Untitled Part 1

4 0 0
                                    

"Dwell on the beauty of life. Watch the stars, and see yourself running with them."
― Marcus Aurelius, Meditations

It was my first day in school. Wala akong kakilala sa klase ko, dahil sa pagkakaalam ko, ako lang sa batch namin ang pumili ng course na 'to. Base sa schedule ko, ala una pa ang klase namin, pero pumasok na ako sa room bandang alas dose y medya pa lang. Ganun kasi ako, maaga lagi. Dati hindi ganito ang attitude ko, pero nagbago ako dahil sa isang napakahalagang tao sa buhay ko.

Napansin kong marami na ring nagsisidatingan na mga classmate ko. Saktong ala una sa wristwatch ko, dumating na ang professor namin sa major subject namin. Kinuha niya ang mga classcards namin.

"Dahil hindi ko pa kayo mga kilala, introduce yourselves. Bahala kayo kung anong information ang ibibigay niyo. At sabihin niyo rin kung bakit kayo pumasok sa course na' to. So magsimula tayo, sa'yo mister," sabi ni Mam.

Nagulat ako, ako pala yung tinutukoy niya. Bakit ko ba naisipang sa unahan umupo at sa pinakagilid pa?

Bakit ako nag-accountancy? Simpleng tatlong salita, pero dinala ako nito sa isang pangyayari, tatlong taon na ang nakararaan. . .

"Ate, kain na,nagluto na ako," sabi ko. "Sige lang, kumain ka na. Mamaya na ako kakain. Unahin ko muna itong mga assignments ko."

Ganyan si ate kadesidido sa pag-aaral. Valedictorian siya nung nag-graduate siya ng highschool. Proud ako sa kanya kahit na di ko yun nasasabi sa kanya. Nagsimula siyang maging napakatutok sa pag-aaral mula nung second semester nila nung first year sya hanggang ngayong second year na sya. Napansin ko ngang madalas ang pagpupuyat niya. Kung minsan, nag-aalala na rin ako dahil nakakalimutan nanyang kumain dahil sa sobrang antok.

Nagpatuloy ang ganung pangyayari. Kung minsan, dumadaing siya ng sakit ng tyan. "Ang hapdi ng tyan ko," reklamo niya. "Oh bakit Ate, anong nakain mo?" Yan naman ang lagi kong itinatanong.

Hanggang isang Martes, habang nasa may lumang flagpole ako ng school namin at naghihintay para sa susunod na subject, biglang tumawag ang Tita ko. Nasa ospital daw si ate.Kinabahan ako. Dali-dali akong nagpaalam sa mga kaklase ko.

Noon namin nalaman ang kondisyon niya. Pero huli na pala ang lahat. . . Pinilit niyang itago samin ang kondisyon niya dahil siguro alam niyang ibig sabihin noon ay gastos. Nang minsang dumalaw ang mga kaklase niya, may isang nagsabi sa akin na isang beses daw ay parang nakita niyang nagsusuka si ate ng dugo.

"Tiningnan ko yung sink pero nawashout na niya. Tinanong ko sya kung dugo ba yun pero tumawa lang siya. Imagination ko lang daw yun."

"Kapag nawala ba ako, mamimiss mo ako?" Napatigil ako habang nagbabalat ako ng apple na para sa kanya. "Ano namang tanong yan, Ate? Nag-eemote ka na naman?" Alam ko ang ibig niyang sabihin pero ayoko mapunta sa usapang ganun.

"Napapansin mo ba?Away tayo ng away lagi, pero in the end, di natin natitiis ang isa't isa. Haha.. . magkapatid talaga tayo. Alam ko di ko 'to nasasabi lagi pero, I love you,my sweet little brother." Sabay gulo ng buhok ko. "Haha, ang corny ko. Uy,lapit na ng birthday mo. Secret na lang kung anong gift ko sa'yo."

Mamimiss ko ang mga ngiti niya. . . mamimiss ko ang mga tawa niya. . .

Nangyari na nga ang kinatatakutan ko. March 15, ilang araw lang pagkatapos ng usapan naming yun at tatlong araw rin bago ang birthday ko, tuluyan na siyang namaalam. . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To My Dearest Sister. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon