Alice POV
“Ayoko ko diyan, nakakadiri at…” (>o<)
“Huwag mo akong paghintayin dito dahil I swear Alice makakatikim ka sa akin!”
“Oo na! Pupunta na ako. Siguraduhin mo lang may MOSHIE diyan!”
“Gusto mo ng kamao ko?!”
“Joke lang naman eh… Hindi naman ito mabiro…”
“Your time is running out Sis. Kung hindi ka pa makakarating pa dito mababawasan talaga ang baon mo ng half so better be here now or gusto mo pa…”
“Arggggg!!! Ito na sumasakay na!”
“Tick, tock, tick tock, tick tock…”
“Bye.” (>_<)
“Good Luck!”
Nakakainis ito talaga si Sis pati ako dinamay sa kanyang gulo. Ba’t ba kasi hindi niya nadala ang kotse niya…
Arggggggg!!!!!!!!!!!!!! Ayoko ko talaga pumunta sa mga prisinto kasi madumi, mabaho, magulo in short “SUPER YUCKYYYYY!!!!!!!!” Sa lahat man lang lugar prisinto pa! Hindi talaga si Sis paminsan-minsan magaling pumili ng lugar na gusto kong puntahan at ngayon pinag-iisa na niya ang mga ayokong mga consequences… starting pa with my baon!
Sa lahat ng bagay, ayoko ay bawasan ang baon ko dahil buhay ko ang allowance ko… mahilig kasi ako gumastos kaya hindi talaga ako makakasurvive! Nakakainis but someday I’ll learn to use my money properly…
SOMEDAY!!!
Binaba ko na ‘yong phone ko at minadali ang ko ang pagdridrive patungong Pasig. Hinanap ko iyong prisintong sinasabi niya at after almost one hour na paghahanap, natagpuan ko din.
Akalain mo naman paglabas ko pa lang sa kotse ko, naaamoy ko na ang baho at nakakadiring mga lalaki sa loob ng prisinto. Ayoko mahuli baka kung anong pang mga punishment ang matatanggap ko kapag hindi ako magmadali kaya tiniis ko na lang ang masamang baho.
Pagpasok ko…
“Hoy lalaki!!! Huwag mong ipamukha sa aming mga babae kami ang may kasalanan kung bakit kayo nagiging adik!!! Sa totoo lang kayo ang mga drug lords… kung anu-ano ang pinagagawa pati kami nadadamay!!! Sa lahat ng ayaw ko ay ang mga walang utak at mahihinang mga lalaki!!!”
Sa pagkarinig ko iyon nagmadali pa ako, nagsiliparan ang mga papel sa station at nakita ko si Erica kulang na lang ay suntukin ang lalaki…pero infernes MOSHIE siya… *(^o^)* kaya I decided to interfere baka kung ano pa ang magawa ni Sis sayang ang kanyang itsura… umeegat ako talaga!!!
“Sis, tama na! Huwag mo na pag-aksayahan ang laway mo diyan… Walang siyang planong makinig sa iyo…” sabi ko sa kanya sabay hawak sa kanyang braso.
“Oyyyy… dumating pa ang isang pakialamira!” pabulong sabi ng lalaki.
“Hoy lalaki! Inaawat ko lang ang Sis ko dahil alam ko kung anong kayang niyang gawin sa’yo…” binulong pa niya ang sinabi pero rinig ko pa rin.
“Sa gwapo kong ‘to magagawa ba niya akong saktan?” sabay paakit effect.
Aiiiii!!!! Ang gwapo niya kahit may pagkafeeler siya!!! Pwede akin ka na lang??? Habang ako’y napunta na sa dream land, si Sis naman ay nakisingit pa nang banat… Naku naman!!!
BINABASA MO ANG
Ms. Terror (The Unexpected Love)
Teen FictionHigh school life ang maituturing na memorable ng part sa buhay ng isang tao. Dito nararanasan ang mga kakaibang mga trip tulad ng cutting classes, sabunutan ng buhok, pag-aaral para sa mga long exams at higit sa lahat maranasan mainlove. Paan...