang mo talaga, wala no! Iba ang gusto ko at hindi ikaw yun!"

"Tsk, alam mo wala ka talagang taste sa lalaki, akalain mo yun crush mo yung budoy na yun" 

"Hindi siya Budoy! mas gwapo siya sayo ng sampong paligo, ingrown ka lang ng kuko niya!"

"ang gwapo ko namang ingwon kung ganun"

"Eew, kabadingan mo!"

Tignan niyo, parang kanina lang magkasundong magkasundo kami, ngayon naman magkaaway na. Frienemy nga kami. Nothing more and nothing less. 


"Ayan nanaman kayong dalawa, away nanaman. Feeling ko talaga magkakatuluyan kayong dalawa" 

"NO WAY/HINDI" sabay naming sabi.

Hindi ako magkakagusto dito sa singkit na to. 


"Oh di hindi, sakay na kayong dalawa sa sakayan niyo. dito na kami"

Naghiwalay na kami ng daan sa iba naming kasama, iba iba kasi ang sakayan namin. 

"ayun oh hindi pa puno, lika na Maika"

sabi ni Justin, tignan niyo parang wala lang nangyari kanina. Bati na kami ulit. 

Parehas kami ng sinasakyan. kaya naman kami parati ang magkasama.


"Oi basta yung Nurarihyon no Mago ko ah, bukas mo ibigay" 

"Oo boss, sige bababa na ako dito, magingat sila sayo, lalo na't hindi mo ako kasama hindi kita mapipigilan, queen of the apes ka pa naman din haha, manong para"

"badtrip ka!!"

bago ko pa siya mabatukan eh, bumaba na siya ng jeep. at naiwan ako dun na nakataas ang kamay. tasos sumigaw pa ako kanina. Naku nakakahiya naman nun.  





"Maika!! Catch" 

"huh? Aray"

"Ang laos mo namang magcatch Maika haha"

Badtrip talaga tong Jeremy na to. Sino ba naman kasi ang makakacatch ng isang flying USB pagkapasok na pagkapasok mo pa lang sa classroom. Nakakabigla kaya. 

"tsk. badtrip ka, pero thanks Monkey lord"

"no prob queen of the apes"

"UUUUUUYYYY and sweet nila, grabe landian niyo ah umagang umaga PDA kayo masyado"

problema nitong mga to? anong sweet dun?

"grabe, maika ah, hihi, baka kayo na pero hindi mo lang sinasabi sa amin"

"anong kami na ? hindi no, tyaka bakit mo naman nasabi yan? baliw ka talaga Jane"

"sus, may endearment na nga kayo sa isa't isa oh. ikaw yung Queen ng apes tapos siya naman yung lord of the monkey at kayong dalawa ang namumuno sa monkey land. HAHAHAHAH" 


binatukan ko nga itong Jane na to ang baliw eh. anong pinamumunuan namin ang monkey land. tsk hindi niya ba alam na nagaasaran lang kami. 


tyaka hindi pwedeng magkakagusto ako sa kanya kasi naman, iba ang gusto ko at ayun siya sa labas ng classroom namin naglalakad, mukang inutusan ata siya ng teacher niya.

 Haay, nakakatunaw naman yung ngiti niyang yan, sana ako din ang ngitian niya hindi yung kasama niya. teka nga sino nga ba ang nginingitian niya? 

nilingon lingon ko at ayun, si Katrina. 

kumirot ang puso ko bigla, alam kong hindi sila, at magkaklase lang sila. kaso masakit parin dahil nga ang ganda ni Katrina at sa pagkakaalam ko hindi malabong magustuhan ni Jake si Katrina, ito ngang mokong na nasa tabi ko may gusto kay Katrina. 


" Wag ka masyadong tumingin sa kanila, magkaklase lang yan tyaka, akin lang yang si katrina kaya wag mo yang dibdibin" 

Ang yabang talaga nitong mokong na to, anong sakanya si Katrina, ni hindi niya nga kayang kausapin. Pero dahil sa pagtakip sa mata ko ng mokong na to hindi ko na nakita kung paano tignan at ngitian ni Jake si Katrina, baka maiyak pa ako kapag tinignan ko pa ng matagal. 


"Kayong dalawa diyan sa likod, patapusin niyo muna ang klase ko bago kayo maglandian!!"

"UUUUUYYYY ayan nanaman ang Queen at Lord of the monkey" 

psh. naku itong mga to. badtrip.  pero natatawa na lang ako. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Making my own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon