Pumunta ako sa library to cope up with the lesson awhile ago. Hindi ko kasi naintindihan ang itinuro ng prof kanina sa subject na iyon.
I'm searching for the book at tadaaa! Here it is. I'm about to get it ng may isang kamay ding nakahawak sa librong kinakailangan ko. Tumingin ako sa taong nagma-may-ari ng kamay na iyon at nakitang nakatitig na din pala ito sa akin...or am I just hallucinating at nagfi-feeling lang? whatever. I was shocked and astonished by his handsome face. C'mon Misha, inuuna mo na naman ang landi. He got a pointed nose, a kissable lips, his skin is fair, di siya gaanong maputi, hindi rin naman maitim. Paano ba mag-describe ng pogi? Basta he got a handsome face. Oh, cut it!
"Hey, miss. Are you okay? Kanina ka pa nakatulala." Bumalik ako sa wisyo ng magsalita siya. What the hell just happened to me? Did I just day dreamed?! Oh, shame on you Misha!
"Oh? Hi. Can you lend me this book?" I said coolly. Pilit itinatago ang kahihiyan.
Ngumiti siya sakin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, tipong may mga nagtatakbuhang kabayo dito?!! Omygod! What feeling is this?! Gather your wits Misha!
"Are you sick miss? You're face looks fail. Your ears are red." Sabi nito at hinawakan ako sa noo!
Nanlaki ang aking mga mata. "A-ah,sayo nalang yang librong yan. B-bye!" kinuha ko ang mga gamit ko sa mesa at nagmamadaling tumakbo palabas ng library. Jeez!
Nandito ako ngayon sa may park ng university na pinapasukan ko. Dito ako dumiretso pagkatapos ng eksenang yon. Trying to figure out what the hell happened to me, and why the hell I acted like that. This is not so you Misha. I heaved a deep breathe.... Did I just fell in love at first sight?! As if....
To get away from those thoughts. Inilabas ko ang nag-iisang librong dala ko. It is a horror story, at unang kabanata pa lang ay nakakatakot na. Sumandal ako sa trunk ng puno. Nasa ilalim ako nito ngayon. Ang ganda kasi dito at hindi mainit, natatakpan ng malalago nitong dahon ang kinalalagyan ko kayat hindi ako naaarawan . Actually the air is really fresh ang sarap langhapin. Bumalik ako sa pagbabasa, at nasa parte na ako na nakakatakot. Hinahabol na ng multo ang babae. Di ko alam pano manghahabol ang multo, pero ito ang nakasulat. Takbo ng takbo ang babae. Pati ako habang nagbabasa ay kumakalabog ang dibdib. Mabuti na lang at tanghaling tapat ngayon. Mahuhuli na siya, shit! Bilisan mo ang takbo!
*booooog*
Nagulat ako at natapon ang libro sa taong bigla na lang bumulaga sa aking harapan. Tinignan ko ito at umatras ng kaunti. Dahan dahan niyang inangat ang kanyang ulo at nagsisigaw ako sa takot. Freak! Half human, half ghost! His face....scary....
"Hoy, wag ka ngang maingay." Nagsalita ito. Nagsasalitang multo?! That scares me more! Tumigil ako sa pagsigaw ng tumatawa siya ng tumatawa. Demonyo to! Kinuha ko ang perfume sa bag ko at ini-spray sa mukha niya ng busy siya sa pagtawa. Napanood ko na to eh! Ini-sprayan mukha para matakot at maglaho ang multo!
"Pusanggala!" nagsalita at tumayo yung multo! Tumingin ako sa paanan niya. Bakit hindi nakalutang ang paa niya?! Ibang level ba ng multo siya?! Tinakip ko ang bag ko sa mukha ko.
"Holy Mary mother of God, pray for us sinners now and at the hour of death...." Paulit-ulit ko habang nakapikit pa rin.
"Hoy" ang lapit na ng multo sakin at tinatanggal ang bag na nakatakip sa aking mukha! Snatcher ang multong to! Snatcher! Pinilit niya itong tinaggal at naagaw niya na! itinakip ko naman sunod sa mukha ko ang aking kamay. Narinig ko itong bumuntong-hininga.
"hindi ako multo. Dilat na." sabi nito, unti-unti ko naming dinilat ang aking mata. Ang poging multo?!! Nanlaki ang aking mga mata at tumayo. Pinagpag ang damit.
"Walangya ka! How dare you! You scared me!" sigaw ko ito habang pinagpapalo siya. Siya naman sinasangga lang ang palo ko at pinagtatawanan pa ako! Sino ba tong lalakeng to?!
Tumigil ako sa pagpalo sa kanya. Sapagkat nakakapagod na at nangangalay na ang aking mga kamay. Nagkibit-balikat ako sa kanyang harapan at tinitignan siya ng masama. Siya naman ginugugulo-gulo ang kanyang buhok habang nakatayo din sa harapan ko.
"Awoooooo." Sabi nito na parang umaalulong ng parang sa aso at isinuot ang maskarang ginamit niya kanina! Binato ko siya ng dahon. Eh say un ang nalaglag sa kamay ko eh! Di yun umabot at pinagtawanan na naman ako ng lokong to!
"Stop laughing at me!" sita ko sa kanya kaya tumigil siya sa pagtawa at nakita ko namang pinipigilan niya ito!
"You're funny! Hhaha! Akalain mo yun pinagkamalang multo ang gwapong katulad ko!" sabi nito at tumatawa na namang muli.at aba! Mahangin! May topak yata talaga ang lalaking ito, mabuti pa't makalayas na nga at baka mahawa pa sa kanya.
Linayasan ko siya habang tumatawa pa siya. Bahala ka sa buhay mo, di naman tayo close. I rolled my eyes as I walked pass to him.
"Ken nga pala! Ken Makarov! Wag mong kakalimutan ah!" pahabol na sigaw nito sa akin. So what, who cares? I walked gracefully at lumayas na ng tuluyan sa park nay un.
Naglalakad na akong muli at papunta na ng canteen dahil nakaramdam na ako ng gutom ng may biglang humawak sa balikat ko! Tinignan ko kung sino ito at nakitang babae siya at may kasama itong lalaki. I rolled my eyes at them.
"What?" I asked bitchy and that taken them aback. Binitawan ng babae ang aking balikat.
Tinignan ako nito sunod ng pataas pababa at kumunot ang aking noo. Is she insulting me?!
"Pwede na yan." Sabi nung kasama niyang lalake. Nagpumiglas ako ng hilahin nila ako, pero wala akong nagawa ng buhatin ako na parang sako nung lalake. Nagsisigaw din ako at nagsitinginan ang ibang estudyanye samin pero ni isa walang tumulong sa akin! What a day!! What a wonderful day, really. With full sarcasm.
